Bella's POV
Niyakap lang nila ako ng mahigpit di ako makawala ayoko sanang umiyak pero kusa nalang na pumatak ang mga luha ko."Tama na." Sambit ko
At kumalas sila sa pagyakap sa akin
"Bella pumasok ka nang school please" pagmamakaawa ni Andrei.
"Andrei! Mamamatay ako kapag pumasok ako ng school!" (Ako)
"Bakit Bella dahil ba kay Letvia nag tatampo ka ba?" Tanong ni Zac
"Wala ka namang dapat ika galit wala naman syang kasalanan sayo, wala kasi syang kaibigan kaya nag mabuting loob ako ngayon alam mo na yung reason ko kung bakit kami magkasama nung nawala ka" pagpapaliwanag ni Andrei
"Kayanga." Matipid kong sagot
"Eh bakit galit ka sa kanya? Oh saakin talaga kasi puro harsh word ang mga nasabi ko sa Ospital noon sorry, kung luluhod ba ako patatawarin mo na ako?" (Zac)
"Umalis kayo please." (Ako)
"Bakit grabe yung depression mo bakit MDD? Ha!?" Sagutin mo ko Bella!?" Galit na tanong ni Andrei
Ngayon ko lang sya nakitang ganyan ka galit yung talagang seryoso na.
"None of your business" sagot ko
"Hindi! Concern kami sayo Bella yung mental health mo, alam mo mas mabuti pang sabihin ko kay Tita yung kalagayan mo" (Zac)
"Sige sabihin mo at sasabihin ko na din sa sarili kong wala akong kilalang Zac at wala kaming pinagsamahan" galit na sambit ko sa kanya
"Bella concern kami sayo alam mo ba yon!" (Andrei)
"Hindi nyo ako naiintindihan wala kayong alam sa pangyayari! Hindi nyo alam yung tunay na dahilan ko kung bakit kinamumunghian ko si Letvia!" Sigaw ko sa dalawa
"Ano ba kasi yung dahilan mo?" naiiyak na tanong ni Zac
Wala akong choice kundi sabihin sa kanila dahil hindi sila titigil kaka kulit sa akin at baka yun nga isumbong pa nila ako kay Mama
*FLASH BACK*
3:00 AM umalis sila Mama para sa company tour kaya natulog nalang uli ako wala kasi akong balak pumasok alam kong magiging mag-isa lang ako dahil kaibigan na nila si Letvia. Nagising ako ng 5:00 AM kasi may tumatawag sa labas kaya agad akong bumangon upang tignan kung sino ito.
"S-sino ka?, P-pano ka naka pasok dito?" Tanong ko
At naalala ko na kung bakit pamilyar sa akin si Letvia yung lalaking yan ang kasama nya nun nakikipag kaibigan si Letvia sa akin noon kaso pinigilan sya nung lalaki na parang Daddy nya na nasa harapan ko ngayon at ang sabi #wag kang makipag kaibigan dyan malas yan# sabing ganun kay Letvia rinig na rinig ko yun at kinausap ako ng Mommy nya #ikaw bata ka lumayo ka nga sa anak ko# siya naman sana yung lumalapit sa akin syempre bilang bata dati hindi ko alam yung nangyayari at ngayon ko lang na realize ang lahat.
"Daddy ako ni Letvia" sagot nya
"Bakit po?, Pasok po kayo" nakangiting sambit ko
"Pwede bang wag mo syang kaibiganin?" (Daddy ni Letvia)
Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang sinabi nya sa akin yun tyaka bakit nagagalit misis nya eh hindi ko nga kilala misis nya at si Letvia di ko naman kaibigan yun.
"Ano po?" Pagtatakang tanong ko
"Paki sabi na din kila Andrei at Zac! Madami namang kaibigan ang anak ko bakit kailangang maging parte kayo?" (Daddy ni Letvia)
"Wait lang po ah" (Ako)
Takang taka na ako kaya agad kong tinawagan ang guard sa telephone namin.
"Hello Ma'am" (Guard)
"Guard bakit nakapasok yung intruders dito sa loob ng Sub Division diba kailangan ng signiture ni Mama?" Tanong ko
"Ano ma'am di mo na ba kilala yang bisita mo na yan?" (Guard)
"Ano po? Sino po ba yung bisita ko na to?" (Ako)
"Ay di mo talaga alam ma'am asawa yan ng Mama mo Papa mo yan Ma'am nag trabaho pala sya sa ibang bansa kaya pala naka Mustang na ma'am kaya agad ko nang pinapasok ma'am kasi dito naman sya nakatira" (Guard)
Inend call ko na gusto kong umiyak pero kailangang maging matatag ako sa panggugulo nya sa akin ngayon.
"Labas!" Sigaw ko sa kanya bumalik na naman ang poot at galit sa puso ko
"Anak wag mo na kaming guluhin ng Tita mo" (Daddy ni Letvia)
"Ikaw ang sumira ng Pamilya natin lumayas ka dito ikaw din ang nanggugulo sa aking hay*p ka!" Galit na sigaw ko
"Pa salamat ka nga binisita pa kita nag punta ako dito para bigyan ka ng pera magkano ba gusto mo? Isa milyon oh eto yung cheque alam ko namang pera ang gusto mo, iwasan mo na ang anak ko ah" (Daddy ni Letvia)
Agad ko naman itong kinuha at napangiti sya
"Kako na nga ba at kukuhanin mo din yan parehas talaga kayo ng Mama mo" nakangiting sambit nya
At agad ko naman itong pinunit sa harapan nya at nawala ang ngiti nya sa mukha alam kong malaking halaga ng pera iyon pero bali wala sa akin kapag sya ang magbibigay
"Kahit kailan hinding hindi mo ako mabibili ng pera tandaan mo yan!" sigaw ko sa kanya
"Ayos lang o eto yung adress kung gusto mo pang lalong masaktan (binigay nya ang address ng bahay nila) basta sabihin mo lang sa guard yung pinaka mayaman po idadala ka sa amin" dagdag pa nito
"Hindi kita kailangan magsama kayo ng Dem*nyo mong kab*t tyaka yung tulad nyong tao patapon na ay hindi na pala kayo tao kundi basura sa lipunan, hindi dapat kayo nirerespeto at nung nagpapakilala yung anak mo parang ang taas mo pero hindi alam ng mga tao na basura ka" mariin na sigaw ko sa kanya
Tutulo na ang luha ko kaya agad kong sinara ang pintuan namin at nagkulong sa kwarto tyaka palang nag sink in lahat ng sinabi nya nang humiga at umiyak ako sa kwarto.
......................................................................
Nagulat sila Zac at Andrei sa kwento ko"P-pero walang kasalanan si Letvia diba?" Nauutal na tanong ni Zac sa akin
"Ewan." (ako)
"Anong klaseng Tatay ba ang Papa mo! hindi na sya dapat pang tawaging haligi ng tahanan!" (Andrei)
"M-mabuti pa kayo nalang ang mag-usap dalawa, uwi muna ako" nauutal pa din si Zac at mukhang gulat na gulat sya sa pangyayari at ako iyak pa din ng iyak, umalis na si Zac at kaming dalawa ni Andrei nalang ang natira. Nagulat ako nung sinuntok nya ang pader kaya napa upo ako sa bed ko na sobrang gulo ng bedsheet nakita kong umaagos ang dugo sa kamay nya.
"A-andrei?" Kinakabahan na ako sa nangyayari
"SAAN NAKATIRA YUNG BASURA NA YUN!? PUPUNTAHAN KO" Galit na galit na tanong sa akin ni Andrei
"A-andrei w-wag mong puntahan please" pagmamakaawa ko sa kanya
"INABSORB MO NG 2 WEEKS YUNG MASASAKIT NA SALITA NA NANGGALING SA BASURANG YON!?" galit na si Andrei parang hindi ko na sya kayang pakalmahin
"Andrei please lalong sasakit kapag ka pinuntahan mo yun!" Sigaw ko
"Sige Bella sabihin mo sa akin kapag ginulo ka ulit ng basura na yun ako na ang makakaharap nya" (Andrei)
Bigla ko nalang syang niyakap at umiyak niyakap din nya ako kahit puro dugo ang kanyang mga kamay ganito pala talaga ang pakiramdam na may concern na tao sayo kahit papano gumaan ang pakiramdam ko
"Dito muna ako matutulog hangga't wala sila Tita" (Andrei)
Agad akong kumalas sa pagka yakap
"Ha? B-bakit? W-wag na" nauutal na sambit ko
"Pupuntahan ko yung basurang yun o dito ako matutulog?" (Andrei)
Wala akong magagawa kaya pinili ko nalang na dito sya matulog hangga't wala si Mama
:<<:
YOU ARE READING
Friendship Over Love (COMPLETED)
Novela JuvenilThis story is about a squad named Team 5 marami silang trials sa life and umabot sa puntong papipiliin ka ng tadhana ng Love or Friendship.