Dahan

21 0 0
                                    

Ang iyong ngiti ay nakakakaba.
Ang iyong galaw ay nakakailang.
Ang iyong mga sagot ay kakaiba.
Kung kaya't nagustuhan kita.

Iba ka sa kanila, 'wag kang mag-alala.
Ang iyong mata ay kakaiba sapagkat iba ang kanilang mga kislap.
Paano ka tumawa? Gusto kong malaman.
Paano ka kaya magiging masaya kapag ako na ang iyong kasama?

Iba ka. Iba ka sa mga magagandang babae na nakita ko. Dahil sa 'yo ko lamang naramdaman ito.
Itong kaba na aking nararamdaman tuwing nakikita ka, nakakatabi ka at nakakausap ka.

Noong sinabihan mo ako ng "Pano "ikaw at ako" magiging friends".
Shit. Natigilan ako nun.
Sabi ko sa sarili ko "Hala! Bakit ganito?!"

Bakit ganito?!
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bakit ganito ang puso ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Kung ano man 'to, ayoko.
Ayoko mafall sayo.
Ayoko mahulog sa isang katulad mo dahil mukhang masasaktan ako.
Ayoko mapaasa.
Ayoko din umasa.

Ang gusto ko kapag nafall ako sayo, hindi mo ako papaasahin.
Gusto ko magkaroon tayo ng pagkakaintindihan.
Gusto ko hindi ako masasaktan.
Gusto ko hindi mo ako iiwan.

Kapag naging tayo sayo lang ang puso ko.
Kapag naging tayo sayo lang ako.
Kapag naging tayo hinding hindi kita iiwan.
Kapag naging tayo aalagaan kita.
Kapag naging tayo hinding hindi kita pababayaan.
Kapag naging tayo mamahalin kita ng buong puso.
Kapag naging tayo hinding hindi ka magsisisi.

Ikaw lamang ang aking mamahalin.
Ikaw lamang ang aking aangkinin.
Ikaw ay sa akin.
Ikaw ang makakaangkin sa puso kong babasagin.
Ikaw lang. Ikaw lang.

Noong una kitang nakita may naramdaman ako na tila kakaiba.
Parang may kuryenteng dumaloy sa aking paa kaya agad akong nakaramdam ng kaba.

Noong nakasabay kita hindi ko na alam ang aking gagawin, hindi ako mapakali.
Noong nakatabi kita para bang gusto kong hawakan ang 'yong mga kamay.
Noong nakasama kita gusto kitang kausapin.
Noong mga oras na kasama kita, nagustuhan ko ang ngiti sa iyong labi.

Ikaw. Ikaw ang sanhi kung bakit naguguluhan ako.
Naguguluhan ako kung gusto ba talaga kita.
Nalilito ako. Nalilito ako kung gusto kita o mahal na kita.
Naiinis ako. Naiinis ako kapag may kasama kang iba.

Kapag may kasama kang iba, nakakaramdam ako ng selos.
Kapag may kasama kang iba, naiinis ako.
Kapag may kasama kang iba lagi kong sinasabi sa sarili ko "Sana ako na lang yung kasama niya."
Kapag may kasama kang iba kumukulo dugo ko sa kasama mo.

Gusto "daw" kita sabi nila. Ganun daw kasi yun. Ewan.
Nalilito at naguguluhan pa din ako.
Sino ka ba sa buhay ko?!
Gulong gulo na ang isip ko.
Kung sino ka man sa buhay ko...sana hindi mo ako iwan.

Pero dahan dahan lang. Dahan. Dahan.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga TulaWhere stories live. Discover now