Bella's POV
Nang maka layo na ako kay Letvia umupo ako sa isang sulok kahit na madumi wala akong pake humagulgol na ako ng iyak kasi sobrang sising sisi ako tyaka si Andrei pano na eh dun sya pansamantalang nakatira sa bahay namin alam kong galit sya sa akin dahil ang cold cold nya pano na? Pano na gagawin ko? What if malala na yung sakit ni Shy What if kung nagagalit sa akin si Tito dahil ako yung may kasalanan what if mamatay sya pang habang buhay kong idadala ng konsensiya ko yun ang daming possibilities hindi ko na alam yung gagawin ko sa buhay ko ayoko din namang sabihin kay Mama."Miss?" Iniabot sa akin ng lalaking naka tayo sa harap ko ang pagkain
"B-bakit? Hindi ako pulubi dito kuya!" Naiinsultong sigaw ko kahit medyo paos ako
"Miss i know kasi nakikita kita sa school" kaya tinignan ko sya ng maigi sa mukha
"Ah oo" pag papalusot ko kahit di ko naman talaga nakikita yung lalaking nasa harapan ko ngayon, hindi na nya ako pinansin niyaya nya ako sa upuan malapit sa inupuan kong maruming sahig binigyan nya ako ng chocolate drink at sakto yung binili nyang chocolate drinks kasi fav. ko yun
Pinunasan nya ang mata ko kaya agad akong natulala oo gwapo sya matangkad tapos ang simple pero may dating ang kanyang outfit naka white sya na nike ang t shirt at naka maong na short sya na color black pero puta anong trip nito sakin?
"Bakit ka umiiyak?" Nakangiting tanong nya pero oo yung ngiti nya talagang tutoo parang masaya sya sa buhay ganun ang makikita mo sa aura nya
"None of your business" mataray na sagot ko
"Okay hindi naman kita kukulitin haha" potek besh ano bang meron sa lalaking to bakit napaka feeling close
"Kuya close kita?" Naiinis na tanong ko
"Porke't wala ka nang kailangan kalilimutan mo na ako?" Natatawang sagot nya pucha ano naman yung tinulong nitong monggoloid na to sa akin?
"Sinasabi mue?" Naiiritang tanong ko
"Remember nung Grade 8 ka at Grade 9 ako nun?" Potek inalala ko yun pero wala talaga akong maalala puro sila Andrei lang kasama ko hayup
"Kuya baka nang i scam ka hindi ko alam mga pinagsasabi mue wag ka nang dumagdag sa problema ko!" Sigaw ko sa kanya at agad naman syang tumawa ng nakakaasar
"Hindi mo talaga alam? Nag cheat ka nun and nahuli ka tapos na principal ka nun hindi ka ba nagtataka kung bakit biglang na solve yung kaso sayo buti nga hindi nalaman ng Parents mo yun" potek oo alam kong nag cheat ako nun oo na office ako oo ngaaaa after 30 mins. na solve na yung problema ko like miracle happened
"A-ano ba name mo?" Nauutal kong sambit
"John Calix Johanness hindi mo talaga ako naaalala?" Nakangiting sambit nito na para bang natatawang ginagago ako
"H-hindi talaga kuya!" Naiinis na sambit ko kahit alam ko naman talaga na na Office ako because of cheating
"Hmmm?"
