CHAPTER 12 CHRISTMAS SPECIAL

240 11 0
                                    

Maris' POV.

a month later...
Naka-move on na ako sa nangyari... Wala na akong kaba at takot.. At hindi na dapat ako matatakot dahil...

Malapit na ang Pasko! Favorite month ko 'tong December, Dahil marami akong nakikitang mga taong ngumingiti sa paligid ko... At masaya kung bibili ka ng mga regalo sa mga mahal mo, sa pamilya mo.... 

Di bale na kung maubusan ako ng pera, Basta it's important to share... ^_^ 

2 days later, December 16... 

''Oi Maris may klase pa, Gising na..'' narinig ko ang boses ni Ate..

Ay oo nga pala, May klase pa... Pero meeting meeting lang... Ewan ko ba kung bakit kami magme-meeting ngayon... 

Bumangon na ako, May naamoy akong masarap sa labas..

''Uy! Paburito ko ang ulam!'' sabi ko... Fried chicken at Arozcaldo ni mama.. 

Haaay sarap ng buhay pag ganito ang ulam..

''Sinadya namin to ni Mama, bebe Maris dahil alam naming napuyat ka.. hehe'' Sabi ni Ate

''Dali, Kain na mga bata...'' Sabi ni Mama

Ang rami kong nakain.... Di ko to makakalimutan, December 16, Nag Umpisa na ang pag-kain ko ng marami.. Tataba talaga ako ngayong December.. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SCHOOL..

Nakarating na ako sa school. Buti naman at pinayagan kami ni Sir Piolo na mag-casual... 

Nagtataka ako, Ba't maraming mga estudyanteng taga-ibang school? Ano bang meron?

''Wow! Ang Ganda ng School nila..'' 

''Oo nga, Sulit ang Entrance Fee dito sa Icy Village at sa North Pole!''

''Ui! Masarap din ang libreng Christmas treats nila!''

Yun ang mga sinabi ng ilan sa kanila..

Huh? Icy Village? North Pole? Libreng Christmas Treats? 

Siguro ang tinutukoy nila ay ang Building 1 kung saan ang classroom namin at Building 2  na may classrooms ng elementary...

Nung pumasok na ako sa building namin, Napa-nga nga ako... 

Ito naman pala ang sinasabing Icy Village nila! 

Ang Ganda!

Parang Totoong Icy Village nga!

With aircons and snow pa.... Libre ang entrance fee sa mga studyante dito sa school namin... 

Nung Pumasok na ako sa Classroom namin! 

''MERRY CHRISTMAS HOHOHO!'' binati ako ng isang Santa Clause O.o 

''Sir Ikaw ba yan?'' tanong ko

''Ako nga Ms. Racal... You're On time.. Mag simula na tayo sa meeting natin...'' sabi ni sir

Umupo na ako sa tabi ni Loisa...

''Ui Loisa! Kain tayo mamaya may libre raw na treats..'' sabi ko sa kanya... 

''Sige! Tara let's!'' 

May naalala pala ako... 

Tiningnan ko ang Kanan... Wala si Daniel... 

Ano kayang nangyari dun? Nagi-guilty nanaman ako... 

''Sir Bakit po wala si Daniel?'' Tanong ko kay sir

''Ah Wag kang mag-alala, Sinabihan ko na siya kung ano ang meeting natin ngayon, Alam na niya lahat... Wala siya ngayon dahil ngayon ang Check up Day niya..'' 

''Ah.. Okay po...'' 

''Yieeeeeee Concerned!'' Sabi ng lahat ng mga  kaklase ko.

''A-ah... Aba Oo, Concerned naman talaga tayong lahat.. Ako lang ba?'' namumula na ang mukha ko.. Grrr sila kasi eh..

''Eh, Maris ikaw lang ang nag-tanong eh...'' Sabi ni Lorenne habang tumatawa

''Ah... Hindi ako nasanay na wala siya sa Kanan ko...'' sabi ko

''Uiiii! Hindi daw siya sanay!'' siniko ako ni Loisa... habang tumatawa

Hayyyyy Ano ba 'tong mga kaklase ko, Kung anu-ano nalang ang iniisip...

''Shhhh... Class please keep quiet. Magsisimula na tayo...'' 

Natahimik na rin.. Bwahaha! takot silang magalit si Sir..

''So okay.... Ms. Andalio please come here..'' 

Pumunta si Loisa kay sir..

''Kumuha ka ng isa jan...'' tinuro ni sir ang maliit na box... 

''Ay Bunot-bunot sir?'' Masayang tanong ni Loisa habang may kinukuha... 

Tiningnan niya ito... 

''WHAT?! BAKIT SIYAAAAAAAAAA!'' sigaw ni Loisa

''Psssst! Loisa.'' sita ni sir

''Ay, Sorry po sir...'' napakamot si Loisa sa ulo niya... 

Maya-Maya...

Pinapunta na ako sir sa kanyang table... 

Kinuha ko ang papel sa may bandang Kanan...

''DANIEL'' 

Siya ang Manito ko O.o 

Waaaaaaaaa Ano ito destiny?? -_-

''O, Ms. Racal bakit parang gulat na gulat ka?'' tanong ni sir.

''Ah.. W-wala sir...'' bumalik na ako sa upuan ko..

------------------------------------------------

Hiiiiiiii! Sorry po kung hindi masyadong romantic ngayon... Try ko pong mag-update this monday !!

-Megumi

School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon