It's so painful to love you.
Malamig ang simoy ng hangin, tanging ang apoy lang sa harap namin ang nag bibigay init saamin, suot suot ko ang leather jacket ko ganun din si Rein na nasa tabi ko, nakapalibot kami sa bonfire at naka upo lahat sa buhangin at nag tatawanan habang nag iihaw ng hot dog, inabutan ako ng isa ni Rein nginitian ko sya gaya ng ginawa nya.
"Let's sing!!"
Sigaw ni Loki habang pinapakita ang gitara, tumango naman si Lex na may hawak ding gitara, agad naman na tumabi sakanya si Christine at may binulong, binulungan din ni Loki si Lex
"Tol nakikiliti ako sa bulong mo!"
Birong sabi ni Lex at nag panggap pang bakla nagtawanan kami sa inakto ni Lex agad syang binatukan ni Loki, pinasa ni Lex ang bulong kay Zach nag pasa pasa ang bulungan, saamin lang ni Rein di nakaabot ang sinimulan ni Christine, kumunot ang noo ko nag tatakang nag katinginan kami ni Rein, tiningnan ko si Mika na nag rereklamo pero ng tiningnan sya ni Deanne na may pag babanta sa mata agad namang natahimik si Mika. Nag simula ng mag strum si Loki at Lex, simula palang ay alam ko na ang tutugtugin nila. Madalas kantahin ni Christine to pag nahuhuli nyang nakatingin ako kay Rein naiiling at napangiti na lang ako, sinulyapan ko si Rein na wala paring ka muwang muwang. (Ikaw lang aking mahal please guys kindly play the external link >>>)
*Itanong mo sa akin
Kung sino'ng aking mahal
Itanong mo sa akin
Sagot ko'y di mag tatagal*
Panimula ni Loki na sinabayan ni Lex maganda ang boses nila, masarap pakinggan tiningnan ko ang mga babae naming kasama na nag pipigil ng tili.
"Dude tanungin mo daw si Ezra oh! mahal ka nyan manhid kalang haha!!"
Birong sabi ni Cervin at tinapik pa sa balikat si Rein, mukhang dun lang nakuha ni Rein kung ano ang mensahe ng kanta kaya napatingin saakin seryoso ang mga mata nya na nakatingin saakin, at nag iwas ng tingin, hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin ng lungkot na ng galing sa mata nya. nag lakihan ang ngiti ng mga kasama namin si Mika lang ang nakasimangot, nag sabayan na ang lahat sa pag kanta of course except kay Mika.
*Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman*
Sinabayan ko ang pagkanta nila at tiningnan si Rein, unti unti nyang ibinaling saakin ang kanyang malalim at magandang mata, na lalong gumaganda dahil sa reflection ng apoy, lalong na didipino ang matangos nyang ilong dahil sa ilaw na ng gagaling sa apoy, lalong gumaganda saaking paningin ang kanyang mga labi, ang buhok nyang itim na taas taas at medyo nagulo na dahil sa lakas ng hangin dahilan para lalo syang gumwapo, ang magandang hugis ng panga nya it's so perfect, Rein why do you have to be this perfect? why I love you so d*mn much? why I'm falling so deep? why it's so hard to resist it? why can't you do the same? walang bumitaw sa titigan naming dalawa, masyadong nakakadala..
"WOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!"
Sigawan nila at sabay sabay na nag tayuan at nag cheers ng beer at sabay sabay na uminom at nag palakpakan.
natawa ako dahil hindi ko man lang namalayan na tapos na ang kanta, natatawang na pa iling na lang ako. at tinungga ang beer na hawak ko na nasa pulang cup. Muli kong sinulyapan si Rein na seryosong nakatitig sa pulang cup na hawak nya bago tinungga, at tumingin sa mga kasama namin pilit syang ngumiti sa lahat. May problema ba Rein?

BINABASA MO ANG
Would I still choose you?
Fiksi RemajaEvery morning we have two choices. Continue your sleep with dreams, or wake up to chase your dream, and I always chose to wake up and chase my dream. My dream is this guy who seems so far, he's impossible to reach, but I would do anything to get hi...