Years later...
HALOS mag-uumaga pa lang kaya madilim pa ang paligid. Mula sa silid niya ay walang tunog na pumasok maliit na banyo nila si Honey para maligo. Alas siyete ang pasok niya sa eskuwela pero sinasadya niyang agahan ang pag-alis. Hindi niya gustong maiwan sa bahay. Sasabay siya sa pag-alis ng kanyang ina. Nagbabahay-bahay ito para magtinda ng isda at gulay. Gusto niya sa kahit saang lugar huwag lang sa bahay na iyon ng stepfather niya.
Pumasok si Honey sa banyo at isinara niya ang pinto. Ibinaba ang kurtina at hinanap niya kung may mga bago na namang butas sa dingding. Mula nang lumipat silang mag-ina roon ay hindi na natahimik ang buhay niya. Lagi na ay natatakot siya at kinakabahan. Pakiramdam niya ay laging nakatutok sa kanya ang mga mata ng kinakasama ng ina. Paano namang hindi siya makakaramdam ng ganoon gayong hindi iisang beses niya itong nagisnan na nakatitig sa katawan niya at nakangisi ang stepfather. Lagi rin nitong inaabangan na mapapahiwalay siya sa nanay niya, bagay na hindi naman hinahayaan ni Honey. Sa bawat paglipas ng araw ay mas tumitindi ang takot niya. At kagabi, nagisnan niya itong hinahaplos ang mga binti niya. Salamat na lang at nagising ang ina sa pagtili niya. Inunahan siya ng hayup sa pagpapaliwanag sa nanay niya—ginising raw siya nito dahil nananaginip siya ng masama. Manginig-nginig na nagsumiksik siya sa dingding. Naragdagan ang takot ni Honey. Sinasabi na lang niya sa sarili na malapit na ang graduation. Matatapos na ang paghihirap niya.
May biglang kumalabog sa labas. Napasandal siya sa dingding ng banyo. Nilukob na naman siya ng takot. Mayamaya ay nakaramdam siya ng pangangatog ng tuhod. Mariin siyang pumikit at kinapa sa bulsa niya ang patalim. Nang mahawakan niya iyon ay humupa kahit paano ang pakiramdam niya. Maipagtatanggol niya ang sarili gamit iyon.
Napatili si Honey nang may malakas na kumalabog sa pinto ng banyo!
Iba na ang kasunod na eksenang nakita niya—duguan ang damit at kamay ng nanay niya habang hawak ang matalas na kutsilyo na inaagusan pa ng sariwang dugo. Luhaan ito at nakatitig sa kanya. Tumaas bumaba ang dibdib niya sa naghahalong emosyon. Nag-umpisa siyang manginig. Pagbaling niya sa sahig ay naroon ang stepfather niya, naliligo sa sarili nitong dugo!
Ang lakas ng pagsigaw niya...
BINABASA MO ANG
Heart's Deception(Ben And Honey) PREVIEW ONLY
عاطفيةLovefinder book 13 Unedited First draft.