.CHAPTER 13 CHRISTMAS 2 MARIS' ADVICE

280 7 0
                                    

Maris' POV. 

Bah... Ang bilis ng panahon. Bukas na.. Ay hindi, Mamaya na pala ang Noche Buena!

8:00 am na ngayon. 

Pero... parang kanina pa ako naguguluhan... Parang may kulang sa nabigyan ko ng regalo... Hmm.. Isip isip na ako..

Si Mama, Tapos na.. Living Water 2015 na libro ang binili ko sa kanya, pati isang journal. Yan ang gusto niya eh... Si Ate naman, Skirts and Boxy T-shirts ang binili ko para sa kanya. Si Papa, Hay naku... Ang dami, Sabay pa nga kaming nag shopping ni mama. Dalawang Bench na Polo Shirt at Isang HG na shorts.... 

Sa close friends ko. Si Loisa syempre, Tapos na... Wattpad books ang trip nun eh.. Si Jeff naman, isang gift pack sa bench... Hmmm.. Sino pa nga ba?

''Bebe, Pasok ako..'' kumatok si ate sa kwarto

''Ge ate... Buksan mo..'' 

Umupo si Ate sa Tabi ko, sa higaan..

''O, bat parang ang lalim ng iniisip mo?'' 

''Wala ate, Parang may nakalimutan akong bilhan ng regalo eh...''

''Si Daniel?'' 

Tumingin ako kay ate.. Oo si Daniel nga pala! Bakit nakalimutan ko siya? Siya na... lumigtas sa buhay ko? 

''Oo nga pala ate! Salamat'' Tumayo ako agad at kinuha yung shoulder bag ko.. Mabuti nalang naka-damit pang alis ako ngayon. 

''O-oi! Teka lang alis agad?'' 

''Oo Ate, kailangan ko na talagang umalis ngayon. Siya ang importante eh..'' 

(A/N: janjajajan! May POV. na si Mira... Ate ni Maris. Pero short POV lng toh)

Mira's POV. 

Aba.. Si Bebe Gal, Nagma-mature na... Waaa!~ Matanda na talaga ako... 

Hmmm.. Ganyan din ako noon eh.. 

Pag-Ibig everywhere.... Pag-ibig Here and there... 

Sana, Sila nalang ni Daniel... Gusto ko siya para kay Maris... Ang bait niya.. He would even risk his life just for my little sis. Sana nga, Depends on Fate... 

-END OF MIRA'S POV- 

Maris' POV. 

Nandito ako sa Robinson's Department Store... 

''Tsk. Ang daming mapipilian..'' Napakamot ako sa ulo ko... 

Yun kayang Jacket? Hmm tingnan ko ang price...

''Seven Hundred ninety-nine?!'' Napasigaw ako.. 

Tinakpan ko ang bibig ko... Nasa mall nga pala ako.. 

A-ang mahal... Ito yung Brand ng mga Jackets niya eh... Tiningnan ko ang wallet ko kung ilan ang laman... 

Lucky! 3,000 pala... ^_^ Mabibili ko pala ito...

---Time Skip: 1:00 PM--- 

Naku, Nagugutom na ako... Ah, dito nalang ako kakain.. 

Agad akong pumunta sa isang Restaurant... Wow, Puno... Di bale na... 

Makiki-share nalang ako... 

Nag-order ako ng dalawang malalaking Pizza at isang large sprite... 

''Umm.. Sir, pwede maki-share.. Wala na po kasing vacant eh...'' Lumapit ako sa isang lalaking naka-scarf at naka blue na jacket... Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka tingin siya sa window..

School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon