Kabanata- 3

639 40 0
                                    

Kevin

TATLONG gabi ng hindi nakakauwi si Kevin ng bahay, dahil na rin sa mga importanteng problema na kailangan niyang asikasuhin sa kumpanyang pag aari niya. Mahigit tatlong libong tao ang umaasa sa kanya, kaya naman kailangan niyang pansamantalang ituon ang atensyon sa kumpanya.

Hindi siya umuwi kahit saglit sa bahay nila ng asawa. Ni hindi rin niya ito nagawang tawagan o padalhan ng mensahe. Hindi rin natuloy ang pagpunta sana nila sa mall kasama ang kapatid nito. Dahil nga nag aya nang umuwi ang asawa ni Kresela. Gusto man niyang ipasyal ang asawa, bigla namang tumawag ang sekretarya niya. May aberyang nangyari sa opisina na dapat niyang ayusin.

Nakaupo siya sa kanyang swivel chair at maingat na hinihilot ang kanyang sintido. Sumasakit ang ulo niya sa dami ng mga tambak na papeles na kailangan niyang pirmahan at basahin. Marami siyang pag aaring lupa at ibinibenta niya ang mga iyon. Kasama na ang ilan sa mga housing loan na ibinibenta ng kumpanya niya.

Nagkaroon ng aberya dahil sa pang gigipit ng mga developer na hawak nila sa mga ahente ng kumpanya niya. Hindi naibibigay ng tama ang mga kumisyon at mga incentive para sa mga ahente na nakakapagpasok ng malaking benta sa kumpanya nila. Milyong halaga na nauwi lang sa wala! Ngayon ay ang mga tauhan niya ang namomoblema. Umatras din ang ilan sa mga kliyente nila at lumipat sa ibang realty. May mga developer na bukod sa hirap magbigay ng kumisyon, pinahihirapan pa ang mga buyer nila sa pagpasa ng mga requirements.

Kaya kahit gusto niyang umuwi at mas piliing makasama ang kanyang asawa, naroon siya sa opisina niya at sinusolusyunan ang problema ng kumpanya.

Siya ang nag mamay ari ng pinakamalaking realty sa bansa, ang Santillan Realty Company. Respetado ang kanyang kumpanya. At hindi magdudulot ng maganda sa mga future client nila ang nangyayaring aberya ngayon sa kumpanya niya. Kailangan niyang masulusyunan agad ang problema. Lalo na ngayon kung saan marami sa mga kliyente nila ang nagpa cancel ng reservation sa kumpanya nila.

Mabuti na lang talaga at kahit paano, matiwasay ng nakalipat sa Sky Village ang ilan sa mga kliyente nila.

Sabagay, sarili naman niya iyong lupa. Wala silang maibibigay na problema sa mga bumili sa kanila ng bahay at lupa dahil siya mismo ang nag mamay ari niyon. Pinsan niya ang gumagawa ng disenyo ng mga bahay na ipinapatayo sa Sky Village. Lahat dumadaan sa kamay nito, kaya hindi siya nag aalala. Napabuga siya ng hangin saka inis na sumandal sa swivel chair niya.

Nasa ganoon siyang pusisyon ng biglang pumasok sa opisina ang humahangos niyang sekretarya.

"Sir?"

Kunot ang noo niyang tiningnan ang sekretarya niya. Kita niya ang pangamba sa mga mata nito matapos ang paghinga ng ilang ulit.

"Anong problema Irene?"

Nahalata niya ang pagkaputla sa mukha nito kaya hindi niya maiwasang hindi kabahan.

"Sir tumawag po ang katulong sa bahay nyo ang asawa nyo daw po. K-kas-"

"Ano nga!"

Iritado niyang putol sa sinasabi nito kinukutuban siya ng masama. Nang hindi pa din ito nagsasalita, marahas na siyang tumayo. Sa lahat ng ayaw niya ay ang binibitin siya sa mga impormasyon. Nilapitan niya si Irene. Mas dumoble ang pagkaputla sa mukha nito dahil sa nakikitang anyo niya.

TSM-1 Kevin Santillan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon