Class 15: Two is to One

536 30 6
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari sa main building ay agad na bumalik ang grupo sa gymnasium. Nadatnan nila roon ang mga nakakalat na mga letra sa sahig ng gym at sa stage ay mga blankong guhit. Isa lang ang ibig sabihin nito, panibagong panganib. May buhay na naman na nakataya.

"Jusko naman. Hindi pa nga ako nakakarecover sa pagkawala ng dalawa. Eto naman ngayon" turan ni Vice na tila stress na stress na sa mga nangyayari.

Muling nagbukas ang malaking TV. Sa pagkakataong ito ay nasa iisang video si Tracy at Arabelle. Nasa loob sila ng dalawang malaking aquarium. Nakapiring ang mga ito at nakagapos ang kamay at paa.

"Bullsh*t! Hayop talaga ang gumagawa nito satin." turan ni Denise nang makita ang dalawa sa video.

"Nakakabored pala ang paisa-isa. Subukan naman natin na dalawa. One question is equal to two lives."

Pagkatapos ay nagpakawala ito ng malakas na tawa. Naikuyom ni Aga ang kanyang kamay sa sobrang galit. May panibago na namang biktima. At hanggang ngayon ay wala parin silang ideya kung sino ang gumagawa nito, ang impormasyon na meron lamang sila ay ang mga natuklasan ni Aga at ang mga sinabi ni Arabelle.

"Wag kayong magalala, madali lang naman ang tanong ko para mailigtas niyo 'tong dalawa."

"Ano ba talagang gusto mo samin, ha? Bakit mo ba 'to ginagawa?" Tine

"Simple lang naman, gusto ko lang ng sagot. Pagkatapos noon ay matatapos na itong munting larong ito at malalaman na ng kung sino mang matitira ang dahilan ng lahat ng ito."

"Anong sagot ba ang gusto mo?" Aga.

"Ang sagot sa lahat. Ang tamang sagot."

Nagulat silang lahat ng may biglang lumabas na imahe ni Ella mula sa stage. Isa itong hologram, ang ilaw ay nanggagaling mula sa itaas.

"Panoorin niyong mabuti ang ipapakita ng mga ilaw na ito sa inyo at malalaman ninyo ang sagot.

Mayroon lamang ulit kayong tatlumpong segundo upang sagutan ang palaisipan.

At kung mabigo kayo ay kamatayan ng dalawang ito ang kapalit"

Pagkatapos magsalita ng misteryosong boses ay nagsimula nang gumalaw ang imahe ni Ella. Tumatakbo ito na tila takot na takot. Lumilingon ito bawat minuto na tila ba may sumusunod sa kanya. Ang sumunod ay tila umaakyat ito ng hagdan. Patuloy lamang ito hanggang sa ito'y huminto. Muli siyang tumalikod na tila may kaharap. Paatras ito nang paatras hanggang sa ito'y matigilan, may tila isang bagay na bumunggo sa kanya mula sa likuran. Pagkatapos ay umakyat ito sa isang bagay. Ang mga sumunod na nangyari ay pamilyar na kay Lea.

"Babes, bakit?" tanong ni Aga nang mapansin ang ekspresyon ng muka ng asawa.

"This scene is so familiar to me" Lea

"Familiar?" Aga.

"Babes, this is what happened when I saw Ella jumped--" Lea.

Hindi na natuloy ni Lea ang sasabihin nang makarinig sila ng mga pagsinghap. Napalingon muli sila sa stage at nakitang tumalon si Ella. Pagkatapos ay namatay na ang hologram at lumabas ang timer. Tila nataranta silang lahat nang magsimulang gumalaw ang timer.

"Sh*t! Hindi ko maintindihan." Denise.

"Naguguluhan na ako. Ano 'tong mga letra sa ibaba ng stage at anong meron doon sa hologram?" Dawn.

Tinitigan ni Lea ang mga nakalagay sa stage. Mga blankong linya. Sa ibaba ng stage ay mga letra at ang hologram na naglalaman ng sagot sa palaisipang ito.

___ ___ ___
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

           L            O           D            U
  F              B            L            R           P
           O             I            G           N
O              T             I            O           D
         

What could be the possible answer? 3 words. Twenty seconds. There's no much time. They need to think fast.

"Babes, what do you think is the answer?" Aga.

"I don't know. But that scene is the exact same scene I witnessed 31 years ago. Sa dating tagpuan" Lea.

"That's it, babes! Dating tagpuan. Maybe the answer is a place where it happened" Aga.

Tiningnan ni Lea ang mga blankong guhit at ang mga letra. Tama nga si Aga. Ang tagpuan ang sagot.

"Everyone! Take as much letters as you can and come up on stage. We have no time!" sigaw ni Lea. Agad na ginawa ng mga kasama niya ang kanyang sinabi.

"The answer is Old Building Rooftop. Arrange the letters as fast as you can, we only have ten seconds." Lea

Natataranta at nagkakagulo nila itong ginawa. Ang iba ay nagkakabanggaan pa sa pagmamadaling ilagay ang mga letra. Ngunit, tila hindi umaayon sa kanila ang tadhana. Muling tumunog ang timer na hindi pa nila naiaayos ang mga letra.

"Time's up! You know what, guys? You're good at answering my riddles. Ang problema lang sa inyo, eh, mababagal kayo."

Nagpakawala muli ito ng malakas na tawa na ikinagalit ng ilan sa kanila.

"Siguraduhin mo lang na hindi ako makakaligtas dito sa peste mong laro. Dahil sisiguraduhin kong ikaw mismo ang papatayin ko kapag nalaman ko kung sino ka?" galit na sigaw ni Lea.

"Oh My Dear, Lea! Are you not enjoying the game? Huwag kang magalala, matagal na akong patay. Hindi ba't kayo mismong lahat ang pumatay sakin?"

"No. Stop using Ella in your stupid game. Alam kong hindi magagawa ni Ella ang bagay na ito?" Lea.

"At paano ka nakakasigurado, Lea? Hindi ba't iniwan mo si Ella noong mga panahong kailangan ka niya. Ikaw lang ang meron siya. Pero anong ginawa mo? Kapareho ka lang din ng mga magulang mo!"

Bakas ang pagtataka sa mga muka ng kanilang mga kasama maliban kay Dawn at Aga. Anong ibig sabihin ng misteryosong boses? Anong meron kay Ella at Lea na hindi nila alam?

"Hindi totoo yan!" Lea.

"Yun ang totoo, Lea! At dahil nabigo kayo, panoorin niyo kung paano mamamatay ang dalawang 'to!"

Napatingin muli sila sa malaking TV. Nagsimulang maglabas ng tubig ang dalawang aquarium. Pataas ito nang pataas habang iniaangat ng dalawa ang kanilang ulo para makahinga. Maya maya pa ay napuno na ang dalawang aquarium. Muling namatay ang TV at lumabas ang kanilang class picture. Limang muka na ang may pulang ekis. 5/20.

"Two birds with the same feather, die together"

           
      

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon