Sa 'yo

35 0 0
                                    

Oo masakit.
Nagseselos ako.
Pero kasalanan ko naman diba?
Alam kong kasalanan ko.

May karapatan ba ako?
May mali ako.
Alam ko.
Pero mali bang magselos ako?

Ako ang sumuko.
Ako din ang may gawa.
Ako din ang umayaw.
Ako din ang nakipaghiwalay.

Kasalanan ko.
Oo. Ako na.
Masama ba?
Masama bang sabihin na mahal pa kita?

Bumitaw ako kasi parang mas masaya ka sa iba.
Bumitaw ako kasi parang mas maibibigay niya ang mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa 'yo.
Bumitaw ako kasi hindi kita deserve.
Bumitaw ako kasi hindi mo ako deserve.

Bakit mo ba ako nagustuhan?
Bakit ako pa?
May iba naman dyan,
Yung mas may oras sa 'yo.

Ang dami kong pagkukulang sa 'yo.
Mga pagkukulang na kaya niyang ibigay sa 'yo.
Ang atensyon na kailangan mo, ang hindi ko maibigay.
Siya. Siya ang makakapagbigay noon sa 'yo.

Kung masaya ka sa kanya,
Wala akong magagawa,
Kasi gusto ko masaya ka lagi.
Kahit nasaktan kita.

Gusto ko masaya ka.
Gusto kong makita 'yun sa mga mata mo.
Nakita ko naman,
Noong kasama mo siya.

Hiling ko lang,
Maging masaya ka.
Kahit hindi na ako yung dahilan.
Basta ayos ka lang, ayos na rin ako.

Basta para sa 'yo,
Kahit magsakripisyo pa ako.
Basta para sa 'yo,
Para sa ikasasaya mo.

Mga TulaWhere stories live. Discover now