CHAPTER ONE

22.1K 345 19
                                    

Hindi pa dapat ako magpo-post ng Book 3 ng Car Wash Boys. Kaso baka biglang mag-welga ang iba sa inyo. Hahahahaha!! Maaga pa lang natapos ng labahin si Inday kaya maaga rin nakapag-update. Ano? happy na kayo? Saya-saya n'yo rin mga Pengkum kayo eh! Hahahahaha! Nababaliw na kayo sa mga ka-kulto ni Panyang, walang sisihan kapag nahawa na rin kayo. 

Oiiii!! Favor naman! Tutal binabasa n'yo na rin lang per chapter. Baka naman puwdeng pa-Vote, Comment at Share na rin. Maraming Salamat, Pengkum! 

~JA💜



"CONGRATS 'insan!" pagbati ng mga pinsan ni Marvin sa kanya, pagkatapos ay kinamayan pa siya ng mga ito isa-isa. Iyon ang opening day ng bago niyang Candy Store doon mismo sa Tanangco, sa tabi ng Rio's Finest. Ang candy shop niya ay pinangalanan niyang Kid's Corner. At dahil opening, siyempre, may ribbon cutting sa pangunguna ng pinsan niyang si Daryl at ang Ama nito na si Senator Benjamin Rivera. At sa pagbubukas ng candy shop niyang iyon, ang unang-una nang masaya ay ang mga kabataan sa lugar nila. Kita sa mga mata nito ang excitement na makakatikim ng paborito nilang candy. At dahil unang araw ng store niya, nagpamudmod sila ng mga free sample products sa mga bata.

"Nakanang! Mukhang successful ang opening ng bagong store mo ah?" komento ng pinsan niyang si Jester.

"Salamat," masayang sagot niya.

"Pero, matanong nga kita pinsan. Ang dami naman diyan sa puwede mong pasukin negosyo. Bakit candy store pa? Madami ka ng branches sa halos lahat ng mall sa buong metro manila. Sana iba naman." suhestiyon ni Wayne.

"Alam n'yo naman na noon pa man, malapit na ako sa mga bata eh." Sagot niya.

"Kambal, bakit hindi ka na lang kasi mag-asawa?" suhestiyon pa ng kakambal niyang si Marisse.

Kunot-noong bumaling siya dito. "Tumigil ka nga." Saway niya dito.

Tumawa lamang si Marisse. "Joke lang, 'to naman!" sabi pa nito, saka nag-peace sign pa sa kanya.

"Tama naman si Marisse, mag-asawa ka na kasi. Kaysa nanghihiram ka ng anak ng may anak, gumawa ka na lang ng sarili mo." Sang-ayon pa ni Jefti.

"Sige, mauna kang mag-asawa tapos susunod ako." Natatawang hamon niya dito.

"Sabi ko sa'yo, masarap ang buhay binata eh." Sabay bawi ng naunang sabi nito.

Napailing silang magpi-pinsan, hindi lingid sa kaalaman nila ang takot nito pumasok sa isang seryosong relasyon. Kapag nai-inlove na ang mga nagiging ka-relasyon nito, agad na hinihiwalayan ni Jefti. Isang babae lang ang nakatagal dito, ang bestfriend nitong si Sam.

"Ewan ko sa'yo!" aniya dito. "Ayoko pang mag-asawa!"

"Pinsan, may napansin lang ako." Sabad ni Glenn sa usapan. "May iba naman na pwedeng puwestuhan itong candy store mo. Bakit dito pa sa tapat ng dental clinic ni Razz?"

Kunot-noong nilingon niya ang pinsan niya. "Wala! Bakit? Sa gusto ko dito eh!" sagot pa niya.

"Weh! Siguro para lagi mo siyang nakikita no?" panunudyo pa ni Karl.

"Tumigil nga kayo ng kakatukso sa akin sa babaeng 'yon! Wala akong gusto sa kanya!" mariing tanggi niya.

"Huuu! Charotero ka!" tudyo pa ni Sam sa kanya.

"Eh 'di huwag kayong maniwala!" sabi pa niya.

"Hep! Ako'y makiki-tsismis lang ano? Bakit ba galit na galit sa'yo si Razz?" pang-uusisa pa ni Wesley.

"Hindi ko alam. Basta bigla na lang nagalit 'yan dati sa akin hanggang ngayon." sagot niya.

Mayamaya ay nabaling ang atensiyon nila sa naglalambingan na sina Lolo Badong at Lola Dadang. May hawak ang Lolo niyang lollipop at inabot iyon sa kabiyak nito.

Car Wash Boys Series 3: Marvin IsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon