Maris' POV.
Bilis ng panahon! Noon pasko pa lang, ngayon Valentines na! May Good News rin! Ok na si Daniel! Hindi na siya pilay...
Feb. 13, 2015 .. THE 13TH
Ayshh! Oo nga pala na-alala ko, Ang binigay ni ate sa akin na Calendar, nilagyan ko ng events and, yeah... Kasali pa ang Friday the 13th..
Sabi kasi nila, Malas daw eh... I tried na hindi ako maniniwala, pero may napapansin ako eh..
--YESTERDAY feb. 12, ART CLASS--
''Yey! Art na!'' sabi ko
''Uy, Eon tara na.. Jeff sabay ka na rin saamin.'' tumingin ako kay Eon at kay Jeff.
Naging close kami ni Eon dahil pina-transfer ako ng seat ni Sir.. Ang ingay kasi namin ni Loisa kapag kami ang magkatabi eh.. pero same pa rin.. haha!
Nagtataka ako, Bakit parang confused na galit ang mukha ni Eon? Si Jeff naman, Worried..''
''Maris, Nawala yung paint brush ko...'' Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
''Ha?! Diba nilagyan ko yun ng ''Eon'' sa tip pati na rin ''Rina'' para malaman nila na sa'yo yun?'' Sabi ko...Sayang remembrance ko sana yun kay Eon... Rina nga pala ang screen name ni Eon.. Sa banda nila ni Hanny..
''Oo nga Maris at imposible naman na mawala yun eh, dahil nilagay ko yun sa bag ko... May kumuha talaga..'' Sabi niya
''Ako rin eh, nawala ang paint brush ko. Pinagalitan ako ng Lola ko dahil siya ang bumili nun, Mahal raw eh... Natakot nga ako sa kanya.'' Napakamot nalang sa ulo si Jeff...
''Hay Naku! Bakit kasi bumibili kayo ng mamahaling gamit. Ang paint brush ko nga, 30 pesos tatlo na. Binigyan ko pa si Eon ng isa.'' Sabi ko
''Si Lola kasi ehh.. Ewan ko saan siya bumili..'' sabi ni Jeff
''Sige na, Tara na. Hinihintay na tayo ni Sir.'' Sabi ko
At yun lumabas kami... Nawala ang mga paint brush nila... Maya-maya rin ay may nangyari kay Loisa... Nagtataka ako.. O.o bakit ganun? At isa pa, Nawala rin ang paint brush niya kagaya kina Eon..
''Aghh! I hate Art. Ayaw ko na!'' Sabi ni Loisa na, Wow galit...
''Huy huy.. Kalma lang, Akala ko ba gustong-gusto mog mag-drawing. Ang ganda kaya ng mga Anime drawings mo..'' sabi ko
''Alam ko, Oo mahilig ako. Pero NAKAKAPAGOD. Hmph.. Bahala na..'' sabi niya
Dumating naman si Eon..
''Nagsimula na ang, Oh.. so-called bad luck during friday the 13th'' sabi ko
''Ok lang yan, Loisa... Ako nga, kamay nalang ginamit ko pang-'' hindi na natuloy ang dapat sabihin ni Eon dahil nahulog ang picture na nakalagay sa isang illustration board..
''HALA!'' Nagkatinginan kami ni Eon..
''Nagsimula na ang bad luck dahil tinanggal ko ang ''lucky watch'' ko.. haha!'' Sabi niya.. Swerte kasi ang relo niya dahil ako ang naka-pansin na tuwing suot niya yan ay halos perfect siya sa lahat ng quizzes namin.. Pero 50/50 lang ang paniniwala ko jan dahil kahit wala ang relo, Malalaki naman talaga ang scores niya.. hihi..
''Eon, 12th palang ngayon, Ano nalang bukas? Tsaka di rin ako nagugutom ngayon.. OH NO!'' Sabi ko... Si Eon ang naka-pansin nito, Tuwing nagugutom ako, Malalaki daw scores ko.. haha!
''Ah, Bahala na.. Sige kunin na natin ang mga bag natin..'' sabi niya
--END--
Ayaw ko ng maalala ang nangyari noong 12th! Aghh... Nakakainis na nakaka-nervous!