chapter 9

10 0 0
                                    

Saglit siyang napatigil at tinitigan ako. At bigla, naramdaman kong tumama yung labi niya sa labi ko. Saglit lang pero sapat na iyon para maghatid ng init sa buong katawan ko.

Tinulak ko siya papalayo, tumayo mula sa kinahihigaan ko at tumakbo sa kwarto ko. Yung dibdib ko, ang lakas ng kumpas nito. Bakit ganito yung pakiramdam ko ngayon? Bakit niya ginawa yun?

Nagulat ako sa katok sa pinto. "Cathy?", si Calum. Kinabahan pa ako ng mas matindi. "Are you okay? I'm sorry"

Hindi ako sumagot. Naguguluhan pa ako. Nag ooveract ba ako? Hindi kasi eh. H-hinalikan niya ako. Sa lips! First kiss ko yun.

Bahagya kong hinawakan yung labi ko, sinubukan kong huminahon muna. Naglakad ako patungo sa salamin at tinitigan ko yung mga labi ko. O.a ba? Hmmm..

Hindi ko na narinig si Calum na kumakatok sa pinto. Kaya ako naman nahiga na sa kama ko. Pero, hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina.

Aish >_< akala ko ba hindi mo yun gusto Cath? Tinulak mo nga siya di ba? Eh bakit mo iniisip? Haaaay naguguluhan na talaga ako.

Gumulong-gulong ako sa kama. Nang huminto ako at napatingin nalang sa kawalan, naisip ko na naman uli yung nangyari. Yung mga matang tumitig sa akin bago niya ako hinalikan. At ang lambot ng labi niya.

::>_<:: ano ba talagaaaaaa. Ibinaon ko yung ulo ko sa unan at buong gabi kong sinubukang balewalain yung nangyari.

.........

Buong trip pabalik sa pier ng ferry boat, umiwas ako kay Calum. Kahit kay Luke hindi rin ako nakipag usap. Ayoko munang pag usapan yung nangyari.

"Sige ingat kayo ha, babalik kami next week", paalam naman ni tita na yinayakap si Luke at may sinasabi dito.

Nang sumakay na sina tita sa kotse nila, pumasok na rin ako sa kotse namin ni tito. Sa front seat ako nakaupo at para masiguradong hindi na ako mahihila ni Luke palabas ay ni-lock ko yung pinto.

Sa  sulok ng mata ko ay nahagilap ko si Calum na palapit sa sasakyan. Kunwari ay hindi ko siya nakita at kunwari ay matutulog ako.

Narinig ko si Luke na kumatok sa bintana ng sasakyan. Hindi ko siya pinansin at nagkunwari pa ring natutulog, kahit na kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Lalo na at nasa likuran ko lang ang dahilan kung bakit.

"She took my place", protesta ni Luke na ngayon siguro ay walang choice kundi maupo katabi ni Calum. Hindi ko naman narinig na sumagot si Calum. Gusto kong tingnan kung ano yung ginagawa niya. Kung pareha ba kaming nagooveract o talaga lang kayang o.a lang ako.

Nagising ako nang maramdaman kong hindi gumagalaw yung sasakyan. Hindi ko na namalayang nakatulog pala talaga ako. Lumingon-lingon ako sa paligid at napansin kong nandito pala ako sa parking lot ng isang fast food chain.

Binuksan ko yung pinto at saka naglakad patungo sa loob ngo restaurant. Bago ako makapasok ay nakasalubong ko si Calum.

"Cathy", mahina niyang tawag na parang may pag aalin-langan.

Alam kong hindi ko na to maiiwasan kaya naman ay sumama ako sa kanya kung saan nakalinya si tito para umorder at si Luke naman nakaupo sa may mesa at naghihintay.

Napansin siguro ni Luke na tahimik kami ni Calum dahil bigla siyang nagtanong, "Did somebody die?". Kadalasan kasi, kung hindi kami nagtatawanan ni Calum eh nag-aasaran kami.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag iling-iling ni Calum. May pakiramdam akong hindi  mananatiling sikreto yung nangyari kagabi.

Sa sasakyan na kami naghapunan, at kahit nun, hindi ko pa rin binigyan ng pansin si Calum, pati na rin yung mga remarks ni Luke.

Alas 7 na ng gabi nang makarating kami sa bahay. Gusto ko na talagang matulog, pagod na pagod na yung katawan ko.

"I'm gonna take a shower", narinig kong sabihin ni Luke. Nang paakyat na ako, at papasok na sa kwarto, may biglang humila sa akin. At dinala niya ako sa terrace.

"Calum, what are you doing?", tanong ko naman habang nakabitbit pa ng bag ko na hindi halatang mabigat dahil sa mga basang gamit.

Hindi niya binitawan yung pagkakahawak sa kamay ko at tiningnan niya ako sa mata. "Talk to me Cathy, please", pagsusumamo niya. Halatang pagod siya sa mga mata niyang mukhang walang tulog buong gabi.

"I'm sorry for what I did. I should've asked you first", dagdag niya pa. "Please Cathy, I know you've been avoiding me since this morning"

Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko.

"Say something", nakatitig pa rin yung mga matang tila naghahanap ng sagot.

Tumango ako, "It's okay, Cal"

Nagbuntong- hininga siya na parang hindi nakuntento sa sagot ko at tumango rin, "Ok then. Thank you, Cathy"

"Go get some sleep", sabi ko sa kanya at ngumiti ng manipis.

"You too, goodnight". Hindi niya pa rin tinanggal yung tingin sa akin.

"Goodnight"

The Ways of Fate (Aussie Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon