CHAPTER 6
Maris' POV.
2 weeks later....
I spent the whole sembrake with Daniel, ang saya talaga nung mall moments namin... Puro kami kain, nood sine, at window shopping. Kaya mag-expect nalang ako na tataba na ako this November. Meron pa namang 1 week... Anong gagawin ko?
Hmm, medyo nagsasawa na rin ako sa mall eh... Saan ako pupunta?
Ah! Alam ko na, Tatawagan ko nalang si Daniel and ask kung saan siya ngayong sembreak...
I grabbed my phone and dialed his number.
''Hello, Maris? ano kailangan mo?'' sumagot na si Daniel
''Umm, Dan. Saan mo balak i-spend ang last 1 week ng sembreak?'' tanong ko
''Pupunta ako sa Eden Garden, Medyo malayo-layo. Pero part pa rin yan ng Davao... Sama ka?''
''Try Ko lang if papayag si Mama... Cge Bye!'' binaba ko na ang linya
Pumunta ako sa kwarto ni mama, tinanong ko if ok lang kung sasama ako kay Daniel sa Eden
''Oo nak, Ok lang basta kasama mo si Ate ha? na-alala mo pa ba si tita Anna? doon siya nag-ta-trabaho.'' sagot ni mama
Yes! kasama pa si ate.. Oks lang ako kung kasama ko si Ate kasi feeling ko may nag babantay saakin haha... Pati si Tita Anna, close friend yan ni mama. Mabait siya, kaya siguro pumayag si Mama
''Sige Ma, salamat! sasabihan ko na rin po si Ate na maghanda...'' tumakbo ako palabas
Pagkatapos kong pumunta sa kwarto ni Ate, tinawagan ko ulit si Daniel
''Yo, Maris? Payag ang mama mo?'' sumagot si Daniel
''Oo Dan! basta kasama si Ate.''
''Good! Kasama ko rin ang ate ko... Bukas na tayo aalis. Kita nalang tayo sa may shop sa school banda...'' sagot ni Daniel
''Sige, Sige.. Salamat.. Bye!'' binaba ko na ang linya
Kinabukasan...
Pagkatapos naming kumain at naligo, agad kaming umalis...Pumunta na kami doon sa meeting place namin, agad ko namang nakita si Daniel
''Daniel!'' I waved my hand
He waved back... then we ran papunta sa kanila
Ang ganda pala ng Ate ni Daniel, at ang slim niya!
''Maris, Ate ko... Si Ate Danica... Danica Katsumi ang pangalan niya...'' pinakilala ni Daniel ang Ate niya
''Hello Maris!'' greetings ng Ate niya saakin, then we shook hands
''Eto naman ate ko, si Ate Mira... Mira Janna talaga ang pangalan niya...'' pinakilala ko si Ate sa kanila
''Hello Daniel! Hello Danica!'' ngumiti si Ate sa kanila
''Hi Mira...'' nag-shake hands sina Ate at Ate Danica
pagkatapos nun, pumunta kami sa parking lot para hanapin ang sasakyan ni Ate Danica
Isang 4x4 na sasakyan...
''Daniel, jan ka sa likod...'' sabi ni Ate Danica tapos ngumiti siya bigla
Nagtataka ako kung bakit siya ngumiti...
''Ikaw rin Maris, Dun ka sa likod tabi kayo ni Daniel... Magkwentuhan kami ni Danica, Diba?'' Nag-killer smile si Ate saakin..
Naku, may ibig sabihin ito kung bakit nag-killer smile si Ate... Gusto niya kami lang ni Daniel sa likod. Alam niya kasing may crush ako kay Daniel... Hay ito talagang si Ate, pinapahalata... Pero nagtataka ako kay ate Danica....