Armina
"Ate! Ate Armina...!'"
Napangiwi si Armina ng makita niya ang masayang mukha ni Kresela. Panay ang kawag nito sa maliit na papel na hawak nito. Waring iyon ang bagay na nakapagpapahibang dito.
"Bakit ba panay ang tili mo?"
Malumanay niyang tanong sa kapatid, na ikinaningning naman ng mga mata nito.
"Ate pauwi na si Jocas! Pauwi na sya! Nagpadala sya sakin ng telegrama. Ang saya-saya ko..!" Nahinto siya sa pagngiti at matamang tiningnan ang masayang mukha ng kanyang kapatid.
Imposible!
"Kresela? May relasyon ba kayo ni Jocas?" Bigla ay tanong niya.
Saglit itong huminto sa pagtili at tumitig sa mukha niya. Nagkagat pa ng labi na waring nasukol dahil sa pagiging malihim. Nagbara ang lalamunan niya sa naging reaksyon ng kapatid. Pero higit na nakaramdam ng pagkaguho sa naging pagtugon nito.
"O-oo ate, matagal na since college ako, uuwi sya para makausap si Lola. Nagpropose na kasi siya sakin."
Napatingala siya ng tila may nais tumakas na luha sa kanyang mga mata matapos marinig ang tugon na iyon ng kapatid, unti-unting nanikip ang kanyang dibdib.
Ang sakit..
Ito ba ang kapalit ng lahat? Napailing-iling siya matapos ay inalis ang bara sa kanyang lalamunan.
Hinarap niyang muli si Kresela.
"Kaylan ang dating nya dito sa atin?"
Tanong niya sa pilit pinakalmang boses. Kahit sa likod niyon ay handa ng bumigay ang itinatago niyang emosyon.
"Sa makalawa na Ate."
Pinilit niyang ngumiti bago marahang tumango.
"Ganun ba? Sige na, ipaalam mo na kay Lola, tiyak na matutuwa 'yon."
Tumalima naman ito at agad ding tumalikod.
Sa pagkawala ni Kresela tuluyan ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Luha ng kabiguan. Ilang saglit siyang nakatulala sa kawalan habang hilam sa luha ang kanyang mga mata.
"Armina? Ayos ka lang ba anak?"
Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha ng maramdaman niya ang paglapit ng kanyang abuela.
"Ganito po pala ang pakiramdam Lola? Parang may punyal sa dibdib ko." Niyakap siya ni lola Mela. Hinagod nito ang likod niya na lalong nagpaluha sa kanya. Nararamdaman niya sa mga haplos nito ang pakikisimpatya.
"Baka makita po ako ni Kresela sa ganitong ayos?" Sinikap niyang pakalmahin ang sarili. Ngunit nagpatuloy pa din ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya kinaya ang emosyon, nagsimula na siyang humikbi. Naging mahigpit ang pagyakap sa kanya ng kanyang abuela. Hinagod nito ang likod niya upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya.
"Umiyak ka lang anak, umiyak ka lang. Tiyak na bukas mas magiging matatag kana."
Sana nga.. Pero alam ni Armina na mahihirapan siyang gawin iyon.
Dalawang araw ang lumipas. Tiniyak ni Armina, na handa na siyang harapin ang isang matinding kabiguan.
"Ate nariyan na sa ibaba si Jocas."
Tumango siya sa kanyang kapatid. Inihanda niya ang sarili na harapin ang katotohanan. Bumaba siya at hinarap ang kanilang bisita. Nakatingin siya ng tuwid kay Jocas. Walang bakas na emosyon sa mga mata nito. Pero sa loob niya, alam niyang sinisisi siya nito.

BINABASA MO ANG
TSM-1 Kevin Santillan (Completed)
Короткий рассказSubaybayan kung paano uusbong ang pag-ibig ni Armina, sa isang lalaki na bigla na lang naging parte ng buhay niya. "Never akong nagsinungaling, na mahal kita." General Fiction Started: 07-07-17 Ended: 06-05-19 saharazina