25 missed calls...Susmaryosep!
I'm dead!
I am so dead!
Napasulyap ako bigla sa wrist watch ko.
Alas singko na ng hapon!
Malamang nakauwi na si King at baka hinanap ako bigla. Halah...
Tinignan ko ang messages ko.
*Where are you? *Why aren't you answering your phone? *What are you doing? *Call me when you get this. *Hey, baby. Where are you? *Please, call me. *Beep me back. *Are you busy?
At may labinlimang texts pa ang hindi ko nababasa.
Natampal ko ang noo ko.
Naka-silent kasi ang cp ko.
Dali-dali ko siyang tinawagan.
Trrrt. Trrrt.
Trrrt. Trrrt.
Trrrt. Trrrt.
...
...
The number you have dialled is---
Shit!
"May problema ba?" sumulpot si Jerome sa likuran ko.
MERON!
Kalalabas lang namin ng sinehan at noon ko lang naalalang tingnan ang cp ko.
"Ah...mauna na ako ha? Naku, sorry...bawi talaga ako next time. May kailangan lang akong puntahan. Sige, salamat. Bye!" paalam ko sa kanya at dali-dali na akong umalis.
Lakad-takbo ako. Malapit lang naman ang uuwian ko kaya hindi na ako nagtaxi o ano. Para akong dadalo sa isang court hearing. Kumakabog ang dibdib ko na hindi mawari.
Malapit na...
Ilang minuto pa ang nakalipas at narating ko rin ang patutunguhan ko.
Thank goodness!
Sakay na sa elevator dali!
TING!
Pakiramdam ko ay isa akong gladiator na isasalang na sa combat.
And...whew!
Home sweet home...
Hindi ko siya mahagilap kahit saan.
And what did you expect? Maghihintay pa siya sayo pagkatapos mong dedmahin ang celphone mo?
Kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto. Inaasahan kong baka naghihintay naman siya sa loob kasi pag-aari naman niya ang building na 'to, madali lang naman niyang makukuha ang duplicate key ng unit.
Pero hinanap ko na siya sa buong unit, wala siya.
What did I expect?
Malamang masama na ang loob niya dahil nakailang tawag at text na siya eh hindi ko manlang nasagot ni isa.
Naku Twilight Alonzo, kay ganda-ganda na ng love life mo...
Napansin ko ang isang maliit na note na nakatupi sa paanan ng pinto. Parang inilusot lang sa giwang niyon. Pinulot ko ito at inayos mula sa pagkakatupi.
Just dropped by.
Lang? Just dropped by lang? Masama nga talaga ang loob niya. Wala kasing nakalagay na term of endearment kagaya ng kapag nag-iiwan siya ng note at saka may kasama laging rose.
BINABASA MO ANG
The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's Lair
RomanceHe's the king. His name speaks the blatant truth. King Alejandro dela Rosa Montereal. Gwapo. Matalino. Hot. Rich... VERY VERY RICH. He's every woman's dream, but also their every heartache. Dahil sa isang masakit na karanasan sa pag-ibig, ang dating...