"SIXTEEN," bilang ni Razz sa kadadaan ng trycicle.
"Grabe! Ito lang ba ang gagawin mo? Ang magbilang ng dumadaang trycicle?" tanong ng katabi niyang si Josie. Habang nakakunot-noo ito at nakatitig sa kanya.
"Eh sa tinatamad ako eh," sagot niya.
"Bakit ba kasi wala pa tayong pasyente?" tanong pa ni Josie.
Tumingin siya sa suot niyang wrist watch. "Tanghali pa lang naman, malay mo mamayang hapon may dumating kahit isa." Sagot pa niya. Ilang sandali pa ang lumipas ng dumating sina Marisse, Sam, Kim, Sumi at Jhanine.
"Yo! Wassup?" bungad ni Marisse pagpasok sa clinic niya.
"Tanghaling tapat para mang-asar kayo!" aniya.
"'To naman! Yayayain ka lang naman namin mag-lunch." Sabi pa Kim.
"Ah okay, akala ko pagti-tripan n'yo na naman ako eh." Sagot niya.
"Hindi ah! Mamaya na, uunahin ko na muna ang tiyan ko." Ani Marisse.
Binalingan niya si Josie. "Ikaw Jo? Sabay ka na sa amin!" yaya niya dito.
"Hindi na, uuwi ako sandali. Doon ako kakain." Sagot nito. Sa kabilang Street lang ito nakatira kaya walking distance lang ito mula sa clinic niya.
"Okay, lock mo na lang 'tong clinic paglabas mo. May duplicate key naman ako." Bilin pa niya.
"Okay Doc," sagot nito.
"GRABE! Ang sarap talagang magluto ni Sumi!" puri pa ni Razz sa bagong kaibigan. Ito ang nobya ni PO3 Miguel Despuig, ang pinsan ni Marvin. Saksi sila sa hirap ng pinagdaanan ng relasyon ng dalawa. Pero matapos ang lahat ng pinagdaanan ng mga ito. Masaya na ang dalawa sa piling ng isa't isa.
"Narinig ko ang pangalan ko, ano 'yun?" sabad nito sa usapan, kagagaling lang nito sa kusina.
"Sabi ko ang sarap mo magluto." Ulit niya sa naunang sinabi.
"Teka nga, akala ko ba Manager ang magiging papel mo dito sa Jefti's. Bakit sa kusina ka na naman bumagsak?" tanong naman ni Marisse.
"Malay ko kay Jefti. Nawili yata." Sagot nito. Matapos itong lumipat doon sa Tanangco. Sa restaurant ni Jefti na ito nagtrabaho. Balita niya, nag-aaral din ito ng Culinary Arts tuwing weekends.
"Ambunan mo naman ako ng talent sa pagluluto, Sumi." Sabi pa niya.
"Paano? Wala kasing alam kung hindi ang magkalkal ng ngipin ng may ngipin." Pang-aasar pa ni Kim sa kanya.
"Ang bait mo, Kim." Aniya.
"I know." Sagot naman nito.
"Pero siyempre, Joke lang 'yun!"
Nagtawanan sila, maging si Kim.
"Gumaganti ka ah!" sabi pa ni Jhanine.
Nagkibit-balikat lang siya, sabay kagat sa hawak niyang fried chicken. "Puwede ba kitang gawin kusinera ko? Dodoblehin ko ang bayad sa'yo!" nakangising wika niya habang nagmamantika pa nguso niya.
"Hey! I heard that. I'll pay you ten times the price. Huwag ka lang sasama sa dentistang 'yan!" singit ni Jefti sa usapan. Kagagaling lang nito sa second floor. Kasunod nito ang mga pinsan nito. Mukhang katatapos lang mag-billiards ng mga ito. Parang may tumadyak sa dibdib niya ng makita niya na kasama sa grupo si Marvin. Wala sa loob na nilunok niya ang nasa bibig niya ng hindi pa nangunguyang mabuti. Kaya ang nangyari, nabulunan tuloy siya. Nanlaki ang mata niya pagkatapos ay hinampas niya ng hinampas ang dibdib para lumuwag ang paghinga niya. Ngunit nakabara pa rin ang pagkain sa lalamunan niya. Kinampay niya ang kamay. Alam niyang namumula na ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 3: Marvin Ison
Romance"I'm in love with you from the start. And I'll be loving you 'till the end." Teaser: Razz has set her eyes on Marvin since high school. He was the campus most popular boy. Kulang na lamang ay tumalon ang puso niya palabas ng dibdib niya sa tuwing n...