All set!
Isang malaking maleta at isang back pack lang ang mga dadalhin ko sa...
San na nga ba 'yon? Iyong address ng condo ni Dove?
Basta doon!
Hays...halos hindi na ako nakatulog magdamag dahil na nga siguro sa excitement ko. Maaga na rin akong naligo at naghanda., kahit alas-sais pa lamang ng umaga.
Pero ang weird lang na parang sirang plakang paulit-ulit na nag-play sa isipan ko ang lalaki kahapon. Parang hindi na naalis sa utak ko.
Normal lang kaya 'yon?
OK na sana pero hindi man lang tinubuan ng pagka-gentleman sa katawan. Hindi naman ako nagtataray ng ganun-ganun na lang pero kasi...
Nasira talaga ang moment ko.
Tss...
Hindi rin pala nangyayari sa totoong buhay ang mga ka-etchosang pinapalabas sa mga romantic movies na yan. Paasa naman... -_-
Ang mas nakakainis pa ay sabay na nag-react ang heart and mind ko.
Normal din kaya iyon?
Erase. Erase. Erase.
Hindi ko na dapat iniisip ang damuho na 'yon. Dapat ang isipin ko ay...
GOOD VIBES! ^__^
Minsan ko pa sinuri ang mga kagamitan sa bahay kung may nakasaksak o ano, so far ayos naman ang lahat.
Mami-miss ko talaga ang home sweet home namin. Mahaba-habang adjustment din ang gagawin ko. Lalabas na rin ako sa wakas sa lungga ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang photo frame na nakapatong sa ibabaw ng divider. Litrato 'yon nina Mama at Papa noong ikinasal nila. Napakaganda ng mga ngiti nila habang nakayakap sa isa't isa.
Someday...I'm also going to marry the man I love and be the happiest. Ang sarap siguro sa pakiramdam...
Ang ganda-ganda ni Mama sa kanyang wedding gown habang gwapung-gwapo naman si Papa sa kanyang suit. Syempre, thankful ako kasi lumabas ako sa mundo na taglay ang gandang Delgado at Alonzo. :D *segway
Kung mayroon man akong ipinagpapasalamat sa mga makabagong technologies ngayon, iyon ay ang pagkakaroon ng camera.
It can capture something so precious and it lasts for a very very long time. Parang magic...kahit hindi ka pa nag-e-exist noon ay parang ibinabalik ka nito sa nakaraan. A glimpse of the past...
Bumagsak ang luha ko. Parang gusto ko tuloy magback-out dahil ayokong iwan ang bahay kahit pa ibinilin ko ito kay Aling Floring, ang matalik na kaibigan ni Mama sa buong neighborhood. Pero kailangan kong i-push 'to, walang weak-weak.
Kinuha ko ang picture nina Mama at ipinasok sa bag para kapag pinanghihinaan ako ng loob ay may motivation ako. Naging ugali ko na kasi ang titigan ang mga mukha ng parents ko kapag feeling ko babagsak na ako. Mabuti na 'yong may pinaghuhugutan ako para fight lang ng fight!
Maya-maya ay may nagbusina sa labas. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang pamilyar na sasakyan. Bumaba si Manong driver. Dali-dali naman akong nagbuhat at naglabas ng mga gamit.
"Ma'am, ako na po." agap ni Manong driver sabay buhat ng mga iyon.
Ma'am? Kaloka...parang ang tanda ko naman, at saka hindi naman ako ma'am niya. Mag-uusap kami ni Manong tungkol diyan mamaya.
"Sige po kuya, magkakandado lang po ako."
Few minutes later, nasa byahe na kami. Ewan ko kung ilang oras ang byahe. Nag-ring ang cp ko at sinagot ko.
BINABASA MO ANG
The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's Lair
Storie d'amoreHe's the king. His name speaks the blatant truth. King Alejandro dela Rosa Montereal. Gwapo. Matalino. Hot. Rich... VERY VERY RICH. He's every woman's dream, but also their every heartache. Dahil sa isang masakit na karanasan sa pag-ibig, ang dating...