School Life (DanRis FanFiction)

1.8K 22 8
  • Dedicated kay Hijikata Toushirou
                                    

Chapter 1

Maris' POV.

Klase nanaman, excited na akong pumasok at magkaroon ng mga bagong kaibigan... Pero, medyo kinakabahan ako. Marami kayang new students?? sana mababait sila... nag-isip isip muna ako bago kumain. Ano kayang mangyayari ngayon? pagkatapos kong kumain agad akong naligo at nag bihis. tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at huminga ng malalim...

''Maris, Kaya mo to!'' sabi ko sa sarili at pagkatapos nun umalis na ako...

6:35 ako nakarating sa school, medyo marami na rin ang mga tao. ''Ayun!'' nakita ko na ang classroom namin, 2nd year Ocampo. Tumakbo ako papunta sa classroom ngunit may biglang bumangga saakin..

''Aray, sakit nun ah...'' natamaan ako sa braso ko at nahulog rin ang mga gamit ko

''Naku Miss! Sorry hindi ko sinasadya, nag mamadali kasi ako...'' tinulungan niya ako sa pagkuha ng mga gamit ko...

''Okay lang, di mo naman sinasadya eh...'' nung nakita ko na ang mukha niya, mukha siyang nag-aalala... Ang tangkad pala niya, moreno, gwapo, at mukhang mabait...

''Sorry talaga Miss ha?'' nahiya siya

''Naku wala yun, teka bakit ka pala nagmamadali, may hinahanap ka ba?'' Tanong ko

''Oo, alam mo kung asan ang classroom ng 2nd year Ocampo?''

2nd Year Ocampo?? Ibig-sabihin classmates kami? o baka may kapatid siya doon. Imposible naman na kaklase ko siya, sa tangkad niyang yan...

''Uh, Miss?''

''Ha? Ay sorry, Doon sa may bandang kaliwa. Sumabay ka nalang saakin doon kasi ako papasok.'' ngumiti ako sa kanya

''Ganun ba? Classmate pala kita..'' Ngumiti siya

Ha?! Classmate ko talaga siya... Wow ang tangkad niya. akala ko nga 4th year na siya eh...

Nung nakarating na kami sa classroom nakita ko ang best friend ko- Si Loisa

''Maris!!!'' niyakap ako ni Loisa

''Loisa, na-miss kita... Tabi tayo.'' sabay upo

''Uh, pwede ba akong tumabi sa inyo? wala pa kasi akong kakilala dito eh.'' sabi ng lalaki

''Oo naman, dito ka sa tabi ko.'' Ngumiti ako

''Maris sino yan?'' Tanong ni Loisa

''Bagong classmate yan natin, Loisa.''

''Ah, Ganun ba mukha siyang 4th year no? tangkad kasi niya.''

''Haha oo nga.''

''Ano nga pala ang pangalan mo?'' Tanong ko sa lalaki

''Daniel, Daniel Matsunaga'' sabi niya

''Ako nga pala si Mariestella Racal. Maris nalang ang tawagin mo saakin.'' sabi ko

''At siya si Loisa Andalio. Best friend ko.'' tinuro ko si Loisa

''Hi!'' sabi ni Loisa

''Hello, Maris and Loisa. Masaya ako na nakilala ko kayo.'' Ngumiti si Daniel

Sa totoo lang, Masaya ako para kay Daniel na nagkaroon na rin siya ng kakilala.. kahit kaming Dalawa pa lang ni Loisa.

''Good Morning class, I will be your Adviser...'' Ngumiti kaming lahat dahil si Sir Piolo ang naging adviser namin

''Yes! si Sir Piolo!! woo-hoo'' sumigaw ang mga kaklase namin

Masaya talaga kung si sir Piolo ang teacher dahil madalas siyang nag jo-joke, lalong lalo na sa Batch namin.

School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon