Bella's POV
Pag kayari kong mag hilamos sa restroom umuwi na ako sa Sub division at nag kulong sa kwarto finormat ko na ang phone ko at nakatulala nalang ako.
.
.
.
8:00 PM na hindi pa din ako kumakain parang wala talaga akong gana."Anak!" Sigaw ni Mama
Kaya nagulat ako at tumakbo pa punta sa restroom ng kwarto ko at nag hilamos nag polbo na din ako para hindi mahalatang umiyak ako kaya binuksan ko na ang pinto
"Po?" Tinatago ko ang aking mga mata para hindi mahalata ni Mama ang pag iyak ko
"Oh? Bakit parang namumugto ang mata mo?" Nag-aalalang tanong ni Mama
"Nanood ako ng Movie Ma juskooo nakakaiyak pala yung A Dog's Purpose" pag papalusot ko sa kanya
"Kumain ka na ba?" (Mama)
"Oo naman Ma" (Ako)
"Ah anak nga pala may Company Tour kami sa Ilocos dun kami ng 1 Month may aaralin kasi kami" (Mama)
"Ah- sige Ma" (Ako)
Lagi kasi silang may company tour tuwing June kaya nasanay na din ako
"Ay alam mo na ba na napa bilis ang recovery ni Zac?" (Mama)
"Oo ma dinalaw nga namin ni Andrei kanina si Zac eh mukha naman syang ma sigla na" pag sisinunggaling ko.
Andrei's POV
Hanggang ngayon nag-aalala pa din ako kay Bella kaya na isipan kong pumunta sa bahay nila kahit gabi na.Natutulog na si Dad dahil may company tour sila hindi na natuloy ang pagbisita namin bukas sana sa probinsya dahil sobrang importante kasi ng company tour na yun although importante din si Lola perooo kailangan talaga eh.
"Anak saan ka pupunta?" (Mom)
"Mom kila Bella lang po hindi ko po kasi na gets yung Assignment namin kanina" pag papalusot ko kay Mom nag dala pa talaga ako ng notebook
"Let me see" (Mom)
"Mom hindi mo to maiintindihan pupunta nalang po ako saglit lang" (Mom)
"O sige mag iingat ka kahit katapat lang natin yung bahay nila eh nakakatakot din naman at madilim" (Mom)
Nag punta na nga ako kila Bella, nag doorbell ako at nakita ko si Bella sa balcony naka upo sya tumingin sya sa kinaroroon ko at bigla syang nag punta sa loob ng kwarto nya.
"Ah Tita gising pa po ba si Bella?" (Ako)
"Hindi pa ,halika dito pasok ka nasa balcony lang sya kumakain ng corn flakes sabi nya mamaya na daw sya matutulog at hindi pa daw sya inaantok" (Tita)
At pumasok na ako sa living room nila naka upo ako habang si Tita naman eh pumunta sa taas at tinawag si Bella kumatok si Tita sa kwarto nya.
"Bella nak andyan si Andrei" (Tita)
"Ma inaantok na ako masakit kasi ulo ko" alam ko namang ayaw nya akong makita dahil nag tatampo sya pero gusto ko syang maka usap.
"Nak naman sabi mo kanina mamaya ka pa matutulog" (Tita)
"Ma please lang pagod ako sa school" pag papalusot ni Bella kay Tita
"Naku naman nak nakakahiya kay Andrei oh!" (Tita)
"Ma magkasama naman na kami kanina buong maghapon sa school tama naman na yon!" Naaasar na sigaw ni Bella gusto kong tumayo at sabihin ang tutoo kay Tita kaso natatakot ako at lalo nang magagalit sa akin si Bella.Walang choice si Tita kaya bumaba nalang sya.
"Pasensya na ah inaantok na daw siguro napagod sa school" (Tita)
"Ah sige po ayos lang po mauna na po ako" pag papaalam ko kay Tita pero pinigilan nya ako
YOU ARE READING
Friendship Over Love (COMPLETED)
Teen FictionThis story is about a squad named Team 5 marami silang trials sa life and umabot sa puntong papipiliin ka ng tadhana ng Love or Friendship.