chapter 8

16 0 0
                                    

Nagtatawanan kami nina Luke at Kaloy sa mga pictures na kinuha nila kanina sa white island.

Kung saan-saan kami pumunta sa loob ng dalawang araw. Sa may malamig na falls, sa may cold spring na may mga isda, sa hot spring naman, tapos naglakad-lakad sa mga daan.

"Oooo that's a good one", sabi ni Luke na tinuturo yung mukha niya na nakawacky. "I look awesome"

Saka nagscroll pa si Kaloy sa mga pictures naming tatlo ni Luke habang nasa sand at sa dagat. Nakakahiya yung kulay ko sa kulay nila ha. Kung sila pumula lang, ako nasunog na talaga sa init.

Nagscroll siya ulit, pero bigla niya namang tinakpan. "Eh?", reklamo ko.

Dinelaan niya lang ako. "No peeking. Not this one"

Ngumiti lang siya at sinwipe yung picture na ayaw niyang makita ko. Ano kaya yun. Baka nakahubad na picture niya o.o

Pero nagpatuloy naman kami sa pagtingin sa mga litrato. Kahit si Luke inantok na at nakatulog na sa terrace. May mga beanbags din kasi dito.

Nadatnan kami ni tita sa terrace. "Gising pa pala kayo Cathrain", ngumiti siya at umupo katabi ng natutulog na si Luke.

Hinaplos niya yung buhok nito na halos gold na yung kulay. "Poor baby, he must be exhausted", sabi ni tita. Magkamukha si Luke at yung daddy niya kasi. Para nga siyang hindi half Pinoy kasi asul din yung mata niya at blonde yung buhok.

"Did you both enjoy the trip?", tanong ni tita para na rin maintindihan ni Calum. Tumango naman ako.

"We did. Thanks for letting me come with you Maria", si Calum. "The Philippines is really beautiful plus, I made a new friend". At bigla nalang niyang pinisil yung pisngi ko.

"Araaay!"

Tumawa si tita. "Naku makulit talaga yang si Calum, Cath. Kaya nga nagkasundo sila nitong si Luke eh kasi magkasabwat talaga sa pasaway"

Binitawan naman ni Kaloy yung pagkakahawak sa pisngi ko.

"Ah oo nga eh tita, pinagtutulungan po nila ako sa pang-aasar", nagpout ako kunwari.

"Helloooo", insert naman si Kaloy. "I'm still here, tell me what you're talking about"

Dinelaan ko siya.

"Bleeeeh, magdusa ka", sabi ko at nag evil laugh.

Matapos kaming payuhan ni tita na matulog na rin, tinapik ni tita si Luke para palipatin sa kwarto niya. At parang bata na lumakad si Luke nakasandal sa mama niya.

Kami nalang ni Kaloy sa terrace. Nakahiga sa mga beanbags habang nakatunganga sa langit na puno ng stars.

"When are you going back to Australia?", tanong ko.

Lumingon si Kaloy sa akin. "Mmm on about three weeks from now, why?"

"Wala"

"What?", nagsquint yung mata niya sa bagong salita na naman na narining.

Tumawa ako, "I said wala. It means nothing"

"Wala?", gaya naman niya. Yun nga lang, iba yung pagkakasabi niya.

"Oo", tumango naman ako.

Ngumisi siya. "I'm guessing that meant yes". Tumango ulit ako at nagtawanan kaming dalawa.

Saglit siyang napatigil at tinitigan ako. At bigla, naramdaman kong tumama yung labi niya sa labi ko. Saglit lang pero sapat na iyon para maghatid ng init sa buong katawan ko.

The Ways of Fate (Aussie Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon