Andrei's POV
Nakadating na kami ni Shy dito sa Principal office at mukhang pagod na pagod sya normal lang naman yun pero syempre kami sanay na kahit malayo.Inakbayan ko sya "Ayos ka lang?"
"Ah eh oo napagod lang kalayo pala hehe" nakita namin yung Principal sa di kalayuan papasok palang sya, as usual dito sya sa Office nya pupunta.
"Students why are you here?" Nagtatakang tanong ng Principal kaya agad namin syang tinignan at sabay namin syang binati "Good Morning sir"
"Uhm may punishment po kami kasi po nahuli po kaming nag dadaldalan habang may nag sasalita sa harap, and we felt sorry naman po" pag e explain ko sa matandang principal na to
"Okay sa susunod maging respetado" payo sa amin ng Principal na to "You may go mag linis na kayo" dagdag pa nya
At nag punta na kami sa loob ng Office at tumuloy na din sa restroom napansin kong parang pagod pa din si Shy
"May hika ka ba? Hinihingal ka kanina pa eh? Okay lang naman sa akin na ako nalang mag linis" walang emosyong sambit ko
"I will accept the consiquence papanindigan ko ito kasi ako yung may gusto, Don't worry ayos lang ako hanuuuu ikaw lang itong nag-aalala" natatawang sambit nya
Agad kong kinuha ang tabo medyo malinis yung paligid pero hayop ang panghe mga tropa ulyanin na talaga itong Principal namin na to feeling ko sa sahig na umiihi eh 30 years ba namang nag serserbisyo sa school na to eh pero i salute him dahil napaka linis ng school bali 60 years old na sya ngayon.
Madami din taong nag lilinis dito dahil sa sobrang kadaldalan nila isa na kami dun pero firsr time ko lang malagay sa sitwasyon na ito.
Si Shy ang naglilinis ng bowl at ako naman ang naglilinis ng sahig at haligi nito madilaw dilaw ang sahig kasi kulay white ang tiles na ito marami naman sanang nag lilinis dito pero bakit ganto pa din? Hanggang ngayon napapansin ko pa din si Shy na hinihingal talagang naghahabol sya ng kanyang hininga.
"Okay ka lang ba talaga Shy?, Kanina ka pa kasi naghahabol ng hininga mo eh?" Nagtatakang sambit ko pero hindi nya lang ako pinansin
"Hoy Shy!" Sigaw ko sa kanya subalit hindi nya ito pinapakinggan biglang nag iba ang atmosphere dito
Napahawak sya sa kanyang chest at sinangga nya ang balikat nya sa haligi ng restroom at agad ko naman syang hinawakan sa magkabilang balikat pinipilit ko syang mag salita pero hindi talaga mukha syang nanghihina at tuluyan na syang nawalan ng malay kasi pumikit na sya at nag aakmang babagsak na kaya agad ko syang sinalo binuhat ko sya "SHY!!!" Malakas na sigaw ko na mukhang aabot na hanggang kanto agad nag punta ang Principal namin buti nalang hindi pa sya umaalis
"What is happening here?" Bakas sa mukha nya ang pagka gulat
"Sir nawalan po ng malay si Shy" kinakabahang sambit ko "Follow me" sagot nya
Sinakay namin si Shy sa sasakyan ng Principal as usual malinis ang sasakyan nya kapag kasi mga nahihimatay na ganito mga nawawalan ng malay hindi na dinadala sa Clinic kasi hindi naman ganun ka convenient yung clinic namin pang mga sakit sa ulo, nadapa dahil sa katangahan, sumasakit ang tyan, nag aacting actingan para lang hindi pumasok sa isang subject na may recitation at marami pang iba ang clinic namin.
>>>>>> FAST FORWARD <<<<<
Naka dating na kami sa Ospital agad namang inasikaso ng mga nurse si Shy agad syang dinala sa emergency room kung saan nandun ang mga Doctor at naiwan kami ng Principal dito sa labas ng Emergency room medyo awkward sa kadahilanang walang kumikibo sa aming dalawa.Naputol ang katahimikan sa aming dalawa nang mag open sya ng topic
"Alam mo student na stroke ako bago ako maging Principal 25 yrs. old ako nun nung na stroke ako" nakangiting pag kwekwento nya habang naka tingin sa Emergency room "Iniwan ako ng Pamilya ko dahil ang sabi nila wala na akong kwentang Padre de Pamilya pinilit ko yung misis kong mag stay sa akin pero ayaw nya kahit yung dalawa lang naming anak 3 at 5 years old na sila nun pero inilayo nya sa akin yun, kaya ang ginawa ko nag-aral ako ng Educ para patunayan sa sarili ko pati na din sa ibang tao na may ibubuga at may silbi pa ako hindi hadlang ang mga problema sa pangarap mo kung mag sisikap ka, hanggang ngayon wala akong ideya kung nasaan sila at kumusta na din ba ang misis ko na buhay pa kaya sya" tama nga si Bella na every person may tragic story behind
"Alam mo kaya sobrang strict ko sa mga students na katulad mo, kasi gusto ko kayong matuto sa mga pagkakamali nyo, may chance pang baguhin ang mga mali" nakangiting pag kwekwento nya
"Ah eh sir may kasama po ba kayo sa bahay ninyo?" Agad nyang ibinaling ang tingin nya sa akin
"Wala mag isa nalang ako sa buhay, Kaya sobrang linis at ganda ng school because itinuturing ko na itong pangalawang bahay at ang mga taong nandun tinuturing ko nang Family" malungkot din pala ang sitwasyon ng matanda na to mag isa nalang sya sa buhay
"Sir saludo po ako sa inyo hindi po ako sumisipsip o ano man pero sa 4 yrs. kong pag aaral wala po akong nakitang hindi kaaya-aya sa school, Maraming Salamat po madami na dib po akong natutunan galing sa inyo" (Ako)
Tuwing Monday kasi minsan nandun sya sa stage nag sasalita and karamihan sa mga estudyante hindi nakikinig sa kanya kapag sya ay nagsasalita sa harap namin binabalewala lang ng iba pero ako nang minsang nakinig ako sa mga pangaral nya sa buhay at sa mga pangarap hindi ko na pinalampas pa ang iba nyang pangaral kaya hands down talaga kay Sir
"Salamat student ikaw palang ang pinaka unang nag pa salamat sa akin sa loob ng 30 yrs na pag tratrabaho ko sa paaralan" nakangiting sambit ni Sir
"Sir yung ibang studyante kasi hindi na appreciate effort mo ako sa tutoong lang po parang private ang itsura ng school" nakangiting sambit ko habang naka tulala sa kawalan
"Alam mo bang ngayon lang ako nakapag open ng nakaraan ko kasi ayokong sabihin sa mga teachers wala akong tiwala sa kanila" abaaaa so meaning may tiwala sa akin si Sir
Hinawakan nya ako sa balikat "Kaya ko din naman na share ang karanasan ko nung nakaraan upang makatulong ako at mabigyang daan ang tatahakin mong mga problema sa buhay, bata ka pa student madami ka pang opportunities don't waste it just enjoy your life"
"Salamat po sir maraming salamat" sambit ko
"Student may nililigawan ka na ba?" Nagbibirong tanong ni Sir
"Sir meron po soon sakto po sa tour" natatawang sambit ko
"Wala namang masama kung sasagutin ka ng babaeng liligawan mo make her as inspiration not a cause of depression" nakangiting payo sa akin ni Sir
Akala ko sobrang sungit nya kapag tinitignan pero good adviser pala sya mula noon hanggang ngayon madami akong natutunan sa kanya. Ang lungkot pala ng buhay ni Sir although masaya sya sa school pero sa bahay nila ang lungkot imagine mo yun laging putol ang saya mo sa pang araw-araw
:<
YOU ARE READING
Friendship Over Love (COMPLETED)
Teen FictionThis story is about a squad named Team 5 marami silang trials sa life and umabot sa puntong papipiliin ka ng tadhana ng Love or Friendship.