Class 6: Rules for Survival

709 36 4
                                    

"Una, walang sino man sa inyo ang maaaring lumabas ng campus. Dahil kung sino man ang magtangkang lumabas ay mamamatay.

Pangalawa, kailangan ko ng sagot sa lahat ng tanong upang matapos ang ating munting laro.

Pangatlo, ang isang tanong ay katumbas ng isang buhay.

Pang-apat, ang maling kasagutan o blankong sagot ay katumbas ng kamatayan.

Panglima, matatapos lamang ang laro kapag nalaman ninyo ang dahilan ng Reunion na ito at kung sino ako.

At ang panghuli, babaunin ng kung sino mang matitira ang katotohanan."

Pagkatapos ay biglang bumukas ang pinto ng Gymnasium. Akmang lalabas si Rafael nang pigilan siya ni Aga.

"Anong gagawin mo?" Aga

"Ano pa ba sa tingin mo? Edi uuwi na!" Rafael.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Walang maaaring lumabas ng campus, dahil kung sino mang lumabas ay mamamatay." sabi ni Raiver at nilapitan sila.

Nginisian lamang siya ni Rafael at tinulak ang mga nakaharang sa pintuan.

"Naniniwala kayo sa gag*ng 'yon? Kung ayaw ninyong umalis dito, edi 'wag." Rafael.

Pagkatapos ay lumabas na ng Gym si Rafael, agad naman siyang sinundan ng mga kalalakihan. Akmang susunod din ang mga babae nang pigilan sila ni Aga. Mas mabuti na raw na manatili sila roon.

"Pare, ano ba? Tumigil ka nga" Gabby.

Sinusubukan nilang pigilan si Rafael. Nagtulong silang hawakan ito upang pigilan na lumabas ng campus.

"Bitawan niyo ako, ano ba?" galit at nagpupumiglas na sigaw ni Rafael

"Kumalma ka nga, pare. Ganito, ako na lang muna ang unang lalabas. Kung walang mangyaring masama sa'kin, babalikan ko kayo." Raiver

"Sigurado ka ba, pare? Mas mabuti na sigurong dito na lang tayong lahat. Tumawag na lang tayo ng tulong mula sa labas" Ian.

"Balewala lang, Ian. Putol ang signal sa loob ng campus, maging ang internet connection" Richard.

"Okay lang, pare. Mas mabuting ako ang lumabas dahil mas kalmado ako kaysa kay Rafael" Raiver.

"Sige, pare, magiingat ka" Albert.

Pagalis ni Raiver ay bumalik sila sa loob ng gymnasium. Hawak hawak pa rin nila Albert si Rafael para maiwasan na tumakas ito. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa rin nakakabalik si Raiver. Nagaalala na sila dahil baka may masama ng nangyari dito. Tumayo na si Aga para sana sundan si Raiver nang muling bumukas ang maliking TV.

Bumungad sa kanila si Raiver na nakagapos at may takip sa bibig. May nakalagay din na bagay sa leeg nito.

"Hindi ba't sinabi ko sa inyo na walang sino man ang maaaring lumabas ng campus. Para magsilbing aral sa inyo, panoorin niyo kung anong mangyayari kapag sumuway kayo sa utos ko"

Pagkatapos magsalita ng boses ay muling tumugtog ang kanta. Pagkatapos ay nagsimula nang humigpit ang kung ano man ang nakalagay sa leeg ni Raiver. Hindi na maiwasan ng ibang babae ang maiyak sa napapanood. Labis na silang natatakot sa nangyayari. Tanging impit na sigaw lamang ni Raiver ang maririnig dahil sa unti unting paghigpit ng bagay sa leeg niya. Ilang segundo pa ay hindi na naririnig ang sigaw ni Raiver, hindi na rin ito nagpupumiglas. Isa lamang ang ibig sabihin nito, patay na siya.

Raiver Alejandro, Basketball Player
March 5/ 9:25 Pm

"Babes, I'm scared" umiiyak na sambit ni Lea. Agad siyang niyakap ni Aga upang kalmahin.

"Shhh, babes, don't be. As long as I'm here, walang mangyayaring masama sa'yo, okay?" Aga. Tumango lamang si Lea bilang sagot sa asawa.

"Ano nang plano natin?" Denise.

"Ang magagawa lang natin sa ngayon ay manatili sa loob ng campus. Walang puwedeng lumabas. Hintayin na lamang natin ang mga katanungan niya para matapos na 'tong pesteng larong 'to" Aga.

Pagkatapos ng nangyari ay nanatili na lamang sila sa loob ng gymnasium upang hintayin ang kung ano man ang susunod na mangyayari. Habang naghihintay ay napagpasyahan nila na kumain muna dahil nagutom sila sa mga nangyari. Kinain nila ang mga pagkaing nakahanda para sa reunion, nung una'y nagdadalawang isip pa sila na kainin ito dahil baka may lason ang mga pagkaing nakahanda. Ngunit, hindi naman siguro gagawin iyon ng nagmamay-ari ng misteryosong boses, dahil kung sabay sabay silang mamatay sa pagkain, mawawalan ng saysay ang munti nitong laro.

Pagkatapos kumain ay nagkanya kanya na sila. Ang iba'y tulala dahil hindi pa rin sila makapaniwala sa mga nangyayari, habang sina Aga ay nagiisip ng paraan kung paano matatapos agad ang kalokohang ito.

"Saan ka pupunta, pare?" napatayo si Aga nang makitang tumayo si Rafael sa kinauupuan nito, kalmado na ito ngunit bakas pa rin sa muka niya ang galit.

"Iihi, pati ba 'yon bawal naring gawin?" sarkastikong tanong nito kay Aga.

"Sasamahan na kita. Sa ganitong sitwasyon, mas makakabuti kung hindi tayo maghihiwa-hiwalay" Aga.

"Tsk. Anong tingin mo sa'kin bata?" Rafael.

"Mas mabuti nang nagiingat tayo, pare. Pero kung gusto mo nang mamatay, sige umalis ka ng magisa" Aga

"Akala mo naman natatakot ako? Diyan na nga kayo!" Rafael.

Pagkatapos ay nagtungo na ito sa CR sa loob ng gusali ng gymnasium.

"Babes, where are you going?" tanong ni Lea nang makitang naglakad ito palayo sa kanila. Nilingon naman niya ang asawa

"Susundan ko lang si Rafael. I just want to make sure na makakabalik siya ng buhay dito" Aga.

"Babes, sasama ako!" Lea. Tumayo si Lea at lumapit sa asawa.

"No, babes. Dito ka na lang, mas ligtas ka dito." Aga.

"Pero, Aga--" Lea. Hindi na natapos ni Lea ang sasabihin niya nang magsalita si Richard.

"Sige na, Lea, ako na lang ang sasama kay Aga. Dito na lang muna kayo." Richard.

"Pare, kayo na munang bahala sa kanila." sabi ni Aga sa mga kasamahang lalaki. Tumango naman ang mga ito bilang sagot.

"Babes, promise me na babalik ka" turan ni Lea at niyakap nang mahigpit ang asawa.

"I promise. And please, promise me something, babes." Aga. Bumitaw si Lea sa pagkakayakap sa asawa at hinarap ito.

Tinitigan muna ni Aga ang muka ng asawa bago magsalita.

"Promise me na kahit anong mangyari, lalabas ka sa campus na 'to ng buhay. Kung isa lang ang maaaring mabuhay sa ating dalawa, promise me that it'll be you!" Aga.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon