HINDI AKO MAKATULOG NG MAAYOS SA KAHABAAN NG BIYAHE. Pinilit kung ipikit ang mga mata ko para makaiwas sa pang-uusisa ng tiyuhin ko. Gayunpaman ay may mga pagkakataon pa ring bigla nalang akong nagigising dahil sa malakas na tawanan ng magkapatid sa harap ng sasakyan. Idagdag mo pa minsan ang pagyugtog sa akin ni Daddy upang tanungin kung nagugutom ba ako o nauuhaw na hindi ko man lang pinagkaabalahang bigyan ng pansin.
Dahil na rin sa sobrang kalasingan at pagod ko ay tuluyan na akong nawalan ng ulirat sa loob ng sasakyan kanina, idagdag mo pa ang pagkabigla ko ng masilayan ko ang taong nagbigay sa akin ng kamulatan sa larangan ng pakikipagtalik at pag-ibig. Nanatili akong walang kibo sa kahabaan ng biyahe habang nakikinig sa nagkekwentuhang magkapatid. Pinilit kong ikubli ang lungkot sa mga mata ko sa kabila ng siglang ipinapakita nila at tanging ang mga pilit kung tango at mailap kong mga ngiti nalang ang ipinupukol ko sa kanilang dalawa sa tuwing may ititanong sila sa akin.
Noong nagkaroon ako ng malay ay pinagkaabalahan kong igala ang mga mata ko sa abalang tanawin na aming nadadaanan. Mabilis na napagod ang mata ko dahil sa malikot na tanawin dahilan para muli kong ipikit ang mga ito sa kahabaan ng byahe. Hindi ko din naman maitatanggi sa sarili ko ang mga pagkakataong nagigising ako sa daan habang palihim kong sinusulyapan ang tiyuhin ko. Matagal-tagal na rin kasi noong huli ko siyang nakita. Malaki na rin ang pinagbago niya lalo na sa mukha neto. Maliban kasi sa pag-aalala ay alam kong bakas sa mukha neto ang matinding gulat nung nakita niya ako.
Mag-aalas syete na ng umaga ng marating namin ang bahay. Dahan-dahan akong inalalayan ni Tito pababa ng sasakyan. Ramdam ko pa din yung pagkahilo na anumang maling galaw ko ay paniguradong magpapabuwal sa kinatatayuan ko.
Hindi pa man ako tuluyang nakababa ay muling rumehistro sa utak ko ang matinding kalungkutan na bumalot sa labas palang ng bahay na araw-araw kong natutunghayan. Kung gaano kasi kabilis na pumasok ang lungkot ay siya din namang bilis ng pagbawi ng lahat ng pagod ko ng salubungin ako ng isa sa mga alaga kong aso na si Fifth. Niyakap ko ito ng sobrang higpit habang walang habas na dinidilaan ang pagmumukha ko.
"Hindi pa rin pala nawala ang pagkahilig mo sa aso Red." Singit ni Tito Denver na tinanguan ko lang.
Pumasok ako sa loob ng bahay at muling inilibot ang paningin ko. Pilit kong pinawi ang hinagpis mula sa nakita kong malaking family picture na nakadisplay sa sala. Hindi pa man lumipas ang ilang minuto ay nabaling ang atensyon ko sa may hagdanan ng makarinig ako ng mga mabibigat na yabag. Si Mommy, bitbit ang di-maipintang mukha. Alam na alam ko na katakot-takot na sermon na naman ang aabutin ko mula dito at tulad ng lagi kong inaasahan ay hindi nga ako nagkamali.
"Winston saan na naman ba galing yang magaling mong anak? Doon na naman ba sa puntod ng kinababaliwan niyang lalaki?" Usal niya kay Daddy sa harapan naming lahat.
"Iza yung bunganga mo, di ka na nahiya sa kapatid ko." Pagsuway ni Daddy.
Bakit may nasabi ba akong mali Winston?" Mataray niyang dagdag na hindi pa man lang nagpapigil sa kabila nag paninita ni Daddy.
"Ilang taon na Red oh pero halos gabi-gabi, linggo-linggo ka nalang lasing. Sinira mo na yang buhay mo dahil sa lalaking yan. Nakikita mo pa ba ang sarili mo sa harap ng salamin. Tingnan mo nga yang sarili mo ni magpagupit ng desente ay hindi mo na magawa, para kang taong grasa. Nakakahiya ka." Mahabang litanya niya sa akin.
Bigla akong napipi sa mga sinabi ni Mommy. Hindi ako makakibo na para bang umurong ang dila ko sa sobrang bigat ng mga binibitawan niyang salita. Tama nga din naman kasi Mommy, ilang taon na akong ganito. Siguro nga ay panahon na rin para tuluyan ko na talagang kalimutan si Lance. Hindi ko tuloy maiwasang mapahagulgol nalang dahil mga masasakit niyang puna.
BINABASA MO ANG
Confessions
RomancePaano ka makakatakas sa bangungot ng nakalipas? Paano mo lalabanan ang iyong kasalukuyan kung paulit-ulit ka lang dinadala ng mga paa mo sa nakaraan. Tunghayan natin kung paano haharapin ni Red ang magulong mundo ng pag-ibig at pagnanasa sa buhay n...