Siya

16 0 0
                                    

Isang taong nagpatibok ng aking puso.
Isang taong nakasakit din sa aking puso.
Noon pa man alam ko nang walang pag-asa.
Pero hindi ko naman napigilan umasa.

Akala ko 'yun na.
Pero hindi pala.
Noong sinabi mong may karapatan ako? Akala ko 'yun na 'yun.
Pero ako'y nabigo nang sinabi mong meron kaso hindi ko maipaglalaban.

Oo, kasalanan ko din.
Umasa ako kahit alam kong wala din.
Hindi ko naman sinasadyang mahulog sa iyo.
Sa iyo lang talaga napamahal ang puso kong ito.

Ikaw ang nagustuhan at wala akong nagawa.
Hinayaan ko na lang kung kaya't ako'y nasaktan.
Hanggang ngayon ika'y minamahal at patuloy akong nasasaktan.

Hindi ko malilimutan ang mga sandaling tayo'y nagkatabi.
Hindi ko inaasahan na ikaw at ako ang magkakatabi.
Hindi ko din inaasahan na sa iyo ay makakarating.
Hindi ko inaasahan na malalaman mo na ako ay 'yun din.

Sinisikreto ko 'yun ngunit nalaman na ng iba.
Pinabayaan ko na lang na malaman nila kaso nakarating sa 'yo aking sinta.
Ayaw ko na sana na ikaw ay ibigin pa.
Hindi ko naman napigilan ang puso kong ikaw ang sinisinta.

Sabi na nga nila noon tigilan ko na.
Pilitin ko man na ikaw ay limutin ngunit ikaw nga ay hahanap-hanapin.
Parati kang gusto sundan ng aking puso. Ayaw ko sana kaso sabi nga nila "Follow your heart."
Sinunod ko ang puso ko.

Nasaktan ako. Pero ayos lamang 'yun.
Kahit papaano alam ko na kung paano.
Kung paano magmahal at mabigo.
Kung paano umibig at umasa.
Kung paano magmahal at masaktan.

Mahirap man, kailangan kitang kalimutan.
Mahirap dahil lagi kang nakikita kung saan-saan.
Mahirap sabihin na wala na.
Mahirap din sabihin na hindi na kita mahal.
Kasi ang totoo? Hinding hindi mawawala kaagad ang pagmamahal ko sa 'yo.

Sana alam mong hanggang ngayon ay nandito pa rin ako.
Naghihintay at patuloy na umaasa.
Akala mo wala na? Nagkakamali ka.
Mahal na mahal pa rin kita kahit na wala nang pag-asa.
Patuloy pa rin akong nagpapakatanga.

Iba 'yung pagmamahal ko sa 'yo.
Alam ko kasi na mayroon na siyang iba.
Pero ikaw, kahit may gusto ka sa iba, wala e. Ikaw talaga ang gusto nito.

Gusto kitang kausapin.
Gusto kitang makatabing muli.
Ngunit lahat ng 'yun ay mawawala din.

Hayaan mo mawawala din 'to.
Makakalimutan din kita.
Wala ka namang pakialam sa akin.
Isa lang ako sa mga taong nakasama mo ngunit hindi mo pinansin.
Oo na, wala na nga.
Pero hayaan mo muna akong mahalin ka.
Mamahalin kita kahit alam kong wala na.

Mahal na mahal kita.
Kathang isip lamang 'to.
Pasensya ka na.
Kundiman mawala ito, sa 'yo pa rin ito titibok e.
Hindi ko kayang ipangako ang "'Di na kita mahal."
Kaya hayaan mo akong umibig sa 'yo.
Malaya ka naman. Torete lang talaga ako sa 'yo. Oo na titibo-tibo ako.
Sa totoo lang gusto ko sanang sunduin tuwing tapos ng klase mo.
Pero wala e. Wala na. Wala na akong pag-asa.

Mahal ko? Kahit hindi mo ako mahal...
Mahal ko, tandaan mo nandito lang ako para sa 'yo.
Hinding hindi ako lalayo.
I love you. I know you don't feel the same but I just wanna let you know that I love you so much.

Umaasa pa din ako na tatawagin mo din akong "mahal" pero mukhang malabo na.
Sige na. Pasensya na kung ako'y nakaabala pa. Gusto ko lang naman ipaalam sa 'yo ang nararamdaman ko.
Pasensya na uli.

Mga TulaWhere stories live. Discover now