CHAPTER SEVEN

8K 169 5
                                    

LAKING pasalamat ni Razz ng sa wakas ay matapos na ang Seminar na iyon. Kung hindi nga lang importante ay hindi na siya pupunta, kaya kahit alam niyang aantukin siya. Pumunta pa rin siya. Hindi niya alam kung nakailang tasa ng kape siya sa buong araw para lang hindi sumara ang mga mata niya. Pero isa sa mga advantage ng Seminar na iyon ay ang pagkikita-kita nilang muli ng kanyang mga kapwa Dentista at kaibigan din Doctor.

Napabuntong-hininga siya. Sabay inat at bahagyang giniling ang sariling beywang. Masakit pala sa balakang kapag buong hapon kang nakaupo. Bukod pa ang pamamanhid ng puwet niya.

"Oh Razz, saan ka? Join us! Gigimik kami." Yaya sa kanya ng isang kaibigan niyang doctor.

"Sige, next time na lang. Hindi rin ako mag-eenjoy. Inaantok na ako eh." Pagtanggi niya.

"Okay." Nakangiting wika nito.

"Thanks anyway,"

"No problem, basta next time hindi ka na puwedeng tumanggi."

"Yes, I promise." Sagot niya.

Nauna na itong umalis. Samantalang siya ay pumunta muna sa comfort room. Pagkatapos niyang mag-retouch ay agad din naman siyang lumabas. Isa lang ang dalangin niya, sana'y hindi magloko ang kotse niyang secondhand at malapit na yatang mag-retiro.

Pagpasok niya sa loob ng kotse niya ay agad niyang ini-start iyon. Napasinghap siya ng ayaw mag-start niyon.

"Oh no! Huwag ngayon! No! Please mag-start ka. Pauwiin mo muna ako." Pakiusap pa niya sa kotse. Ngunit ilang beses na niyang sinubukan pero ayaw talagang mag-start. Nakasimangot na bumaba siya saka inis na sinipa niya ang gulong.

"Nakakainis ka naman eh! Promise! Ibebenta na talaga kita sa junk shop!" pagkausap pa niya sa pobreng kotse. Pagkatapos ay sinipa ulit niya ito, pero mukhang napuruhan yata ang paa niya dahil nanakit iyon ng mapalakas ang pagsipa niya doon.

"Aray! Joke lang! 'To naman, nagtampo agad!" sabi pa niya, saka napahawak sa paa niyang nasaktan.

"Sige ka, baka mamaya sumagot 'yang kotse mo."

Napapitlag siya ng bahagya siyang magulat sa biglang nagsalitang iyon. Kaya nawalan siya ng balanse, napahiyaw siya sabay pikit sa pag-aakalang lalagapak ang pwet niya sa semento. Pero bumagsak siya sa bisig ng kung sino. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya.

"Hey Doc!" bati pa nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya ng tumambad sa harap niya ang guwapo at nakangiting mukha ni Marvin. Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Dumoble ang tibok ng puso niya. Sa isang iglap, tila tumigil sa pag-inog ang mundo. Muli ay pakiramdam ni Razz ay nawala ang mga tao sa paligid, maging ang mga kotse sa parking lot na iyon. Once again, she was mesmerized by the beauty of his eyes. Isang tanong ang sumulpot sa kanyang isipan.

Puwede bang ganito na lang tayo palagi kalapit sa isa't isa?

"Razz," pukaw nito sa kanya.

Napakurap siya, pagkatapos ay inalalayan siya nitong tumayo. "Are you okay?" tanong pa nito.

"H-ha? Ahm, oo, Okay lang ako." Sagot niya.

Sinandal siya nito sa kotse niya, sa gulat ni Razz ay lumuhod ito sa harapan niya. Kinuha nito ang paa niyang nasaktan, hinubad ang sapatos niya at bahagyang hinilot iyon.

"Masakit pa ba?" tanong nito.

Puno pa rin ng kaba na tumango siya. "Medyo," sagot niya.

Car Wash Boys Series 3: Marvin IsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon