Class 9: Searching for Answers

623 29 7
                                    

Rafael Suarez, Basketball Player
March 5/ 11:20 pm

Nagising si Aga sa isang madilim na silid. Pinilit niyang maalala kung ano ba ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay. Ang natatandaan niya lamang ay may sinusundan siyang isang babae. Lumabas ito sa building kung saan naroroon ang gymnasium at pumunta sa main building ng school kung saan naroroon ang mahahalagan opisina sa paaralan. Sinusundan niya lamang ito nang pumasok ito sa isang silid. Pagbukas niya nang silid na iyon ay nakita niya si Ella at wala na siyang maalala na sumunod pang nangyari.

Tumayo siya upang hanapin ang switch ng ilaw ngunit hindi ito gumagana. Kaya minabuti na lamang niyang gamitin ang flashlight ng kanyang cellphone. Inilibot niya ang ilaw sa buong silid. Pamilyar siya rito, ito ang silid ng school Principal na si Mrs. Monreal. Gumala siya sa buong silid upang tingnan kung anong naroroon. Napansin niyang bagamat maayos ang silid ay napupuno ito ng mga alikabok, tila ba matagal na itong 'di nagagamit na siya naman niyang ipinagtaka. Bakit hindi naalagaan ang silid na iyon ng mga janitor ng eskwelahan?

Pumunta siya sa lamesa ng principal. Hindi niya mawari ngunit may kung anong nagtutulak sa kanya upang buksan ang isang drawer sa lamesa nito. Pagbukas ay nakakita siya ng iilang gupit na piraso ng dyaryo. Inilabas niya iyong lahat at ipinatong sa lamesa. Naupo siya at isa isang tiningnan kung ano ang mga iyon.

"Numerous count of suicides have been reported on the St. Mary Catholic School campus." basa niya sa isa sa punit na headline mula sa dyaryo.

Gulat man sa nabasa ay ipinagpatuloy lang ni Aga ang pagbabasa.

"St. Mary's fourth-year graduating student jumped out of the campus's ten-story building."

"A year after a student committed suicide on the campus of St. Mary, another student suicide case has been reported this year."

"Another suicide case in St. Mary Catholic School."

"St. Mary Catholic School is set to shutdown its operation this year."

"Last school year for St. Mary Catholic School."

Hindi makapaniwala si Aga sa mga nababasa. Bakit wala silang alam tungkol sa mga kaso ng pagpapakamatay sa loob ng dati nilang ekwelahan? At bakit wala silang nabalitaan na nagsara na pala ang eskwelahan kung saan sila naroroon ngayon?

Upang malinawan ay binasa ni Aga ang isa sa mga artikulo.

Last School Year for St. Mary Catholic School

By: -----
June 3, 2014

           The Department of Education made the decision to close one of the country's most prestigious schools, St. Mary Catholic School. It is due to the high number of suicides inside the campus.

            In the year 2000, the first suicide occurred on school grounds. This was held against the school. A year later, on the same day, another case was reported. Suicides continued until last school year. The students' parents filed a lawsuit against the school because of the students' lack of safety and security.

               The court's decision and the Department of Education's decision require the school to close after the school year 2014-2015.

Tila hindi pa pumapasok sa utak ni Aga ang lahat ng nabasa. Paano? Bakit? At anong nangyari? Bakit wala ni isa sa kanila ang may alam sa lahat ng ito? Nang pumasok ang lahat ng impormasyon sa kanya ay tumayo si Aga upang maghanap pa ng ibang impormasyon na makakatulong sa kanila para malutas ang misteryo ng pagkikita kita nila ngayon.

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon