Class 23: What Happened in 1988

602 31 28
                                    

... Raiver" Lea.

Lumabas ito mula sa gilid ng stage kung saan naroroon ang lungga nito. Unti-unti itong naglakad sa kanila. Nabakas ang gulat sa kanilang lahat nang tuluyang makita ito, totoo ngang buhay siya.

"Magaling, Lea! Ngunit, nais kong malaman kung paano mo nalaman na ako ang nasa likod ng lahat ng ito?"

Bumalik na sa dati ang boses nito. Hindi na ito ang misteryosong boses na karaniwan nilang naririnig.

"Noong naghahanap kami ng clue sa stock room ng registrar. Habang tinitingnan at binabasa ko 'yong mga files ng buong 4A-Peter, napansin ko ang pagkakapareho ng information niyo ni Ella. You have the same birthday and same place of birth. Halos magkapareho kayo ng birth certificate maliban lang sa walang nakalagay na ama kay Ella at iba ang nakalagay na nanay sa iyo kaya naisip ko na baka nagkataon lang. Pero hindi ako mapalagay dahil alam kong may kakaiba. Muli ko 'yong binalikan at hinanap ko 'yong files ng mga guro na nagturo sa school. Nakita ko 'yong sa'yo." Mahabang paliwanag ni Lea.

Tila nagtaka naman ang mga kasama niya sa huli niyang sinabi.

"Teka, paano mo nalaman na nagturo si Raiver dito sa school?" takang tanong ni Agot.

"He was the only college professor in our group. Hindi ba't nagtuturo ka sa isa sa university dito sa bansa?" Lea.

Napangisi naman si Raiver dahil tama ang sinabi ni Lea. He is currently a college professor at one of the country's biggest universities.

"Naisip ko na baka nagturo ka sa St. Mary, at hindi nga ako nagkamali." Lea.

"And what makes you think na ako ang master mind ng lahat ng ito?"

"You started teaching at St. Mary year 2000. Ikaw ang naging adviser ng 4A-Peter simula nagturo ka roon. Your class includes all of the students who committed suicide inside the campus." Lea

"Ganoon pala. Matalino ka nga talaga, Lea. Akala ko kasi sinabi sa'yo ni Aga. Ang pagkakaalam ko kasi siya ang unang nakakilala sa akin. Hindi ba, Aga?"

Bumaling ang atensyon nilang lahat kay Aga. Bakas ang kaba at tensyon sa muka nito.

"Anong ibig niyang sabihin, Aga?" Sharon.

"He saw me while I was chasing Arabelle. Alam kong nakita niya ako noon."

"What?" sabay na sabi nina Agot, Jodi, Sharon at Vice.

"Hindi ako sigurado sa nakita ko. Ang akala ko namamalikmata lang ako. Pero bago pa 'yon, alam kong may kakaiba na sa'yo." Aga. Tiningnan ni Aga si Raiver na nakangisi sa kanya ngayon.

"Noong namatay ang ilaw bago magsimula ang laro, kasabay noon ang pagkawala mo. Pagkatapos ay bigla na lang naming narinig 'yong misteryosong boses. Pagkatapos niyang ipaliwanag ang mga mangyayari, kasabay noon ang paglitaw mo para tulungan kaming pigilan si Rafael na lumabas. Mas lalong lumakas ang kutob ko nang magboluntaryo kang lumabas. Who would want to volunteer to die first? Pero nawala 'yon nang makita kitang mamatay. Binalewala ko lahat 'yon. Hanggang sa nakita kitang hinahabol si Arabelle." Aga.

"Ang buong akala ko ay nai-perform ko ng tama ang acting ko. Napansin mo pala."

"Sana malinaw na tapos na ang larong 'to." Aga

"Kahit hindi mo na sabihin, Aga. Talagang tapos na ang munting larong 'to."

"Ngayon, sabihin mo samin ang lahat ng nangyari noong 1988 at kung bakit ginagawa mo ang lahat ng ito. " Lea

Class 1988: The Reunion [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon