Diary ng Ambisyosa

10.2K 112 60
                                    

DiaryNgAmbisyosa.

DNA | Copyright 2012

DNA #1

Dear Dyosa,

        One year na kami ng BOYFRIEND ko ngayon. Well, BOYFRIEND ko siya sa mundong ilalim. Hindi ito alam ng parents ko. Hindi rin ito alam ng mga CLASSMATES ko. Pero mas lalong hindi ito alam ng BOYFRIEND ko =___=

PROLOGUE ~

PILINGERA ..

ASSUNGERA ..

ILLUSYUNADA ..

AMBISYOSA ..

Wag niyo na namang ipamukha sa akin yan.

Bakit? LIBRE lang naman mangarap a?

Mangarap ka na maging sikat,

Mangarap ka na maging popular,

Bakit? Parehas lang naman ang sikat at popular?

Hindi kaya, Spelling palang iba na o? See?

Mangarap ka na magkaroon ng mga kaibigan na Whhooossh.. Uhh.. Magaganda..

Mangarap ka na magkakaroon ka ng mga MANLILIGAW na sandamakmak , kahit halo-halo itsura nila..

Mangarap ka na magkaroon ka ng mukhang mala-ANGHEL,

Mangarap ka na sana koreana ka na lang ..

Mangarap ka na mapapansin ka rin ng crush mo..

Mangarap ka na katulad ng mga love stories sa Wattpad , makakatuluyan mo din ang taong gusto mo,

Mangarap ka na BILLYONARYO ka,

Mangarap ka na sana pagpinahid mo ang mens mo sa mukha mo, mawawala ang mga pimples mo,

Mangarap ka na sana kumpleto talent mo,

Mangarap ka na magkaroon ka nang SUPER DUPER HOT GUY na magiging CHAPERON mo,

Mangarap ka na SANA KAHIT MINSAN MAGING PRINSESA KA,

Mangarap ka na may prince charming ka na darating at susunduin ka niya, dala-dala si DUNKEY,

Mangarap ka na sana may happily Ever After ang isang katulad mo,

Mangarap ka na - - - - 

"Ouch !!" tae! Ang sakit! BinAtukan ako. =__= Namana ko ata ito sa NANAY ko e?

"Nako Ethan!! Balak mo bang di makarating sa Chapter One sa haba ng Prulug mo??"

PRULUG? Probinsiyana ang dating sayo June Paw. Di bagay sa iyo. >__<

"Prulug? E ano yung isa? EPILUG??" saad ko.

Inirapan lang ako. Psssh! Ang taray ! >__<

"E ano naman? Marami akong pangarap e??" dagdag ko. Hindi na kasi ako pinansin =__=

Diary ng Ambisyosa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon