Chapter 2

23 0 0
                                    

"She's the owner of this house"

"Oh, okay...."

"Yes and.."

May mga tao sa kwarto ko. At aba nag eenglish. Pero di ko maaninag kung sino, kasi nag oovertake pa yung antok sa katawan ko.

Tapos may tumapik sa balikat ko. "Cath, gising". Tapos nawala, at bumalik na naman. "Cath, mahuhuli ka na sa klase"

Klase? Anong klaseng klase? At nang tinapik ako muli, nagising ako. Ngayon, fully awake na talaga. At wala ako sa kwarto ko.

"Alas syiete na Cath, sabi mo kahapon maaga ka sa skwelahan di ba?"

Ayy putragis. Oo nga pala. Nagmadali ako sa pag ligo at pagbihis. Isinuot ko yung uniform ko na pencil skirt at blouse. May demo pa pala ako ngayon. Kainis.

Nagmadali na akong bumaba nang mag 7:30 na. "Alis na po ako"

..........

Alas dose na nang makauwi ako sa bahay. Gutom na ako. Napahiga ako sa sofa. At hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Hanggang sa may narinig akong ingay.

Cartoons? May nanonood ng TV. Itinaas ko yung ulo ko at isang maputing braso ang nakita ko. Braso? Braso de Mercedes ba kamo. Ginugutom na talaga ako.

"Hey, you're awake", sabi nung Braso. Ay este, yung mag ari ng braso siguro. Napatayo ako ng wala sa oras. Inglish spikining. OMG.

Bumulanta sa akin ang napakaputing lalake. Kulay itim yung buhok niya pero parang hindi siya karaniwang Pinoy.

"I didn't bother wake you up, you were sound asleep"

"Uhh uh. Okay", sabi ko lang tapos umakyat na ako sa itaas. Sa bahay ko.

Tito naman eh. Bakit di siya nagsabi na foreigner pala tong nandito sa bahay at saka lalake pa ha. Ay naku po. Ubos ang English ko dito. Buti na nga lang English at hindi Japanese baka nag hemorrhage na utak ko kanina.

Dahan-dahan akong pumanaog sa hagdanan at lumingon sa magkabila. Walang tao. Di kaya guni-guni ko lang yun kanina? Haaay..

Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain sa refrigerator. Wala eh. Naghanap ako ng makakain sa cabinet. Wala rin. Kina tito siguro meron.

Kaya lumabas ako ng bahay at naglakad patungo kina Tito Bert. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas yung pinto. Yung lalake kanina sa bahay! So hindi pala ako nag iimagine.

"Hello", sabi niya. "I just had lunch with Bert. You should go eat too". Hmmm parang hindi gaya ng English na naririnig ko sa TV ah. Parang ang slang eh. Hindi ko maintindihan ang ibang salita.

Tumango lang ako at pagkatapos niyang lumakad palabas, pumasok naman ako.

"Tito naman, di po kayo nagsabi eh na foreigner po pala yung magrerenta", sabi ko habang nilalamon yung adobong manok na niluto niya.

"Eh hindi ka naman nagtanong di ba? Saka ano namang problema dun eh marunong ka naman umintindi ng Ingles di ba? Magteteacher ka nga di ba?",sabi naman niya na ngayon ay nakaupo nalang sa harap ko sa mesa. Tapos na kasi silang kumain eh. "Saka hindi natin sila pinarenta Cath, kasi si Tita mo naman yun di ba".

"Eh lalake po eh",lusot ko naman. Ok lang naman sa akin na lalake eh. May lock naman kasi yung bahay ko sa itaas saka nandito si tito sa kabilang bahay. Eh kahit na, di ba awkward yun.

"Ay wag kang mag alala, papunta na sila Tita Maria mo dito. Kaibigan daw ni Luke iyang si Calum, yang batang nandyan sa bahay mo. At magkasama silag titira diyan. Kaya kasama mo rin si Luke".

Calum? Calum... Hmmm  ang gara ng pangalan ah. Tapos Luke?

"Sino po si Luke?", tanong ko naman.

"Anak ng tita mo. Hindi ba naging kalaro mo siya noong unang dating nila dito. Pero bata pa kayo nun",sagot naman ni Tito. Natatandaan ko nga na may anak pala si Tita, magkaedad lang kami. Saka yung buhok niya blonde. Luke pala pangalan niya.

"Oh sge po"

The Ways of Fate (Aussie Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon