Chapter Five: Rain

74 3 0
                                    

For The Last Time ..

I run, run and keep running hoping that I could escape from this pain .. hoping na sana kada hakbang ko malalaglag sila, but I was wrong the pain never go away.

I keep running hanggang sa hindi ko na kaya, hanggang sa kusa ng bumigay ang tuhod ko, hanggang sa nadapa ako at hindi na nakayanan pang tumayo masakit ang katawan ko sa pag kakadapa ko pero wala ang sakit na to kumpara sa sakit ng puso ko .. why love have to be so painful? gusto lang naman mahalin sya, gusto ko lang naman na mahalin nya rin ako, mahirap bang ibigay sakin yon? masama ba kong tao? hindi ko ba deserve sumaya kahit sandali lang? unti unti akong umupo at marahang umiyak, itinakip ko ang aking palad saaking mukha .. gusto ko na lang iiyak ang lahat, umaasa na sana pag katapos nito, wala ng susunod pang sakit ang hirap kasi.. hindi ko na kaya.. Unti unting bumuhos ang malakas na ulan na para bang nakikiramay sa nararamdaman ko, maingay at malakas ang ulan, na sinabayan ng pag iyak ko .. damang dama ko ang malamig ng tubig at malamig na simoy ng hangin na humahampas sa buong katawan ko, mabilis na nanginig ang katawan ko dahil sa lamig at sakit.

Maya't maya pa'y may naramdaman akong init na bumabalot sa saaking katawan, mabilis na tumibok ang puso ko, na kasing bilis ng tibok ng puso ng taong yumayakap saakin ngayon.
Mag kasabay at mag kasing bilis, para bang iisa lang ang puso namin, pero sana iisa lang din ang nararamdaman.. hindi ko na kinailangang lingunin o tingnan kung sino ang yumakap saakin, sa bango at init palang ng katawan ay alam na alam ko na kung sino to..
Ezra I'm sorry.
Kalmado ang boses nya pero kabaliktaran non ang higpit ng pag kakayakap nya saakin.
Unti unting nawala ang panginginig ng katawan ko sa init ng yakap nya, kumalma rin ang pag iyak ko na kasing kalma ng boses nya. Para bang inuutusan ng katawan nya ang katawan ko sa mga bagay na dapat nitong gawin, sa bagay na dapat nitong maramdaman. Nakakatawang isipin na yung taong nag bigay ng sakit sayo, e sya rin pala yung taong may kakayahang makapag paalis nito.
Niyakap ko sya pabalik at isinubsob ang aking mukha sa mainit nyang dibdib at doon umiyak, masakit parin, at mas lalong sumasakit.
Rein, sinabi mo ba talaga na mahal mo sya?
Tanong ko sakanya, humigpit ang yakap ko sakanya, natatakot sa maaari nyang isagot.
Yes .. 
Mahina ang boses nya, pero ang lakas naman ng hampas sa puso ko! fvck! durog na durog na  oh! di man lang dineny! d*mn it! ang daya naman! bakit sakanya, at hindi saakin?
Why? Do you really love her? Rein?
I hopelessly ask
She ask me to do it, Her parent and my Mother are good friend,
Gusto pag samahin ng magulang ni Mika ang business ng pamilya nila, sa business namin, My mother wants me to marry Mika, to earn Capacite's trust, and I can't ignore my Mother request. That's the first time she talked  to me, after my father died.. because of me. I break her heart once, I won't break her again.. Minsan nya lang ako kinakausap Ezra and I'm really glad na hindi nya pa pala ako nakakalimutan. It was five years ago... ng pinagkasundo kami ni Mika, I'm sorry... kung hindi ko sinabi, I'm so scared na .. baka layuan mo na ako.
hinigpitan ko ang yakap ko sakanya natatakot na baka mawala sya. Sasaya ba sya kung pakakawalan ko sya? ayoko! hindi ko kaya, lalong humigpit ang yakap ko sakanya sa pag iisip na maaring eto na ang huli, natatakot akong pag katapos nito, mawawala na ang lahat.
Malakas naman ang company nyo Rein! Kahit wala ang mga Capacite! Rein pwede namang saamin nalang!  Pwede namang ako nalang ..
Alam kong masyado na kong nagiging desperado pero wala na akong pakelam, I want him, I need him! and I can't stop crying.
Ezra you know, that our company are the number one rival here in manila.
He said at inayos ang buhok na humaharang saaking mukha.
Yun lang ba ang problema? makikipag ayos kami, pipilitin ko si Dad na makipag ally sa company nila, kung yun lang ang kaylangan. I'm all in! I'm desperate!
Bakit hindi mo sinabi saakin ng mas maaga? bakit ngayon lang? edi sana matagal na kong tumigil! edi sana hindi lumalala ng ganito! edi sana, pinilit kong kalimutan ka! kahit na--
Kahit na imposible, hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil sa pag babara ng lalamunan ko. Gustong gusto ko sya hampasin at sisihin sa lahat ng nararamdaman ko, pero paano ko gagawin yon? kung mismo sa sarili ko alam ko na, kahit sabihin nya saakin na mag papakasal sya sa iba ngayon, ay wala akong pakelam, handa akong ipa kidnap sya at pasabugin ang buong simbahan nayon, wag lang sya makasal sa iba, hahabulin ko sya kahit na putulan nila ako ng paa, para lang pigilan ako gagapang ako! kahit putulan nila ako ng kamay, mag sisigaw ako ng walang sawa! kahit tanggalin nila ang dila ko, titigan ko sila hanggang sa mamatay sila! kahit na tanggaling nila ako mata, walang makakapigil saakin, akin sya! akin sya dapat .. ng hihinang niluwagan ko ang pag kakayakap ko sakanya.

Would I still choose you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon