"Okay ka lang ba talaga Red? Sigurado ka bang kaya mong maglakad mag-isa?" Alalang tanong ni Kuya Raven sa akin na tinanggihan ang alok niyang pag-alalay sa akin. Pinilit ko pa rin kasing tumayo at pinilit na maglakad gamit ang natitira ko pang lakas. Dahil na rin sa katigasan ng ulo ko ay hinayaan niya na lang akong mauna na iika-ikang naglakad. Hindi niya tuloy mapigilang mapakamot nalang sa ulo dahil sa katigasan ng ulo ko.
"Kuya akala ko ba hinahanap na tayo don sa loob, ano pang inaantay mo jan? Yayang tanong ko sa kanya habang malungkot pa rin siyang nakatingin sa akin na ginantihan ko lang ng pilit na ngiti.
"Kuya, huwag mo na akong alalahanin ayos lang talaga ako kuya huwag kang mag-alala sa akin. Basta pagdating natin dun sa loob ay iisa lang ang sasabihin at palalabasin nating kwento, na natapilok ako dahil sa kakatakbo ko sa baybayin." Mahaba kong paliwanag na natatakot pa din noong mga oras na yun na baka madiskubre pa ng mga magulang ko ang tunay na dahilan kung bakit talaga ako iika-ika.
Bagama't bakas pa din sa mukha niya ang pag-aalala ay tumango nalang siya tanda ng pagsang-ayon. Pero makulit si kuya, muli niya akong inalok na sumampa sa likod niya. "Huwag ka na kasing mahiya Red, alam ko namang gustong-gusto mong sumampa sa likuran ko." Malambing niyang pagpupumilit.
"Alam mo Red, ano man ang kahihinatnan ng lahat ng ito, lagi mong tatandaan na andito lang si Kuya para sayo ahh." Sambit niya.
Pagkarating namin sa resort ay nadatnan namin sila na nagaantay ng inoorder na pagkain.
"San ba kayong dalawa nanggaling at kanina pa namin kayo hinahanap ng Papa mo Raven?" Tanong ni Lola para sa amin na kaagad namang sinagot ni Kuya.
"Namasyal lang po kami ni Red Lola, sinusulit namin yung gala bago po bumalik ng Manila." Iksing sagot ni Kuya na tinanguan lang ni Lola.
Nanatili naman akong tahimik habang inaantay ang waiter na ilapag ang pagkain sa mesa ko. Tahimik lang akong nag-aabang ng biglang nagsalita ang si lola.
"Bakit parang ang tahimik mo ata ngayon Red? Napagod ka ba sa kakapamasyal apo?" Sunod- sunod niyang tanong sa akin.
"Sobrang napagod lang po ako Lola." Matamlay at pilit na ngiti kong tugon.
Matamlay man sa harap nilang lahat at pilit pa rin akong pinapangiti ni Kuya Raven. Naroon yung bigla nalang siyang magpapatawa dahilan para masita kami minsan ni Daddy sa harap ng pagkain. Mas lalo tuloy akong nailang lalo na noong nakita kong natatingin sa akin ang tiyuhin kong blanko at walang emosyon ang mukhang inabot sa akin ang ulam. Pero bago pa man niya ito nagawa ay inunahan na siya ni Kuyang magsalita.
"Red kumain ka pa kasi para makabawi ka ng lakas, tingnan mo nga naman yang katawan mo ang payat payat mo na." Halatang nagulat si Tito Denver sa ginawa ni Kuya Raven dahilan para magkatitigan kami. Ang totoo niyan ay kanina pa ako naiilang sa mga titig niya na mukhang wala
Ngunit patayo palang kami ni kuya papunta sa kwarto ng biglang nagsalita si Dad.
"Red, doon ka pala matulog sa kwarto ni Tito Denver mo tutal wala naman siyang kasama dun, kaysa siksikan kayo dung tatlo ni Tito Nathan mo. Maliit pa naman yung kama nung nakuha niyong room.
Halata ang gulat at matinding pagaalala sa mukha ko. Muling umakyat ang niyerbyos at takot ko nung bitawan ni daddy ang mga katagang yun.
Nakahinga ako ng maluwag ng nagsalita si Kuya.
"Lola pwede po bang kami nalang ni Red yung magtabi, baka po kasi late na matapos sila Papa maginuman.
"Sige mga hijo, mauna na kayo. Ako nalang ang bahalang magsabi sa magkapatid baka maabala pa kayo sa pagtulog niyo." Sagot ni Lola sa pakiusap ni kuya.
BINABASA MO ANG
Confessions
RomancePaano ka makakatakas sa bangungot ng nakalipas? Paano mo lalabanan ang iyong kasalukuyan kung paulit-ulit ka lang dinadala ng mga paa mo sa nakaraan. Tunghayan natin kung paano haharapin ni Red ang magulong mundo ng pag-ibig at pagnanasa sa buhay n...