Letvia's POV
Andito na kami sa room napaka ingay nila pinag uusapan nila yung field trip namin sa isang linggo. Kasama na din namin si Shy, si Andrei naka tayo kasi pinaupo nya sa chair nya si Shy.Lumingon ako kay Shy "Magpapakilala ka pa mamaya Shy, kinakabahan ka?"
"Of course not! sanay na akong humarap sa maraming tao kasi nung thesis namin nung Grade 9 ako lang ang gumawa ng lahat pati nag explain na din nung defense" nakangiting sagot nya
Oo nga naman matalino nga sya i aaccept ba ni Ma'am NEM si Shy kung hindi matalino
"Baaa pakopya kami sa mga quiz ah!" Pagbibirong sambit ni Andrei
"Naman! Susuklian ko yung pagtanggap ninyo sa akin" nakangiting sambit ni Shy at nawala ang ingay nang dumating na si Ma'am NEM
"Good morning Ma'am NEM!" (Class)
"Morning, nga pala yung field trip natin is sa Monday na Be ready kumpleto naman na yung bayad" (Ma'am NEM) at bigla na naman na bumalik ang ingay ng room namin dahil sa pag-uusap at excited na din ng mga kaklase ko
"Shhh! Quite we have a transferee here uhm can you introduce yourself?" Sabay turo kay Shy
Nagpunta naman na si Shy sa harap at nag pakilala
"Hi guys! My name is Alexandra Rose Verinna im 14 years old and sakto sa Monday na Birthday ko tour yun right? And also my dream work is to become Computer Engineer" ganon din yung pangarap ni Andrei, Bella at Zac ah sakto sila
"Uhm class sya ay matalino kaya sya lumipat dito kasi unique sya, ah miss Alexandra kunin mo yung upuan dun and dyan ka nalang sa likod since andyan ka naman talaga" pagpapaliwanag ni Ma'am
Ganto ang seating arrangement nila
Zac Bella Andrei Shy
AkoHabang nagsasalita si Ma'am naririnig ko sila Andrei at Shy na nagdadaldalan
"Huy gusto mo din bang maging Computer Engineer? Same tayo" pabulong sambit ni Andrei
"Oo,mabuti naman, tumahimik ka muna nag sasalita si Ma'am NEM oh" kunot noong sambit ni Shy
Strikto kasi si Ma'am NEM pero may purpose naman ang pag susungit nya sa amin. May policy kasi kami na sinusunod at isa na dun ang respetuhin ang nagsasalita sa harap kahit na sino pa yon and may punishment if mahuli kang magsasalita kaya napaka tahimik dito kapag nag start mag salita si Ma'am NEM pero kaming lima syempre minsan nag dadaldalan kami hahaha
"Huy Bella" pabulong na sambit ni Andrei habang kinakalabit nya ito
"Bakit ba tumahimik ka nga!" Naiinis na sambit ni Bella " Baka magalit si Ma'am NEM sa atin" dagdag pa nito
"Gwapo ba ako?" Natatawang tanong ni Andrei bumubulong pa pero naririnig naman ng karamihan kaya agad namang nagtawanan mga kaklase namin siguro nagising na sa katotohanan si Andrei dahil nahalata na din nya na sya ang pinagtatawanan ng buong klase
"Why? Ano nakakatawa sa lesson natin!?" Nagagalit na tanong ni Ma'am NEM
"Ma'am papano naman po nag sisitsitan yung nasa gawing likod tapos narinig pa po namin na nagtanong sya ng *Gwapo ba ako?* Hahhaa" natatawang sambit ng katabi kong si Philip kaya agad ko syang kinurot sa kamay
"Araaay ano baaaa!" Naiinis na sambit nito
"Opx sorry haha" (Ako)
Andrei's POV
Hindi ko namalayang naririnig pala ng mga kaklase ko yung pagsisitsitan namin ni Bella."Sino yung walang respetong nag sisitsitan sa likod?" Nagagalit na tanong ni Ma'am NEM
Kaya agad naman akong nagtaas ng kamay ayaw kasi nun na pinapahaba pa ang usapan tyaka obvious naman na ako yun kaya mas malala pa kung hindi ko sasabihin na ako
"You!? Sino yung ka sitsitan mo hindi pwedeng mag-isa ka lang hindi ka baliw alam ko yon!" Kaya muli na namang nagtawanan ang mga kaklase ko at ayaw magtaas ng kamay ni Bella
"Hoy! Magtaas ka ng kamay! Damayan moko!" Pagmamakaawa ko sa kanya
"No it's your fault accept the consequences hindi ako involve sa nangyari!" Naiinis na sagot ni Bella pabebe pa ito eh manung sabihin na
"Walang aamin!?" Galit na tanong ni Ma'am NEM mukhang mag aalboroto na si Ma'am kasalanan ko ito eh :/
"Ma'am ako po, sorry po ma'am' nagulat ako ng magtaas ng kamay si Shy bakit sya ang nag accept ng consiquence eh wala naman syang ginawa tinignan ko si Bella at mukhang na gui guilty sya
"So you! Bago ka pa man din sa klase ko!, Now for the consequence linisin nyo yung restroom ng ating principal" utos ni Ma'am kaya agad na kaming lumabas.
... Sa Labas ...
Nang medyo nakalayo na kami huminto ako sa paglalakad pati na din sya. "Bakit ka nagtaas ng kamay!?"
"Just saving a friend?" Malumanay na sambit nya
"Noooo i can accept the consiquence by myself!" Naiinis na sagot ko
"Tulad ng sabi ko susuklian ko kayo for accepting me" (Shy)
"Fineee, ikaw na panalo" malumanay na sambit ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad
Bella's POV
Nagulat ako nang magtaas kanina si Shy wala akong magawa sya na nagtaas pano pa ako aamin na gui guilty ako sa ginawa ko and yeah ako naman talaga yung kausap ni Andrei kanina. Ano na kaya yung ginagawa nila? Ang nasa isip ko nagpapahiran sila ng bubbles sa mukha at slow motion yon ang sweet sweet nila sa isa't isa, pero alam ko namang hindi mangyayari yun dahil andun principal pero yun yung pumapasok sa isap ko nakakaasar taragis! Hindi na ako nakinig ng lesson hinintay ki nalang yung break time hindi din naman ako makakapag focus sa lesson kasi ang nasa isip ko kung ano na naman ba yung ginagawa nila Andrei dun."Tara na mag Meryenda na tayo since wala sila Andrei at Shy thirdwheel ka muna sa amin" palabirong sambit ni Zac
"Duhh team 5 ata tayo!" Naiinis na sigaw ko sa kanya at sumingit naman sa usapan si Letvia
"Yeah Team 5 tayo masyado ka kasi Babe!" Natatawang sambit ni Letvia
"Ano na kaya nangyayari sa kanila??" (Ako)
Tumayo si Zac "Shunga lang? Malamang naglilinis sa restroom ng office baka kung ano yung naiisip mo ah??
"What if they are enjoying?" Nag-aalalang sambit ko
"May consiquence bang masaya? Naku naman Bella, tyaka kung masaya sila edi maganda" nang-aasar ang tono ng pananalita nya kaya agad ko syang kununutan ng noo
"Bella baka naman may gusto ka sa kanya? Selos ba ganun? Hahaha" (Letvia) lintik na dalawang mag couple na to mag hihiwalay din kayong mga damuho kayo!
"Noooo yuckssss" sabay irap sa dalawa kong kaibigan
"Kunwari ka pa Bella! Scam yang pagtanggi mo!" Natutuwang sambit ni Zac
"Meryenda na tayo?" Pag iiba ko ng topic
"Nakuu oo nalang" (Letvia)
Talagang ni ro roast ako ng dalawang mag jowa na to, nag punta na kaming tatlo sa cafeteria puro sitsitan ang mga naririnig namin kadami feeling ko iisa lang pinag uusapan nila kaya nagtanong ako sa iba sila Zac naman eh bumili na ng meryenda at ako nagpaiwan dito sa bungad ng cafeteria
"Ano po yung pinagkwekwentuhan nyo?" Tanong ko sa SH student
"May babaeng Grade 10 daw na nahimatay dun sa Office of the Principal, ka section nyo ata?" Nagulat ako sa kwento nung SH student mahirap mang isipin pero mukhang si Shy ito. Umupo nalang ako sa isang tabi at natulala mukhang kasalanan ko na naman ang lahat ng ito.
:<
YOU ARE READING
Friendship Over Love (COMPLETED)
Teen FictionThis story is about a squad named Team 5 marami silang trials sa life and umabot sa puntong papipiliin ka ng tadhana ng Love or Friendship.