Pagmamahal sa 'yo

29 0 0
                                    

Muli, nakita nanaman kita.
At sa wakas ay nahuli kitang nakatingin sa akin.
Hindi mo maitatanggi na ika'y nakatingin sa akin.
Nahuli kita kaya tumingin ka kaagad sa iba.

Nakakatawa lang kasi aasa nanaman ako.
Eto nanaman ako.
Aakalain ko nanaman na ako ay gusto mo rin.
Ang hirap kasing isipin kung bakit ikaw ay nakatingin sa akin.
Bakit nga ba?

Bakit ka nakatingin sa akin noong oras na 'yun?
Bakit? Anong dahilan?
Alam mo bang sa ginagawa mong 'yan ay lalo akong nahihirapan?

Nahihirapan akong kalimutan ka.
Nahihirapan akong humanap ng iba.
Ikaw na ba talaga?
Ikaw ba talaga ang nakalaan sa akin ngayon?
O baka naman pang-habang panahon.

AYAW KO NA!
Ayaw ko nang ibigin ka.
Ayaw ko na masaktan.
Ayaw ko na umasa.
Ayaw ko na gusto na talaga kitang makasama.

Kahit ano ang aking gawin,
Ikaw at ikaw pa rin.
Walang pagbabago.
Nandito pa rin ang tanga kong puso.
Naghihintay at umaasa sa iyo.

Sana ako'y iyong mahalin.
Sana ako'y iyo nang mapansin.
Sana lahat ng aking "sana" ay dumating.
Sana nga ikaw na ang aking hinihintay.

Pero naisip ko lang?
Baka naman ikaw ang magtuturo sa akin.
Baka naman ikaw ang magsasabi kung ano ang dapat kong gawin.
Baka ikaw na ang magpapaintindi sa akin na hindi agad-agaran nakakahanap ng makakasama ko habang buhay.
Baka lang naman.

Sana talaga ikaw na.
Gusto kita.
Mahal kita.
Hanggang ngayon.
Tanga na kung tanga basta't ang alam ko lang ay mahal kita kahit ako'y iyo nang nasaktan.

Basta't lagi mong tatandaan na ako'y nandito parati.
Lagi kang mag-iingat at ngumiti.

Mga TulaWhere stories live. Discover now