Chapter 7

10 0 0
                                    

Ang aga naman. Inaantok pa ako eh. Kung hindi ako ginising ni Luke at Calum marahil tulog pa ako ngayon.

"Oh, Cath gising ka na!", sabi ni Tito sa akin. Nakasandal kasi yung ulo ko sa bintana ng sasakyan. "Bubuksan ko yung bintana para makapasok yung hangin, baka antukin ka at mahulog yang ulo mo"

Nakakatakot naman itong si Tito. Pugutan daw ba naman ako ng ulo. Kaya naman pinilit kong idilat yung mga mata ko.

Magtatagpo lang daw kasi kami nina tita at ni Niel, yung papa ni Luke na Australian sa Camiguin na. Kaya si Tito, Calum, Luke at ako lang ang bibiyahe.

Sa sasakyan, katabi ko si Tito sa front seat. Habang si Luke at Calum naman nasa backseat nakaupo. Aandar na sana ang kotse nang nagsalita si Luke, "Tito, I wanna sit in the front".

Napalingon ako nang wala sa oras. Ano na naman bang ginagawa nito? Nakangisi lang si Luke sa akin. Si Calum naman nakatingin lang na parang hindi siya sangkot sa kaguluhang papasukin ni Luke. Nakita niya kasi ako nung hindi ako nakapagtimpi di ba.

Tinapik naman ako ni tito, "Oh palit daw kayo ng upuan". Ano? Pati ba naman si tito kinasabwat ni Luke?

"A-ayoko", sabi ko. At nagcross yung mga braso ko para panindigan na ayaw ko talaga.

Bigla nalang bumukas yung pinto ng kotse at may humila sa akin palabas at itinulak na naman ako papasok sa backseat.

"Now, that's better", sabi ni Luke at saka lumingon kay tito. "Let's go, tito"

Lumingon naman ako sa katabi ko at si Kaloy nakangiti sa akin. Ngumitilang din ako habang kinakamot yung braso ko. Hindi naman makati. Ganito kasi ako pag nahihiya o kinakabahan.

Tapos inabot niya sa akin isang kapares ng earphones niya. "Do you wanna listen to music? "

"Uhh, sure", sagot ko naman at inabot yung isang earphone at inilagay sa tainga ko. Nagulat ako sa rock music na biglang nagplay. Nahalata niya ata kasi biglang humina yung volume.

"I'm sorry, I didn't know that was gonna play", sabi naman niya na mukhang nag alala sa akin. Ok lang naman ako eh, sumabog lang naman eardrums ko.

Saglit natigil yung music. "I made a playlist. They are not too loud, I promise", sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya. At nagsimula nang timugtog ang soft music na nakakaantok.

Nagising ako sa paghinto ng sasakyan."Nandito na tayo", sabi ni tito. Tapos nagsilabasan na sila ni Luke. Ang sarap ata ng tulog ko, may soft music sa background at napakalambot ng unan. UNAN?

Nang lumingon ako, naku hindi pala unan. Si Kaloy pala yung sinasandalan ko. Nakangiti lang siya sa akin.

"Mornin'", sabi niya. "Had a good sleep?"

"Uhh good morning too", sagot ko naman habang inaayos yung buhok ko. "I'm sorry I fell asleep on your shoulder"

"Why? It's totally fine, Cathy". Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat.

Mag aalas tres ng hapon nang makarating kami sa pier ng ferry boat na sasakyan namin patungo sa isla. Maraming nakatingin sa dalawang lalakeng kasama ko na sina Luke at Kaloy. Kasi nga mga foreigners. May ibang babae naman na nag hi at hello sa kanila. Lalo na tong si Kaloy. Hmp.

Napalingon ako nang may tumapik sa balikat ko. Si Luke, "Hey, sleepyhead". Tapos ngumiti siya at ewan parang may masama siyang balak sa ngisi niyang iyon. Tapos kinuha niya yung cellphone niya at iniharap sa akin ang screen.

Kami yun ni Kaloy sa kotse kanina, natutulog ako sa balikat niya habang si Calum naman nakatingin sa labas ng bintana.

>_<

"Lucas Hemmings!", malakas kong sabi. "Idelete mo yan kung ayaw mong mabugbog!". Halos umiiyak na ako sa pagsisigaw at sa pag abot ng cellphone na nakataas sa anim na talampakang si Luke. Para namang may chance na makukuha ko yun.

Biglang natigil yung pagtatawa ni Luke nang may humablot sa phone niya. Si Calum. My savior!

"What the hell Cal", sabi naman ni Luke na natatawa habang tinitingnan ni Kaloy yung picture.

"I didn't know you took this Lucas", sabi ni Calum na seryoso yung mukha. Tapos kinuha niya yung cellphone niya at saglit na nag swipe dito. Di nagtagal, binalik rin niya kay Luke sabay sabi, "Sent", at ngumisi sa akin.

Anong sent? Bluetooth sent?

::>_<::

"KALOOOOY! LUCAS!", hinabol ko si Luke muna, tapos si Kaloy naman. Wala talaga akong laban dito. Kainis. Magkasabwat talaga sila. Kaya ay huminahon na ako at umastang okay lang sa akin yung ginawa nila.

Hindi ko nalang sila papansinin hanggang sa lumuhod sila at magmakaawa. Urgh kainis talaga.

Sa ferry boat, umiiwas ako sa kanila kasi alam kong hindi ko matitiis yung hindi pansinin yung isang tao. Ganun talaga ako eh. Kaya naman kung nandun sila sa upuan, umaalis ako, kung nandun sila sa may bintana, lumalakad ako papalayo.

"Cathrain!", tawag sa akin ng tita ko nang magkita kami sa port sa Camiguin Island. Nagmano ako sa kanya at nag hi kay Neil.

Hmmm ang bango ng mga prutas dito. Napatigil ako sa tapat ng binibentang malaking orange. Paborito ko yung orange kasi eh. Hindi ko namalayang nakatutok pala ako dito kundi ako tinawag ni Tito. Waaaah goodbye orange.

Sa bahay na titirhan namin, malapit yung kwarto ko sa may terrace. Dagat yung nasa harapan. Para pa ring sa bahay namin kaso mas maganda yung dito.

Si Tita at Neil may inarrange munang mga schedule para sa trip na ito. Si tito naman, nandun sa sala nanonood ng tv. Kaya mag-isa lang ako sa terrace.

"Cathy?", tawag ng pamilyar na boses na ayokong pansinin kasi sabi ko nga kanina di ba. Pero lumingon pa rin ako.

Nakangiti siya sa akin. "Hey Cal", sabi ko.

Tumabi siya sa akin at sumandal sa braces ng terrace.

=_= Kanina pa tumititig sa akin eh.

"Uhh hmmm, Where's Luke?", tanong ko para mawala yung awkward feeling na nararamdaman ko.

"He's sleeping", sagot niya naman. "You mad at me?"

"N-no". Hindi ko masasabing nagagalit ako sa kanya no. Hindi nan ako galit. Nainis lang talaga.

May inabot siya sa akin at nang lumingon ako (*o*) o-orange! Pinigilan ko yung pananabik ko na makain yun. Yung kanina sa pier na tinitingnan ko, yung malaki. Ito yung hawak ni Calum.

"W-what's that?", bulol ko pang tanong, pilit na pinipigilan ang sarili na huwag kunin yung prutas na hawak niya.

"Peace offering?", sabi niya na parang nagtatanong. Hindi ko siya pinansin."I saw you looking at it", dagdag niya pa.

Ay lintek. Sge na nga. Tinanggap ko yung orange at kinain namin dalawa yun. Dumating din si Luke at nagdala ng pagkain. Pero hindi pa rin nila nadedelete yung picture ko.

The Ways of Fate (Aussie Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon