Oo alam kong imposibleng mangyari ito, ngunit heto at umiibig ata ako sayo.
'Di ko na ata mapipigilan ang puso na tumibok para sayo, dahil ikaw lamang simula noon hanggang ngayon.Oo alam kong hindi pwede, dahil may iba ka na.
Ngunit 'di ko na nga mapigilan puso'y sinisigaw ang ikaw lamang.
'Di ko inaasahan ang isang katulad mo ang bibighani sa akin.Ngunit naalala ko na may gusto kang iba. May gusto kang iba at hindi ako yun.
Ako'y aasa. Aasang mapapasakin ka. Aasa na lamang.Eto ang tandaan mo. Hindi ako sigurado ngunit mahal na ata kita.