*FLASHBACK*
Third Person POV
3rd Grading Examination na nahuling nangongodigo si Bella ng kanyang guro sa Filipino kasi hindi sya nag review nun kundi naglaro lang sya ng ML nun kaya agad syang dinala sa Office at pinagalitan ng principal"Why are you cheating!" Sabay bagsak ng libro na hawak ng Principal
"S-sorry po hindi ko na po uulitin" kinakabahang sambit nito
"Sorry is not enough! Cheating is a choice! Bakit mo pinili ang mag cheat kaysa mag desisyon na mag review!" Sigaw ng principal na nag aalburoto na sa galit
"S-sorry po talaga pinagsisisihan ko na po" pagmamakaawa ni Bella sa Principal
"No! Pakitawag ang parents mo" naiinis na utos ng Principal
Naka silip si Calix noon nagulat sya ng marinig ang pag-uusap kaya agad syang pumasok sa loob ng Office
"Ah sir excuse me po" nakangiting sambit nito
"Pwede po ba tayong mag usap? private po hindi po pwedeng may maka dinig pwede po bang lunabas muna sya" pagtatanong nito
"Okay go outside student" sambit ng principal na medyo umayos na ang pakiramdam
"Sir tinuruan ko po syang mangopya sorry po" pinilit umiyak ni Calix na parang tanga inangkin nya ang kasalanang hindi naman sa kanya kaya bigla na namang na high blood ang principal
"Ano!!!?? Grade 9 ka palang pano pa kapag ka lumaki ka na ng husto!?" Sigaw ng Principal na mukhang mahihimatay na sa sobrang galit
Lumabas ang Principal at pinabalik sa kwarto si Bella meaning na solve na ang problem dahil kay Calix
......................................................................"Ah naaalala ko na." Sambit ko
"Wala man lang bang thank you for saving your life? Haha" nagbibirong sambit nito
"Malamang wala ikaw naman pala yung may gusto na i handle lahat eh, willing naman akong ipatawag Mama ko eh kasi alam kong ako yung mag mali!" Sigaw ko sa kanya napaka positive na tao nitong lalaking nasa harapan ko siguro nga ma swerte yung Girlfriend nito ngayon
"JC!!" Sigaw ng babaeng malapit sa Ospital at mukhang sya ang tinatawag
"Wait lang Ma susunod nalang ako" sigaw nito at umalis na ang Mama nya
"Sige alis na ako" pagpapaalam nya
"B-bakit ka nasa Ospita?" Malumanay na tanong ko
"Tyaka nalang natin pag-usapan yan kapag ka nag kita uli tayo" nakangiting sambit nito pero parang nag iba sya nakangiti sya pero ang lungkot
"P-pano kung hindi na tayo mag kita?"nangangambang tanong ko
"Tadhana na ang bahala" sabay alis
Letvia's POV
Since wala naman kaming mapapala umuwi nalang kami ni Babe ayaw na naming pumasok dahil alam naming walang mag sisink in sa utak namin kakaisip sa lahat ng nangyari hinatid nya ako sa bahay pero hindi na sya bumaba upang mag lunch tinanggihan nya ang pagyaya ko kaya ayun pumasok na ako sa bahay"Mommy? Daddy?" Sigaw ko at lumabas si Shella yung bunsong kapatid ko
Binuhat ko sya at kiniss sa pisngi "Shella si Mommy and Daddy?"
"Ate nagluluto po" nakangiting sambit nito masayahin na bata si Shella sya minsan ang bumubuo ng araw ko
"Oh anak bakit kaaga mo?" Naalala ko na maaga nga pala kaming umuwi syempre mag papalusot nalang uli ako
"Mommy may meeting po mga teachers about sa tour eh" pagpapalusot ko
"Ah ganun ba anak tikman mo nga luto ni Daddy mo kung sakto na yung panlasa?"
Tumuloy na ako sa kusina at tinikman ang luto ni Daddy na Ginataang Kalabasa
"Oo Mommy masarap asan po ba si Daddy?" Nakangiting tanong ko
"Andun anak sa kwarto nagbibihis pa hintayin nalang natin at saktong luto na to sabay sabay na tayong kumain"
.
.
.
Sabay sabay na kaming kumain"Anak sa Birthday mo sa December yayain mo mga friends mo na mag dinner dito isama mo na din parents nila nakakahiya eh" (Mommy)
"Oo Mommy tyaka nalang yung matagal pa naman" (Ako)
"Nak kumusta school?" Tanong ni Daddy
"Ayos naman Daddy nag eenjoy naman ako" nakangiting sagot ko
"Sabihin mo lang kapag may nangaaway sayo at nakuuuu" sambit nito
"Hay nako Daddy mabait ako sa school wala akong makakaaway dun" nakangiting sambit ko
Ang sarap ng ganito normal lang na Pamilya may Daddy ako na nag proprotekta sa akin at may Mommy ako na concern sa akin lalo na may kapatid ako na masayahin na nakakapagpa buo ng araw ko, wala lang ang sarap lang sa pakiramdam wala na akong pinoproblema feeling ko ang swerte ko sa dalawa kong parents at sa isang kong kapatid.
:>
YOU ARE READING
Friendship Over Love (COMPLETED)
Novela JuvenilThis story is about a squad named Team 5 marami silang trials sa life and umabot sa puntong papipiliin ka ng tadhana ng Love or Friendship.