Side Story #1

1.7K 35 15
                                    

Diary ng Ambisyosa Side Story #1

Dedicated to @WritingGail

Hi guys! Ako ulit 'to :)))

Gusto ko sanang humingi ng tawad if hindi ko ma-beat ang taas ng expectations niyo sa Side Story ng DNA. But i did my best. 

 Yung original nito nasa He's my babysitter pero ineedit ko kaya nilipat ko na dito :)

Enjoy Reading ~

Third Person's POV

Habang magkayakap ang mag-asawa na sina Xeign at Zoey Castro ay bumabalik ang mga ala-ala nila sampung taon na ang lumipas, kung paano nakaranas si Zoey ng unang pag-ibig,

Ang unang sakit,

Ang unang pagkakataon na umasa siya sa isang lalaki,

Ang unang pag-iyak,

Ang unang pag-move-on para lang makalimutan nito ang pagmamahal,

At ang unang Pinakamasayang pangyayari sa buong tanang life niya,

Tsaka napalunok si Xeign, bigla niyang naalala ang kanyang pagsisinungaling,

Ang mga kasalanang di pa niya nagagawa sa kanyang buhay,

Ang kanyang pagsuway sa natatangi niyang magulang,

Ang pagmamahal niya sa isang babaeng di din niya inakala.

Lahat na ito nangyari sa kanilang dalawa, paano masaktan, paano umibig at paano umandar.

Siguro nga mananatiling AMBISYOSA si Zoey kung hindi ito nangyari,

Pero ano nga ba ang nangyari, SAMPUNG TAON NA LUMIPAS?

Paano kaya kung wala silang kaibigan na handang isalba ang ka-illusyunadahan ni Zoey?

Simulan natin, Sampong taon ang nakakaraan.....

Isang Prinsipeng Surot ang nayayamot sa pakikinig sa seremonyas ng kanyang ina, Si Xeign Wrylo Castro.

"Gusto kong suyuin mo siya," singit ng ina nito.

Ano pa ba ang gusto nitong gawin ng Surot? Kinuha na nito ang number ni Eunice, at siya na nga yung babaeng hindi niya makuha-kuha ang number.

Diary ng Ambisyosa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon