chapter 11

5 0 0
                                    

Alas 8 pa lang ng gabi, umidlip na si Luke sa kwarto niya. Mainit daw kasi kaya nag aircon siya sa loob tapos nakatulog na pala. Hindi na nga siya naghapunan.

"God, It's hot", reklamo ni Kaloy na hinuhubad yung T-shirt niya.

(o___o) ( >__>)

"Should we go to the beach, Cathy?", tumingin siya sa akin.

"Uhh oo sige"

Naglakad kami sa may dike. Mabuti nga at naisipan ni Kaloy na lumabas, mahangin kasi dito. Malamig yung hangin.

Matagal- tagal din kaming walang imik na naglakad-lakad hanggang sa nagsalita si Kaloy, "You cold?"

"Ha? Ah ehh- I'm fine. Thanks", sagot ko naman.

"Let's sit here", at umupo siya sa semento at tinapik yung space sa tabi niya. "Sit with me"

At sumunod naman ako. Tahimik kaming dalawa na nakamasid sa dagat kahit madilim. Isang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa dike.

Nagbuntong- hininga si Kaloy kaya napalingon ako. "You okay?"

Tumango lang siya at ihiniga yung ulo niya sa balikat ko. Hmmm kinakabahan na naman ako. Pero hindi ako umimik, wala naman sigurong masama di ba. Magkaibigan naman kami. Magkaibigan.

"Is this okay?", tanong niya. Nalito naman ako sa tanong niya pero dinagdagan pa niya ito, "I mean this, like me laying my head on your shoulder. Is it okay?"

Natagalan siguro siya sa sagot ko kasi itinaas niya yung ulo niya at tumingin sa akin.

"Uhh yeah", ako. "No problem". Ngumiti ako sa kanya at binalik niya sa akin yun.

Ihiniga niya ulit yung ulo niya sa balikat ko. At ako naman, hindi napakali. Para kasing may kulang. Parang may dapat mangyari o may dapat akong malaman.

"Uhh Kaloy-", tawag ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. "W-why did you kiss me?"

Sasabog na ata ako. Gusto kong bawiin yun. Bakit ba ang tanga ko? Bakit hindi ko muna inisip yun? Sana hindi niya narinig. Sana mabingi siya. Sana mapipi siya at hindi masagot yun.

-_- Bakit ba ako nagkakaganito. Dahil ba sa grapes kanina? Nalasing ba ako? Gutom? O baka natatakot ako. Baka natatakot ako sa sagot niya. Baka sagutin niya ako ng wala lang. Baka wala lang ako sa kanya.

Ugh. Ano ka ba Cath! Wala kalang naman talaga sa kanya eh. Bakit ka nag aassume na may meaning yung ginawa niya sayo? Galing siya sa ibang bansa. Iba yung mga ginagawa nila dun at sa dito. Liberated sila kaya baka akala niya na ganun ka din at cool ka sa ganung mga bagay. Ang boploks mo kasi.

"Umm Cathy?", si Calum. At bumalik na ulit ako sa sarili ko. Kinakaway niya pa yung kamay niya sa mukha ko. "You just zoned out. What were you thinking about?"

"Huh? Uhh.. wala", maikli kong sagot. Sira ulo talaga ako, imagination ko lang pala yun. Hooo, akala ko totoo na.

Nang mag alas 9 na, naglakad na kami papauwi. Para rin kasing uulan na ilang segundo at hindi pa kami nagkakalahati yung linakad namin.

Suot ko yung hoodie jacket ni Kaloy kasi pinilit niya ako kasi malamig nga raw.

"Um", si Kaloy. Lumingon ako kasi parang may sasabihin siya. "About your question"

Yung puso ko. Hindi pala imagination yun kanina. Narinig niya pala talaga ako.

"I-"

At biglang umulan. Iniangat naming dalawa yung kamay namin para mag cover. Ang lalaki ng patak! Buti nalang may ilaw ilang hakbang galing sa kinatatayuan namin at may maliit na canopy.

Nag ring yung cellphone ni Kaloy.

"It's Luke", at inilagay niya ito sa loudspeaker.

"You abandoned me! Where the hell are you?"

Napatawa kaming dalawa ni Kaloy sa sinabi niya.

"We got caught in the rain, mate. We're halfway there but we're currently stuck"

"Fuck. Should I call tito Bert to pick you from there? It looks like the rain's not stopping sooner"

Wow. Ang english eh.

"Okay. We're at a small canopy.", maikling sagot naman ni Kaloy.

Nag okay si Luke at pinatay na yung tawag.

"Oh my god", sabi ni Kaloy habang pinapahid yung tubig ulan sa mukha niya. Basang-basa kasi siya kasi nasa akin yung hoodie niya .

At tumawa siya.

Napatawa na rin ako. Sira ulo rin pala to si Kaloy eh, saan yung nakakatawa dito eh basang-basa kami ng ulan. Tumagos na nga sa hoodie yung lamig eh.

"That was fun", sabi niya pa. "Wasn't it?", at bigla siyang tumigil at tumitig sa akin. Hmmp hindi niya ba alam ang epekto ng mga titig niya sa akin?

Yung tibok lang ng puso ko at ang ulan ang naririnig ko. Mabilis. Gaya ng malalaking patak ng ulan na madaling bumasa sa akin, ganun din yung ginagawa niya. Isang titig lang at napapatigil niya ako.

Dahan-dahan niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko. Anong. H-hahalikan niya na naman ba ako? Papayagan ko ba? Pipigilan ko ba? Maybe? Ano baaaaaa.

Nang ilang millimeters nalang ang lapit ng labi niya sa akin, tumigil siya. Bakit? Bakit siya tumigil. Oh my god nakakafrustrate.

"I'm sorry", sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Pinikit niya yung mga mata niya at tumingin sa akin. "I should ask first, right?"

Hindi ako nakasagot. Eh kung tatanungin niya ako, ano naman isasagot ko? Oo? Hindi pwede? Ewan?

Ibinaling ko yung tingin ko malayo sa kanya. Ewan. Hindi ko maintindihan.

Natahimik kami ng ilang segundo. Awkward.

Then he broke the silence, "I kissed you because-"

Nagtinginan kami. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Nasasabik. Natatakot.

"-I like you"

Sumabog na talaga yung puso ko.

"Now". Inayos niya yung pagkakatayo niya at lumapit sa akin. "Can I kiss you, again?"

Hindi na ako nagalin-langan pa. "Yes", yun lang ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko. Dahil gusto kong halikan niya ako.

At muli niyang inilapit yung mukha niya sa akin. Malapit na malapit na.

"CALUM!"

The Ways of Fate (Aussie Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon