"NAGULAT BA KITA RED" Sambit ni Tito Nathan na dahan-dahang lumitaw mula sa dilim.
"Akala ko kung sino yung nagsasalita, kinabahan pa po tuloy ako. Akala ko talaga may multo dito tulad ng laging panakot na kwento ni lola sa amin." Gulat kong sambit.
"Naku naniwala ka naman sa Lola mo, Kaya lang din naman niya sinasabi yun para matakot kami noong mga bata pa kami na kumain ng matatamis mula sa ref kapag disoras ng gabi. Madalas niya kasi kaming nahuhuli dito sa ref ng nagkukutkot ng matatamis kapag gabi, lalo na yung Tito Denver mo." Baling niyang tugon sa akin.
"Siyanga pala, naitabi mo ba yung ginamit mong towel kay Tito Denver mo?" Muling tanong niya sa akin na naging dahilan para pumurol ang dila ko at pautal-utal ko siyang nasagot.
"Ahh tapos na po Tito ibaba ko nalang po bukas ng maaga."
"Ganun ba. Siyanga pala bakit ka pa bumaba dito sa kitchen samantalang meron namang tubig sa taas. At bakit ba parang uhaw na uhaw ka Red? Napagod ka ba?." Tanong niya habang dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang malanghap ang usok ng yosi sa bawat bitaw ng mga katagang nagbigay lalo ng kaba sa akin.
"P-po tito? Hindi na po kasi malamig yung tubig na nasa taas Tito kaya bumaba po ako dito sa kitchen." Ikling sagot ko dito. Pero bago pa man talikuran si Tito Nathan ay nagulat ako tumawag sa pangalan ko mula sa pangalawang palapag ng bahay.
"Red, ang tagal mo naman diyan. Disoras na ng gabi ay nakikipagkwentuhan ka pa diyan sa Tito mo, halika na at matulog na tayo. " Ang tawag saken ni Tito Denver na mukhang nayayamot.
"Tito Nathan akyat na po ako. Tawag na po kasi ako ni Tito Denver." Paalam ko kay Tito Nathan na may hinabilin muna bago ako umakyat.
"Sige na matulog ka na at bukas sa akin ka sasabay." Sambit niya habang kasalukuyang hawak ang isa kong kamay. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa mga pasimpleng pagpisil niya sa palad ko, o sadyang masyado lang akong nag-isip at nagbigay ng kahulugan na napapaloob sa mukha ni Tito Nathan.
Kaagad naman akong bumitaw mula pagkakahawak ni Tito Nathan. Pero bitbit ko pa din sa pag-akyat ko ang ang pagtataka sa kakaibang ikinikilos ni Tito Nathan na mabilis kong ikinubli kay Tito Denver na nag-aabang sa akin sa may pintuan. Inakbayan naman ako ni Tito Denver habang papasok ng kwarto.
"Ano sabi sayo ni Tito Nathan mo? May naitanong niya ba yung tungkol sa nangyari sa ating dalawa kanina?" Tanong ni Tito bago sumampa sa kama.
"Wala naman po Tito." Iksing sagot ko habang isinaklob ang makapal na kumot sa kabuoan ko.
Mag-aalas onse na ng gabi pero hindi ako makatulog sa higaan ni Tito marahil ay dala ng paninibago ko o di kaya ay dulot ng matinding pag-aalala na baka malaman nila ang lihim namin ni Tito, mas naging malinaw kasi sa akin ang lahat na oras na malaman ito ng iba ay tiyak mapapagalitan ako ni Daddy. Kaya bumangon ako at tinungo ko ang upuan sa may gawing bintana. Maging si Tito ay napansing kong naalimpungatan din noong nagising itong wala ako sa tabi niya. Kaagad naman akong nilapitan ni Tito sabay tapik sa likod ko. Bakas sa mukha niya ang matinding pagaaalala na bahagyang ikinukubli ng kadiliman sa kwarto.
"Tito paano kapag nalaman lahat ni Daddy itong ginagawa natin kanina?" Ang di ko mapigilang tanong sa kanya.
"Alam mo Red, kaya yun ang lagi kong bilin sayo na huwag ipagsabi sa kahit na kanino ang lihim natin, Oras kasi na nalaman ito ng kahit sino man ay tiyak na magbibigay ito ng kahihiyan sa atin parehos. Maliban pa dun ay baka parehos tayong itakwil ng pamilyang ito kapag nalaman nila ang imoral nating ginawa. Alam mo naman na sa aming tatlong magkakapatid yung tatay mo ang pinakaterror pagdating sa mga usaping personal. Kaya lagi mong tandaan na wala kang ibang pagsasabihan kahit sino pa man yan." Mahaba niyang paalala sa akin na tumatak sa utak ko simula noong gabing yun.
BINABASA MO ANG
Confessions
RomancePaano ka makakatakas sa bangungot ng nakalipas? Paano mo lalabanan ang iyong kasalukuyan kung paulit-ulit ka lang dinadala ng mga paa mo sa nakaraan. Tunghayan natin kung paano haharapin ni Red ang magulong mundo ng pag-ibig at pagnanasa sa buhay n...