Chapter 10

13 0 0
                                    

Nagising ako salamat sa alarm clock at tumunog naman sa oras na isinet ko. Kaya sa halip na magmadali ay mahinahon yung umaga ko. Relax lang kasi malayo pa yung oras.

Natapos akong magbihis at bumaba. Gising na pala si Calum.

"Good morning , Cathy", greet niya.

"Good morning, Cal", ngumiti ako sa kanya. Pero yung nakapagtataka ay kung bakit mukha siyang disappointed. Ngumiti naman ako di ba? Kinausap ko naman siya di ba?

Kaya naman tahimik akong kumain ng agahan habang siya naman ay nanonood ng TV sa sala. Nararamdaman kong sumusulyap siya paminsan-minsan at binabaling muli yung tingin niya sa TV.

.......

"Hey, you're home". Si Luke pala naka higa sa sofa hawak yung cellphone niya.

"Yeah, did you have lunch yet?", tanong ko, nakaupo na sa may hagdan. Ngayon ko lang din naalaola na wala pala si Calum. "Where's Cal?"

Hindi sumagot si Luke, itinuro niya lang yung itaas. Baka naman nandun sa terrace. Mokong na Luke to, hindi man lang sinagot yung tanong ko kung kumain na ba sila.

Umakyat na ako at dumiretso sa terrace. At dun nakaduyan sa gilid si Calum, may panyo na nakatakip sa mukha niya. Paborito niya talaga tong lugar nato kasi parang mas gusto niyang matulog dito eh.

Lumakad ako palapit upang siguraduhin kung tulog nga ba siya. Parang tulog nga eh hindi kumikilos eh.

Inangat ko yung panyo mula sa mukha niya. Ewan ko kung bakit parang may nagtutulak sa akin na gawin yun at kung bakit hindi man lang ako nagpigil.

At natutulog nga si Calum. Nakakulubot yung makapal niyang mga kilay sa mata niyang maliliit na ngayon ay nakapikit. Matangos yung ilong niya at yung mapupulang labi... Napalunok ako...

Argh anong. Itinapon ko yung mga bagay na naisip kong yun. Wala walaaaaa.

Babalik na sana ako sa loob nang magsalita si Calum, "You were totally checking me out". Nakaguhit sa mga labi niya ang ngising arogante na alam ko namang kunwari lamang.

Nakita niyang tinitigan ko siya? ~T_T~ "Uhh no, i wasn't ", sabi ko naman.

Ibinaba niya yung mga paa niya sa duyan at naupo dito, habang nakangisi pa rin siya. Tapos tinapik niya yung may space sa duyan. Ano? Pauupuin niya ako dun, Eh di ako magkakasya diyan.

"Bleeeeeh". Umiling-iling ako at tumakbo patungo sa kwarto.

Matapos akong magbihis, bumaba muna ako para kumuha ng pagkain. Hindi pa kasi ako nanananghalian. Kinuha ko yung isang supot ng grapes, at saka chips at coke.

Nandito pala si Luke sa terrace. "Hey, someone's starving". Tumawa siya at sumunod naman si Calum. "Share?"

Ihinagis ko yung chips sa kanya at nasalo niya naman. At naupo kaming kumakain habang may inuusisa naman si Luke sa laptop.

"Are they online?", tanong ni Calum.

"Yep", at cinlick ni Lucas yung may call. Nags-skype sila. Sino kaya tatawagan nila? Nang sagutin na ito, lumabas yung video sa screen.

Dalawang lalake naman yun na kumakaway sa kanila. "Heeeeeey mates", sabi nung isa na brown yung buhok.

"Hey Ash!", sabi naman ni Calum na kumakaway din pabalik.  "Where's mom?"

"She'll be back", sagot naman nung Ash. Ang ganda naman nung pangalan niya. "What up?"

"Just eating. And a lot", si Luke. Kumaway naman si Luke, at dinelaan yung isa pang lalake, "Hey Mikey"

"Aww man, seein you just made me realize it's so boring here", parang bata na sabi nung Mikey.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa screen. Hindi kasi ako nakikita sa camera. Busy ako sa pagnguya ng grapes. Nalalasing na ata ako.

"Next time bitches", sabi naman ni Luke na nakatawa. "Oh and by the way, Calum has a girlfriend". Tumawa pa ng mas malakas si Luke. Habang nalilito namang nakatingin si Calum. Nakita ko, kasi napalingon ako nang sabihin ni Luke na may girlfriend si Calum. Bumilis nga yung tibok ng puso ko at.. nanghinayang?

"Oh goody where-", hindi ko na narinig ang sunod na sinabi nung Ash nang bigla akong pulutin ni Luke sa sahig at hilahin sa harap ng screen.

"A-anong-", yun lang yung lumabas sa bibig ko. Nakikita ko yung mukha ko sa maliit na screen naman sa ibaba. Waaaah. Ang hitsura ko T_T.

"Here!", sigaw ni Luke. Tinuturo niya pa ako habang nakatawa. "She's my cousin, Cath", pagpapakilala niya sa akin.

Nag alinlangan naman akong ngumiti. Pero ngumiti rin nang kawayan ako nina Ashton at Michael. Feeling close talaga ako.

"And she's Cal's girlfriend", dagdag pa ni Luke. Anong- Lumingon ako kay Calum na nakatawa lang din. Kaloy, wag kang tumawa, tulungan mo ako dito -_-

"Hi Cath Hood!", tumatawang sabi ni Michael na nga pala, green yung buhok. At teka anong Cath Hood?

"Calum's last name is Hood", pagpapaliwanag naman ni Luke. Hmmmm, nag init yung pisngi ko. Hindi naman ako yung girlfriend ni Calum eh.

"OMG, I can see her blush from here", sabi ni Michael. "She's so cute, i wanna bonecrush-hug her"

"Uhh", sa wakas nagkaroon na ako ng guts na magsalita. "I'm not his-"

"I know right? She definitely likes Calum and...", malakas na sabi ni Luke at hindi niya man lang ako pinakinggan. Ang tabil. Napakatabil ni Luke at kung makatawa wagas.

Nagpout nalang ako at bumalik sa pag kain, habang nag-uusap silang apat at nagtatawanan. Nagpatuloy nalang ako sa pag kain.

"Hey girlfriend ", nagulat ako nang tumabi sa akin si Calum.

Tinaasan ko siya ng kilay, kunwari ay hindi ako apektado. KAhit sa totoo lang talaga ang dami ng butterflies sa tiyan ko. "Ahem, girlfriend? "

Tumawa siya. "My friends are insane, I'm sorry about that"

Tumawa nalang din ako, "Grapes?", sabay abot ko sa resealable bag na kalahati nalang yung laman.

"Already?", itinaas niya yung supot at kunwari ay iniling-iling yung ulo niya. Oo sige na malakas na akong kumain.

Napatawa lang naman ako. "Kaloy talaga"

Bigla siyag natahimik. At nang tingnan ko kung bakit, nakangiti pala siya.

"W-why are you smiling like that?", at ibinaling ko yung tingin ko. Kinabahan ako sa titig niya, para bang may ginawa akong ikinasaya niya.

"You called me Kaloy again", sabi niya. "You haven't called me that since..you know, when it happened "

Nakatitig lang ako sa kanya. Ganun pala, kaya pala mukha siyang disappointed kagabi kasi hindi ko siya tinawag na Kaloy. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"What "happened""?, tanong ni Luke.

(o.o ) (o.o ) Kami ni Kaloy.

"Uhh nothing", sabi ko at tumayo. "I'll go get more coke"

"I'll help her", sumunod naman si Kaloy.

"Loner", pang-aasar  pa niya kay Luke at sinapid naman siya ni Luke. Pero nang hindi tumalab, dinelaan lang siya ni Kaloy.

"Damn you, Hood!", narinig kong sigaw ni Luke at nagtawanan kami ni Kaloy.

The Ways of Fate (Aussie Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon