Hi! Nais kong magpakilala!
Ako lang naman ang magmamahal sayo ng totoo. Seyoso at walang loko.
Matagal na kitang gusto ngunit ngayon lamang ako aamin sayo.Gusto kong malaman mo na ikaw ang nagpasabi sa akin kung ano talaga ako.
Ikaw, oo ikaw.
Hindi mo man pansin na ako'y nagpapansin.
Kailaman ata ay hindi mo mapapansin ang aking damdamin.Maganda ka at sabi mo, alam mo yun.
Pero kahit ilang beses kong ulit ulitin yun sayo ay hindi ako magsasawa.
Seryoso ako sayo. Seryoso at totoo.Teka, bakit ba ganito na lang ako?
Bakit ganito lang ako makapagsabi ng ganito?
Anong mayroon ka at nagagawa ko ito?
Bigla bigla na lang ako napapagawa ng tula, dahil sayo.Noong nakatabi kita habang nanonood. Kahit saglit lamang yun, mahalaga na para sa akin yun. Pangatlong beses na din yun na nakatabi kita, kaya sobrang saya.
Noong nagtama ang ating mga mata noong inaalalayan mo yung matatanda.
Ano kayang naramdaman mo noon?
Kung tatanungin mo kung ano ang naramdaman ko noon.....kaba at saya.
Kaba at saya ang aking nadama.
Kakaiba. Oo, kakaiba.Noong umakyat ako noong Miyerkules. Noong lumabas ka saglit ng pinto para kuhanin ang lobong iyon. Laking pasasalamat ko sa lobong iyon. Dahil sa lobo na iyon, nakita kita.
Muli nanamang nagtama ang ating mga mata.Salamat. Salamat dahil pinapansin mo ang mga chat ko. Salamat. Salamat.
Pasensya. Pasensya sa lahat ng aking pangungulit. Pasensya. Pasensya.Kung alam mo lang ang aking nararamdaman, baka pati ikaw ay maguluhan. Magulo talaga. Magulo. Magulo.