Class 1988: Epilogue

986 48 31
                                    

"Come on, Lea. Tayo na lang ang nandito." pag-aaya ni Dawn kay Lea.

"If you want to go, leave. I'll be fine here. I'll stay a little longer." Lea, her eyes are still sore from the endless crying.

"Are you sure you'll be fine here?" paninigurado ni Dawn. Tanging tango lamang ang isinagot niya rito.

"Alam mong hindi niya gugustuhin na makita kang ganyan, Lea. You still have your family." Dawn. Muli na namang tumulo ang mga luha ni Lea.

"It's my fault, Dawn. Kasalanan ko. Wala dapat siya rito." Lea. Tanging yakap lang ang nagawa ni Dawn upang damayan ang kaibigan.

Alam niyang kailangan ni Lea ito. Ang umiyak. Ang ilabas ang sakit sa pagkawala ng taong mahal niya. At hindi niya ito pipigilan, she needs to mourn.

"Basta, Lea, if you need someone to talk to, we're just a call away." Vice. She nodded as a response. Pagkatapos ay iniwan na siya ng mga kaibigan.

Naupo siya sa damuhan kaharap ng puntod ng pinakamamahal niya. Hinaplos niya ang marmol kung saan nakaukit ang pangalan nito. Muli na namang tumulo ang kanyang mga luha. Masyadong masakit, hindi niya matanggap. Masyadong naging maaga ang pagkawala niya, ni hindi man lang niya nasabi ang mga gusto niyang sabihin dito o kaya man lang ay nakahingi ng tawad. Hindi rin siya nakapagpaalam dito.

"I'm sorry! We could have started a new life and forgotten about what had just happened. If I could turn back time, I would probably listen to you. Pinakinggan sana kita, hindi sana nangyari 'to, buhay ka pa sana hanggang ngayon. Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita." halos hindi mapigil ang pagagos ng luha sa mga mata ni Lea. Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili sa nangyari, kung nakinig lang sana siya ay hindi mangyayari ito. Hindi sana ito namatay.

"You know that it's not your fault, Lea."

Napaangat siya ng tingin sa kung sino man ang nagsalita. Tinabihan siya nito sa damuhan at pinunasan ang kanyang mga luha. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang mga pisnge at tinitigan siya sa mata.

"Hindi mo kasalanan ang pagkamatay niya. Alam ko rin na matagal ka na niyang napatawad at naiintindihan niya ang ginawa mo at ang mga hindi mo nagawa. Kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo, okay?" tumango siya bilang sagot dito, ngunit patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha niya. "Stop crying na, babes. Tingnan mo, namamaga na 'yang mga mata mo." pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang noo. Napangiti siya sa ginawa nito.

"Ayan! Mas maganda kapag nakangiti ka. Smile ka lang, babes!" Aga.

Napatitig siya rito na para bang takot siyang makalimutan ang muka nito. Pagkatapos ay niyakap niya ito nang mahigpit na para bang takot siyang mawala ito sa kanya, ikinagulat naman ito ni Aga.

"Hey, babes? Bakit?" nagtatakang tanong niya. Ngunit, imbis na sumagot ay umiling lang si Lea at siniksik ang sarili sa leeg nito.

Hindi niya maiwasang maalala na muntik na rin itong mawala sa kanya. At labis ang pasasalamat niya dahil nakaligtas ito at kasama niya ito ngayon.

Natagpuan ang mga bangkay sa iba't ibang bahagi ng eskwelahan. Isinama ng mga pulis ang ilan sa mga nakaligtas sa prisinto upang hingin ang kanilang pahayag at testimonyo sa mga nangyari at sa ginawang pagamin ni Raiver sa krimen na ginawa nito noon. Habang sabay na isinugod sa ospital si Aga at Raiver dahil sa mga tama nila ng bala. May mga escort si Raiver sa ospital upang maiwasan na makatakas ito kahit pa sinabi nito na wala siyang balak na tumakas.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon