Chapter 18. Family Dinner?

21.6K 578 4
                                    



"GOOD MORNING KISAME!"

"GOOD MORNING PADER!"

"GOOD MORNING KUMOT, UNAN, KAMA!"

"GOOD MORNING!"

Wala eh... maganda ang gising kaya... Walang basagan ng trip. ^___^

This is a woman in love!

Ahhh...

Inat-inat muna bago bumangon.

Hang sharap... O___O

Excited tuloy akong pumasok sa office para naman masilayan ko na ang napakatamis na ngiti ng aking Hari...

Ganito pala ang ma-inlove. Para kang nakalutang sa ere. Para kang naka-high, nakalalasing! Parang nakahiga sa clouds!

Hay...ang sarap palang ma-inlove. ^__^ Sana ganito na lang araw-araw. Sana forever...

Anyways, bangon-bangon din. Naghanda na ako ng almusal at pagkatapos kumain ay naggayak-gayak na ako para pumasok.

"La la la la la la...la la la..."

^___^ It's a beautiful day.

Pagkatapos magbihis ay pumunta ako sa kusina para buksan ang ref. Napangiti ako nang makita ko ang rose at chocolates na nasa loob. Ayoko kasing malanta agad ang rose kaya inilagay ko sa ref. Walang basagan ng trip. He-he >__<

Maaga pa pero excited na talaga akong pumasok kaya palabas na ako ng unit nang pagbukas ko ng pinto ay bumangga ako sa isang malaking bulto ng tao.

"Awww..." hinaing ko habang sapo ang noo kong bumangga sa matigas na dibdib ng kaharap ko.

"Im sorry, I didn't mean to turn up out of the blue. Are you ok?"

Well, what can I say? The very person I was dying to see this morning was just right infront of my door. Wala nang igaganda pa ang araw ko.

"Im fine, what brings you here so early in the morning?"

"I was just planning to ask you na sabay na tayo pumasok, if that's ok with you?"

Ahah... Ngayon naman sinusundo niya ako. MU? >__<

Tatanggapin ko ba o tatanggihan ko? To go or not to go?

Hmmm...

Kung tatanggihan ko, baka magwalk-out na naman siya. Baka masira na naman ang mood niya o di kaya ay magsusungit na naman. Kaya sa ikabubuti ng lahat ay tatanggapin ko na lang para hindi ko na kailangang i-justify ang sarili ko. Sayang naman ang effort niya. Hi-hi. >__< Masyadong maganda ang araw ko para sirain ko lang kaya...

"S-sige..."

Pagkatapos ay sumilay ang ngiti niya na sa hinagap ay inakala kong hindi ko makikita.

Hay...buhay... Ang sarap-sarap mabuhay...

"Ok, let's go."

Tumango ako at sabay na kaming naglakad papunta sa elevator, but this time ay hindi ang private elevator ang ginamit namin. Nagtataka man ako ay hinayaan ko na lang. Pagkababa namin ay diretso kami sa parking lot. Maraming taong bumati kay King at nakakagulat na ginantihan niya ang mga iyon ng ngiti. Manghang nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi niya ginagawa 'yon dati. Dinededma lang niya ang sinumang madaanan niya noon with the darkest of his mood.

Nag-iba na yata talaga ang ihip ng hangin.

I like it. ^___^

Maya-maya ay lulan na kami ng kotse niya. Kinilig naman ako dahil ipinagbukas pa niya ako ng pinto.

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon