Chapter 30- A letter from Zac

44 0 0
                                    

Zac's POV
Naka dating na kami sa bahay nila Babe bumaba na kami at agad nag doorbell si Mommy, nagulat sya nang makita nya yung Papa ni Bella lumabas na sila Babe at si Tita pare-pareho kaming nagulat ng sampalin ni Mommy yung Papa ni Bella wala akong karapatang umawat dahil tutoo ang mga sinasabi ni Mommy.

.

.

.
Umuwi na kami after sabihin lahat ni Mommy sa Papa ni Bella si Daddy parang nag a agree lang sya sa pangyayari hindi manlang nya bawalin si Mommy...... Nakarating na kami sa bahay at mukhang pagagalitan ako shiiit kasalanan ko lahat to eh

"Ikaw bata ka! Ano yung pinaggagagawa mo nang wala kami, yung tutoo" sambit ni Mommy at tinuro turo nya ako

"Sumagot ka!" Sigaw ni Daddy

"Pumapasok po sa school" nakayukong sambit ko

"Magkaklase ba kayo nung babaeng yon!?" Sigaw ni Mommy ayokong mag sinunggaling sa kanilaaa

"O-opo" matipid na sagot ko

"Gaano na kayo katagal!?" Naiinis na tanong ni Daddy

"6 Months na po kami"

"Hiwalayan mo yung babaeng yun!" Utos ni Mommy feeling ko ito na yung time para ipagtanggol yung mahal ko

"Mommy bakit? Wala namang kasalanan sila Tita at Babe ah!?" Sigaw ko sa kanya

Sinampal ako ni Mommy

"Tita pa ang tawag mo sa Pokpok na babaeng yun!? Kahit pag balibaliktarin ang mundo kabit pa din ang tawag sa babaeng yon!" Naiiritang sambit ni Mommy

"Tama ang Mommy mo hiwalayan mo yun." Mahinahong sambit nito

"Mommy? Daddy? Sa tingin nyo ba napaka daling hiwalayan ng babaeng yun? Sya na yung second and last love ko! Naiintindihan nyo ba ako? Ang dami na naming pinagsamahang dalawa!" Ayoko sanang umiyak pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko

"What a shame Zac what a Shame! Respetuhin mo naman yung Mama ng kaibigan mo! Kumabit yung asawa nya sa Nanay ng Girlfriend mo!" (Mommy)

"Pero wala silang kasalanan dalawa Mommy! Wala silang alam na niloloko sila nung walangyang lalaki na yun" (Ako)

"Magkaibigan din ba kayo? Kasi nag text sa akin si Bella na nadagdagan kayo ng bagong kaibigan yung Shy at Levia ba yun?" Mahinahong sambit ni Dad

"Opo" naka yuko pa din ako parang wala na akong mukhang maipapakita kila Mommy at Daddy

"Sige! Mamili ka kaming Pamilya mo o yung babaeng yun?" Sigaw ni Mommy

"Pero Mommy mahal ko po talaga si Letvia" bakit kailangang umabot sa ganitong sitwasyon plssss helpppp im drowning!

"So ang pinipili mo yung babaeng yun!? What a shame sana hindi ka nalang namin naging anak!" lalong nag tuloy tuloy ang tulo ng luha ko ng makapag bitaw ng salita si Mommy

"Ano ba naman yan Zac bakit kailangang ibaba mo yung standards mo para lang sa babaeng yun? hayaan mo at kapag hiniwalayan mo sya hahanapan kita ng ka level mo" naiiritang sambit ni Daddy

"Hindi ganun ka daling palitan si Letvia Daddy! Sa dinami dami naming pinagsamahang dalawa papalitan ko lang sya? hindi naman sya isang gamit na kapag naluma pagsasawaan at kapag nasira papalitan" (Ako)

"Ipinaglalaban mo ah? sige mag impake ka na at umalis kana bukas kapag nag umaga na dapat hindi ka na namin makikita ng Mommy mo sa kwarto mo!" naiinis na sambit ni Daddy

"B-basura na po ba tingin nyo sa akin na ang daling it-tapon?" nauutal na sambit ko

"Ano pa nga ba binaba mo na din naman yung sarili mo sa babaeng yun" sigaw ni Mommy

.....//............//.............//...........//.........//

Nayari nang pagalitan si Zac ng kanyang mga magulang kaya naisipan nitong mag kulong sa kwarto gusto lang nyang mapag-isa. Nag e echo sa ulo nya yung mga sinabi ng kanyang mga magulang iyak lang ito ng iyak sa kwarto nya wala syang gustong gawin

KINABUKASAN..........

Andrei's POV

Kakain na kami ng breakfast at narinig naming may nag do doorbell at binuksan ito ni Dad

"Bakit kumare?" (Dad)

"Andyan ba si Andrei? gusto ko sana syang maka usap" (Tita)

Pinapasok ni Daddy si Tita

"Andrei alam kong ikaw lang makakapag palabas kay Zac maka ilan na naming kinausap pero ayaw nyang mag salita ayaw din nyang buksan kaya sa tingin ko ikaw yung makakapag palabas sa kanya" pagmamakaawa ni Tita

"Sige po, tawagin din po natin si Bella" mahinahong sambit ko ano naman kaya trip nung unggoy na yon bakit ayaw lumabas

Tinawag din namin si Bella at sumunod naman sya

"Ano po bang nangyari dun Tita?" sambit ni Bella

"Napagsabihan lang namin kahapon" (Tita)

At nakarating na kami sa bahay nila, pumasok na kami sa loob ng bahay nila at kinatok katok namin ang pintuan ni Zac

"Hoy Zac lumabas ka na nga dyan at nag-aalala na sila Tita at Tito sayo!" (Ako)

Ayaw talaga nyang lumabas kaya naka isip ako ng paraan yung ganun sa ginawa naming dalawa dati na umakyat sa balcony tulad ng ginawa namin kay Bella noon

"Bella sama ka aalalayan kita" sambit ko

"Sige" (Bella) kaya agad kaming umakyat sa balcony na subsob pa kami nung pagkataas namin

Nagulat ako sa nakita ko kahit si Bella gulat na gulat din sa nasaksihan, nakita namin ang kaibigan naming may lubid sa leeg at naka sabit ito wala nang malay. Paki sabi namang nananaginip ako oh kaibigan namin yan simula pagkabata bakit kailangang humantong sya sa ganyan? bumuhos ang iyak ni Bella kahit ako kusa nalang pumatak yung luha ko.

"Zac hayop kang unggoy ka hindi ka pa patay diba?" umiiyak na sambit ko, sa tingin ko dito ko na mabubuhos lahat ng luha ko

"Zac! b-bakit mo ginawa yan?" iyak ng iyak si Bella sa pangyayari. Nilapitan ko sya at may nakita akong sulat sa sahig kaya agad ko itong kinuha at binasa suicide note pala ito dahil nakita ko yung pandikit sarili nyang dugo

Dear Team 5, Mommy and Daddy, and to my one and only love Letvia

Sa Team 5 muna tayo maraming salamat sa inyo dahil naging parte kayo ng buhay ko. Kay Andrei Hoy bugok salamat sayo sa mga araw na kasama kita sa mga kalokohan natin hahaha salamat sayo habang sinusulat ko ito napapangiti ako dahil iniisip ko lahat ng MEMEries ko sayong hayop ka HAHAHA pag ako namatay ngayon wag kayong umiyak kasi baka bumangon ako at punasan ko mga luha nyo. Kay Bella naman ikaw naman wag ka ng ma depress mahal na mahal ka ng Team 5 kahit ikaw nalang halos yung walang jowang gaga ka wag ka ding umiyak ah? baka batukan kita dyan HAHAHAHA. Kay Shy kahit hindi kita masyadong nakilala sagutin mo na kasi si Andrei at babangon talaga ako sa kabaong ko HAHAHA kapag naging kayo ng bugok na yon wag mo nang pakawalan sayang gwapo pa naman yan mana sa akin. Kay Mommy and Daddy naman ni minsan hindi ko kayo tinapon na magulang mahal na mahal ko kayo wala akong itinanim na galit sa inyo kahit marami kayong naibitaw na salita sa akin pag pasensyahan nyo na at hindi ko talaga kinaya yung mga salita nyo na pressure ako eh sorry talaga. At sa jowa kong uto-uto alam kong malungkot ka ngayon dahil nalaman mo na ang lahat sinubukan kitang ipaglaban pero sumuko ako eh hindi ko kinaya eh basta Babe tandaan mo mahal na mahal kita Promise ko sayo babantayan kita habang buhay pwede ka namang mag jowa uli pero dapat mas gwapo sa akin, mas mabait at kaya kang ipaglaban at pasayahin. SALAMAT sa inyong lahat pasensya na at hindi ko kinaya sorry because i chose death ayoko kasing mamili sa Friendship Over Love mahirap masyado eh hahaha yun lang love you all!

Zac the gwapo is now signing off bilang tao hahahaha

Iyak kami ng iyak ni Bella nang mabasa namin ang sulat nya ang hirap naman isipin na yung pagkamatay ng kaibigan mo biglaan hindi ko pa din matanggap na kaya nyang gawin sa sarili nya yun

:( :(

Friendship Over Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now