Kabanata 5

616 42 0
                                    

Kevin

NAILABAS na ni Kevin sa ospital si Mina. Sa halip na sa kanilang bahay tumuloy. Mas pinili niyang dalhin ang asawa sa bahay bakasyunan nila sa Davao. Mas tahimik at mas makapagpapahinga ito roon. Gusto din niyang marelax pati ang isip niya sa mga bagay na nangyari nitong mga nakalipas na araw.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa asawa na nakamasid lamang sa paligid. Kita niya ang pagkamangha sa mga mata nito. Iyon palang ang ikalawang beses na dinala niya ito roon. Iyong unang beses, ay noong maaksidente ito dahil sa kanya. Hindi rin naman sila nagtagal, dahil ng magising ito ay panay naman ang iwas sa kanya, na para bang isang masamang tao ang nakikita nito.

Mas pinili niyang dalhin ito sa bahay niya sa Laguna, hanggang sa lumipas ang tatlong taon. Wala mang nagbago sa nakalipas na tatlong taong iyon, dahil sa pagkailang nito sa kanya. Nagpapasalamat pa rin siya dahil nanatili ito sa tabi niya at hindi siya iniwan.

"Pinabago ko ng kaunti ang disenyo, noong unang beses kasi na dinala kita dito, natakot ka kaya pinabago ko ang sala at mga kwarto."

Pahayag niya na ikinalingon nito sa gawi niya. Inakbayan niya ito, bagay na hindi naman niya madalas gawin.

Pero hindi sa mga susunod na araw. Dahil hindi na siya mag aalinlangan na gumawa ng mga bagay na alam niyang magpapasaya naman sa kanya.

Sa mga pagbabagong nangyayari ngayon sa asawa niya. Mas pipiliin na lamang niya ang gumawa ng mga kapangahasan. Gagawin na niya ang mga bagay na hindi niya ginagawa noon. Gusto niyang magkaroon ng masayang alaala na kasama si Mina.

Kahit pilit lang ang lahat. Kahit hindi nito suklian ang pagmamahal niya.

"Nagustuhan mo ba mahal ko?"

Napalingon itong muli sa kanya, matapos ng saglit na pagmamasahid.

Nakikita niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Pero hindi naman niya iyon mapangalanan.

Tipid na lamang niya itong nginitian, matapos ay inaya na niya itong pumanik sa kani-kanilang silid para iakyat ang kanilang mga gamit. Gusto na din niya itong makapagpahinga.

"Pinalinis ko na ang kwarto mo." Wika niya sa asawa ng maibaba ang gamit nito.

Mula ng magsama sila ng asawa sa loob ng tatlong taon. Hindi pa sila nagtabi sa iisang silid. Kadalasan inaantay lang niya na makatulog si Mina sa inilaan niyang silid para dito. At nakikiligo sa banyo sa kwarto nito na konektado sa pinto ng kwarto niya. Lalabas lang siya sa silid nito pag alam niyang payapa na itong natutulog. Ang unang beses na nagtabi sila ni Mina ay noong bago sila mamasyal kasama si Kresela at Jocas. At hindi na ulit iyon nasundan. Naging busy na kasi siya sa opisina tapos na aksidente pa ang asawa.

Ayaw din naman niya itong pilitin sa isang bagay na hindi nito nakasanayan. Isa pa nangangamba siya na baka matakot ito at maging dahilan pa iyon para iwan siya nito.

Noon kasi halos iwasan na siya nito sa tuwing nagkikita sila, kahit nasa iisang bubong lamang sila nakatira. Masyadong mailap noon si Mina.

Kaya nga mas madalas siyang nasa opisina sa halip na manatili sa loob ng bahay, para hindi siya nito laging nakikita. Nitong taon lang nasanay si Mina sa prisensya niya.

"Arrhh...aaamm..." Agad niyang binitiwan ang hawak niyang bag saka mabilis na nilapitan si Mina ng marinig ang ungol nito. Parang may nais itong sabihin.

TSM-1 Kevin Santillan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon