CHAPTER FIVE

8.2K 174 8
                                    

Author's Note: 

Hello guys! I just want to address some confusion.  Sa mga nagatataka, kung bakit may character na "Sarah" kayong nabasa tapos later naging si "Sumi"? I will explain. 

Nang ginagawa ko po ang Carwash Boys Series noong 2012. Ang original name ng heroine/female lead ni Miguel ay Sarah, napalitan along the way at naging Sumi. Ngayon ang nangyari, nakalimutan ko nang palitan yung name na Sarah sa mga sumunod na books. At bilang sobrang tagal na siya noong sinulat ko, totally nakalimutan ko na siya. Until, some of you pointed this out and asked me. 

Hahahaha!! Alam n'yo bang inisip ko pang mabuti kung sino ba talaga si Sarah?? Tapos ayun, naalala ko na ganon nga ang nangyari. 

I apologized for the confusion and for not checking further before posting the chapters. I'll be more careful from now one.

Sana naliwanagan na ang lahat. Maraming Salamat! 💜


****************************************************************


HUMUGOT muna ng isang malalim na hininga si Razz bago dumiretso sa katapat na Kid's Corner Candy Shop. Agad na hinanap ng mga mata niya si Marvin. Kailangan niyang makausap ito. Gusto niyang magback-out sa stage play. Ayaw niyang makasama ito. Hangga't maaari ay nais niyang lumayo dito. Delikado na kasi ang lagay ng puso niya, kaya mas mabuti pa kung aagapan na niya.

"Hi Doktora. Good Afternoon!" magiliw na bati sa kanya ng mga babaeng crew ng Candy Shop.

"Hi, Nandiyan ba si Marvin?" tanong niya.

"Nandoon po sa Lolo niya. Mukhang may hinuhugasang kotse." Sagot naman nito.

"Ah, sige. Puntahan ko na lang doon. Salamat." Aniya. Bago siya tumalikod ay napansin niya ang may panunudyong tingin sa mga tauhan ng Candy Shop. Palabas pa lang siya ay may pumasok na grupo ng mga Nanay, kasama ang mga anak nito.

"Hi Doc," bati sa kanya nito.

"Hi,"

"Balita po namin ay kayo ni Marvin ang gaganap sa stage play para sa fund raising sa barangay. Excited na po ang mga bata nang malaman na kayong dalawa ang gaganap." Anang isang Nanay.

"Naku eh, hindi pa po sigurado 'yon." Wika niya.

"Ay! Hindi kami manonood kapag hindi po kayo ang kapartner ni Kuya Marvin." Sabad ng isang batang babae.

Lihim niyang nakagat ang labi niya. Patawarin sana siya ng mga batang ito pero hindi talaga niya puwede ipagsapalaran ang puso niya. Ngayon pa, alam niyang parang nasa dulo na ito ng bangin at anuman oras ay mahuhulog na ito.

"Uhm, sige ho. May pupuntahan pa ako." Pagpaalam niya sa mga ito, saka mabilis na lumabas. Dumiretso siya sa Carwash ng mga Mondejar. Pagdating niya doon, abala ang magpi-pinsan sa paghuhugas ng kotse. Kasama na roon si Marvin.

Gusto yatang biglang pumihit pabalik ni Razz ng makita si Marvin. Paano kasi'y wala na naman itong suot na t-shirt at tanging board shorts lamang ang suot nito. Tumambad na naman sa mga mata ang matipunong dibdib nito.

Sana pala nagsuot ako ng shades. Nakakasilaw naman!

"Marvin!" tawag niya dito.

Kunot ang noo nito ng lumingon sa kanya. Pero agad din naman napalitan iyon ng ngiti. Mabilis siya nitong nilapitan.

"Wow! This is a surprise! Dinalaw mo ako dito!" sabi pa nito.

Car Wash Boys Series 3: Marvin IsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon