"GIRL, okay ka lang ba?" tanong ni Marisse kay Razz. Naroon ang mga ito sa bahay niya. Hindi siya nag-bukas ng Dental Clinic ng araw na iyon. Hindi rin naman kasi siya makakapag-concentrate sa trabaho.
Inakala niyang ang tagpong iyon kagabi sa kotse ni Marvin ang simula ng magandang pagtitinginan nila. Hindi niya alam na iyon na pala ang una't huling beses niyang mararamdaman ang espesyal na pag-ibig nito. Dahil sa bandang huli, tumambad sa harap niya ang masakit na katotohanan. Hindi pala niya dapat mahalin ito, dahil may nagma-may ari na ng puso nito at hindi siya iyon. Hindi kailan man magiging siya.
Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili. Sinubsob niya ang mukha sa throw pillow na nasa ibabaw ng hita niya, saka doon umiyak ng umiyak. Kung nasaktan siya noon, labindalawang taon na ang nakakalipas. Mas dobleng sakit ang nararamdaman niya ngayon. Bakit nga ba ganoon ang tadhana? Kung kailan binuhos mo na ang buong pagmamahal sa isang tao, saka ihahain nito sa harap mo hindi pala siya ang para sa'yo.
"Tahan na, Razz." Pag-aalo sa kanya ni Jhanine.
"You must really love him, don't you?" tanong pa ni Sam.
Tumango siya habang nakabaon pa rin ang mukha niya sa unan.
"Sino ba kasi ang babaeng 'yon?" tanong pa ni Sumi. "Bigla na lang siyang sumulpot sa eksena?"
"She's Annie, Marvin's girlfriend. Pero mas pinili niya ang career niya sa ibang bansa, kaya iniwan niya dito ito. Noong una, may communication pa sila hanggang sa hindi na nagparamdam 'yung babae. Kaya hindi na rin umasa si Marvin na babalik ito. Okay lang din naman sa kanya, dahil alam niyang hindi siya mahal ni Annie kundi ang career nito. Isang taon din itong nawala, and now she's back. And the way I see it, mukhang umaasa pa rin ito." Pagkuwento pa ni Marisse.
"Iyon naman pala eh, bakit hindi pa niya sabihin sa Annie na 'yon?" naiinis na tanong ni Kim.
"Kasalanan ko," aniya. Umayos siya ng pagkakaupo, saka pinunasan ang luha niya.
"Ha?"
"Dapat hindi ko hinayaan ang sarili ko na mahalin siya ulit. Hindi na dapat ako umasa na mamahalin din niya ako. Ako lang itong matigas ang ulo eh, hindi ko na-gwardyahan ang puso ko." Sabi pa niya.
"Wala kang kasalanan, Razz. Nagmahal ka lang. Ganoon lang kasimple iyon." Payo ni Sumi.
"Hayaan mo na muna si Marvin, naniniwala akong ikaw ang mahal niya." sabi pa ni Marisse.
"Tama," sang-ayon ni Jhanine.
"Sa ngayon, tumahan ka na sa pag-iyak. Remember, mamaya na ang stage play n'yo. Dapat ready ka na, okay?" paalala ni Sam sa kanya.
Tumango siya. "Kaya mo ba talagang gawin ang play?" nag-aalalang tanong pa ni Sumi sa kanya.
"Kaya ko, kakayanin ko." Matapang niyang sagot.
"Razz,"
Sabay-sabay silang napalingon sa pintuan ng bahay niya. Naroon at nakatayo ang lalaking sanhi ng pagluha niya, at kung bakit sugatan ang puso niya. Ngunit sa kabila ng mga pangyayari, kinapa ni Razz ang puso kung mayroon bang galit doon. Pero hungkag ito sa ganoong damdamin. Mas lamang na nasasaktan siya kaysa galit. At higit sa lahat, mas matimbang pa rin ang pagmamahal niya dito. Kaysarap sanang salubungin ito ng yakap sa mga sandaling iyon. Pero hindi maaari. Hindi tama.
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong nito.
Nagkatinginan sila. Ilang sandali lang ay nagsilabas na ang mga kaibigan nila at naiwan silang dalawa sa sala. Naupo ito sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 3: Marvin Ison
Romance"I'm in love with you from the start. And I'll be loving you 'till the end." Teaser: Razz has set her eyes on Marvin since high school. He was the campus most popular boy. Kulang na lamang ay tumalon ang puso niya palabas ng dibdib niya sa tuwing n...