Chapter 05

3.7K 31 0
                                    

IKA-LIMA NG ABRIL AT PANGALAWANG ARAW NAMIN DITO SA PROBINSIYA NG MAGSIMULA ANG LAHAT. Kakatapos lang ng pasukan ko sa Maynila kaya kami nakapagbakasyon sa probinsiya. Kasama ang Mommy at Daddy ko maliban sa Kuya ko na nagpaiwan lang sa Maynila dahil sa mga kinuha netong summer classes. Gayunpaman ay hindi pa rin ako ganap na nakatakas sa pag-aaral dahil may kinuha ang lola kong magtututor sa aming magpipinsan. Mahigpit niya kasing ipinapaaalala lalo na sa akin na kailangan ko ng seryosohin ang pag-aaral ko dahil magwawalong-taong gulang  na ako sa susunod na pasukan at para na rin mamaintain ko ang pwesto ko sa honor roll.

Mag-aalas singko na ng hapon pero buong panay pa din ang buhos ng ulan, at dahil hindi nakarating ang tutor namin dulot ng malakas na buhos ng ulan ay napilitan nalang kaming magpipinsan na panoorin ang ulan sa may balkonahe habang inaantay namin itong tumila. Gustuhin man din kasi naming magtampisaw  sa ulan ay hindi naman magawa dahil ayaw kami pahinyulutan i ni lola at baka daw kasi magkasakit kami lalo na at ito ang pinakaunang ulan mula daw sa mahabang tag-araw. Hindi man namin maintindihan kung anong pamahiin ang meron sa ulan ay nanatili nalang kami sa loob ng bahay. Para na rin matanggal ang bagot namin noong hapong yun ay nagkaayaan kaming maglaro ng  taguan. Tulad ng nakasanayan si Kuya Raven na pinakamatanda sa aming lahat ang napagkasunduang maging taya, na kaagad namang pumuwesto patalikod sa dingding ng pasilyo upang magbilang.

Tagu-taguan maliwanag ang buwan tayo'y maglaro ng tagu-taguan. Pagbilang ng sampu nakatago na kayo. Mabilis kaming nagsipulasan palayo sa kinaroroonan ni Kuya Raven, habang patuloy na naririnig ng mga tenga ko ang hudyat ng pagsisimula niyang magbilang. 

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima...

Anim...

Pito...

Walo...

Hindi ko alam kung saan ako magtatago, biglang nablangko ang utak ko. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo hanggang sa nasilayan ko ang naka-uwang na pintuan sa pinakadulong bahagi ng pasilyo. Hindi na ako nagdalawang-isip pa noong nakita ko ito, na kaagad kong sinunggaban para makapagtago bago pa man tuluyang matapos ni Kuya Raven ang pagbibilang.

"Siyam Sampu!" Huling dinig kong sambit ng pinsan kong si Raven na sakto noong isara ko ng tuluyan ang pintuan. Kaagad ko namang pinihit ang trangkahan habang marahan akong humakbang patungo sa gitnang bahagi ng kwarto. Iginala ko ang aking paningin sa apat na sulok neto para makahanap ng mapagtataguan. Pinakiramdaman at pinag-iisipan kong mabuti kung saan ako sisiksik. 

Ngunit naputol ito dahil sa nalanghap ko. Isang nakakahipnotismo at napakatapang na aroma na nagmumula sa pamilyar na pabango na nangingibabaw  sa loob ng kwarto. Mabilis na rumehistro sa akin ang pabangong kanina pa naglalaro sa matalas kong pang-amoy. Ito yung pabangong suot-suot lagi ng Tito Denver na naaamoy ko sa kanya tuwing naglalambing at kinakarga niya ako sa tuwing nagbabakasyon kami dito sa probinsiya.

Agad naman akong bumalik sa katinuan at muling naghagilap ng mapagtataguan noong may narinig akong mga yabag na nagsisipagpulasan sa labas ng kwarto, marahil ay may nahanap na si Kuya Raven sa mga pinsan ko. Kasunod ng muli kong pagkagulantang ay ang narinig kong boses na nagmumula sa loob ng banyo na naging dahilan para dali-dali kung tunguhin ang aparador. Mabilis kong napagkasya ang sarili ko sa pinakasulok neto habang inaanalisa kung sino yung narinig ko. Ang alam ko kasi ay bukas pa ang dating ng may-ari ng kwartong ito, base sa pagkakadinig ko kay lola kahapon habang pinapalinis ito sa kasambahay.  Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko nung mga mga sandaling iyon lalo na noong may narinig na naman akong mga yabag papunta  sa pinagtataguan ko. Kinakabahan ako. Ngunit laking pawi ng gulat ko ng bumalik ito sa upuang nakapwesto sa study table niya. Napasinghap ako, tanda ng pagkawala ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko makumpirma kung sino yung lalaking palakad-lakad sa loob ng kwarto, tanging ang ibabang bahagi lang kasi ng katawan neto ang nasisilayan ko.

Confessions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon