I open my eyes
I try to see but I'm blinded
By the white lightI can't remember how?
I can't remember why?
I'm lying here tonightParang tuksong nag-play ang kantang Untitled ng Simple Plan sa isip ko nang magmulat ako ng mata.
At bakit nga naman hindi, eh literal na puro white ang namulatan ko, from up to the ceiling down to the floor, right to the window and left to the door! Ilang segundo pa ang nakalipas nang marealized ko na nasa hospital room pala ako.
Anak ng--! Anyare? Bakit ako nandito?
At parang automatic na nagflash-back ang lahat.
Dug dug. Dug dug. Dug dug.
Parang slow motion ko pa nakita ang batang tinawag niyang Nicko na tumakbo nang mabilis. Nasa kabilang side sila ng kalsada na kaunting lakaran lang ay makikita ang Mini Park. Malamang na doon sila nanggaling base na rin sa direksyon ng pinanggalingan nila. May paparating na sasakyan at alam kong hindi marunong tumawid ang bata, halatang nakipaglaro lang ng takbuhan.
Wala na akong time na mag-isip pa. Para akong sinaniban ni superman nang tawirin ko ang kalsada.
Diyos ko! Give me strength.
Kaunting distance na lang...
Malapit na...
I reached for him. Itinulak ko ang bata sa gilid ng kalsada na sakto namang nasalo ng babaeng tumatawag sa kanya.
Preno ng sasakyan... The woman screaming... And then everything went blank.
Saktong bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang babaeng natatandaan kong kasama ng bata bago ako nawalan ng ulirat.
"Oh, thank God! You're awake" bulalas agad ng babae.
Napatitig ako sa kanya at literal na napatulala.
Ong gondo gondo niya... Parang model ng isang fashion magazine. Maputi ito, makinis at halatang hindi puchu-puchu ang breeding. Parang artista...basta as in maganda! Nakasuot lang ito ng simpleng white blouse, skinny jeans at flats pero wag ka! Sosyal parin ang dating! Kahit siguro pasuutin mo ng duster ay magmumukha parin itong chiffon dress.
Nga nga!
Speechless parin ako nang umupo ito sa upuang nasa bandang kanan ng kama. Noon ko lang napansin ang hitsura ng kwarto. May sofa, may tv, may sariling CR at sink.
Itataya ko lahat ng split ends ko na nasa private hospital room ako.
Nabalik ang atensyon ko sa babae nang kunin nito ang kamay ko at teary-eyed na tinignan ako. She was about to cry.
"Thank you soooooo much for saving my son. And im thankful that God saved you too. Thank you... I know it's annoying but i just can't help but thank you for saving my Nicko. You are such an angel." mariin niyang pinisil ang kamay ko at naramdaman ko kung gaano nito kamahal ang anak at kung gaano kalalim ang sincerity niya habang dumadausdos ang mga luha niya.
Nahawa na rin ako kaya maluha-luha akong nagsalita.
"Wala po 'yon... And mahalaga ay ligtas ang...si Nicko"
Nakangiti na siya.
"May masakit ba sa'yo?" maya-maya ay tanong niya.
Sinubukan kong gumalaw, naramdaman kong medyo masakit ang balakang ko na hula ko ay nabangga ng hood ng sasakyan na muntik nang ikapahamak ni Nicko.
BINABASA MO ANG
The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's Lair
RomanceHe's the king. His name speaks the blatant truth. King Alejandro dela Rosa Montereal. Gwapo. Matalino. Hot. Rich... VERY VERY RICH. He's every woman's dream, but also their every heartache. Dahil sa isang masakit na karanasan sa pag-ibig, ang dating...