Class 12: First Clue

624 38 14
                                    

Nabalot muli ng takot ang buong silid ng tumugtog ang nakakakilabot na musika.

"Kumusta na Class 1988? Nakatulog ba kayo ng mahimbing?"

Ayan na naman siya, ang misteryosong boses.

"Hayop ka! Ilabas mo si Cheska! Saan mo siya dinala?" galit na sigaw ni Tracy.

"Kumalma ka, Tracy. Nauna lang si Cheska, pero 'wag kang magalala, magkikita rin naman kayo— sa impyerno."

"Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo. Kung sino ka mang demonyo ka, hindi mo 'to malulusutan" Arabelle.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito.

"Sisiguraduhin ko munang kayo ang unang magbabayad sa mga ginawa niyo. Kayong lahat! Kayo ang mga demonyo. Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo at hinding hindi na kayo makakalusot!"

"Nababaliw ka na ba? Anong ginawa namin? Wala kaming alam sa sinasabi mo!" Tracy.

"Walang alam? Nakalimutan niyo na ba? Pwes, ipapaalala ko sa inyo!"

Muling bumukas ang malaking TV. Naroroon si Cheska at nakagapos sa upuan. Sigaw ito nang sigaw at humihingi ng tulong.

"Hayop ka talaga! Pakawalan mo si Cheska!" Arabelle.

"Papakawalan ko naman siya, eh. Kung masasagot niyo ang katanungan ko."

Biglang nagbukas ang kurtinang nagtatakip sa pader ng stage. Tumambad sa kanila ang isang palaisipan.

"Mayroon lamang kayong tatlumpung segundo upang sagutan ang palaisipan. Tatlong buhay lamang ang ibibigay ko sa inyo. Sa pangatlong maling sagot na ibibigay ninyo ay katapusan ng buhay ni Cheska. And your time starts now."

Muling nagbukas ang timer sa ibabaw ng stage. Agad na umakyat si Aga at ang iba pa upang sagutan ang palaisipan.

"Ano ba 'to? Bakit hindi ko na naman maintindihan?" Denise.

Sa pagkakataong iyon ay mas lalong nakakalito ang palaisipang binigay ng misteryosong boses.

Laugh - Cry
Celebration - Agony
Happiness - Pain
The truth is covered by lies.
The Beginning of an End.

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9
9 8 7 6 5 4 3 2 1 0

_____ _____

"Ano bang klaseng tanong 'to?" Tracy

"Number combination ang sagot. Magisip kayo ng pwedeng tumugma sa tanong!" Lea

"Try 2 and 0. We are 20 in total sa klase." Aga.

Agad na lumapit si Vice sa pader at kinuha ang mga numerong 2 at 0 at inilagay sa mga guhit. Tumunog ang buzzer hudyat na mali ang kanilang sagot. Dalawampung segundo na lang.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon